Part 22

3 0 0
                                        

"Table tennis court? Bakit mo ako dinala rito?" nagtatakang tanong ni Sophie kay Ethan. Bakit siya dadalhin nito doon? Anong binabalak nito?

"I know what you're thinking. You find it weird but I don't care." Inilibot siya nito sa buong court at sinabi nito na ito ang may-ari ng court kaya naman kahit gabi na ay bukas pa rin iyon para sa kanila.

May kinuha itong dalawang raketa at iniaabot nito ang isa sa kanya. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko."

Wala siyang nagawa ng kunin nito ang kamay niya at ilahad ang raketa sa kamay niya. Itinuro nito ang tamang paghawak niyon at ang mga basic rules na kailangan niyang matutunan sa paglalaro ng table tennis. Her forehead is still knotted but she can come up with what he was saying. Ang galing kasi nitong magturo. Nagpunta ito sa kabilang side ng table court at inalalayan siya nito patungong kabila dahil sigurado ito na hindi siya gagalaw kung uutusan lang siya nito. "This is the right way to serve." Nagserve ito at napunta sa kanya ang bola. "You try." Anito.

Hindi siya gumalaw. Tinitigan lang niya ang bola na sinerve nito na nahulog sa sahig. Hindi pa kasi nito sinasagot ang tanong niya pero tila wala lang iyon dito dahil pangiti-ngiti pa ito habang pinupulot ang bola.

Iniabot nito iyon sa kanya. "You try."

Wala naman siyang nagawa ng ilagay nito ang bola sa kamay niya. Never pa niyang nilaro ang sport na iyon kaya naman ng i-serve niya iyon ay hindi man lang lumagpas sa net iyon. In-explain naman ulit ni Ethan kung paano ang tamang pagserve at nag-demo ulit ito. Paulit-ulit lang ito hanggang sa makuha na niya iyon. "And now, I'll teach the right way to play." Ganoon din ang nangyari sa kanila. Paulit-ulit lang din ito sa pagpapaliwanag hanggang sa matuto siya. Nakuha na niya iyon ngunit may mga pagkakataon pa rin na sumasablay siya at magpapaliwanag na naman ito hanggang sa maintindihan niya. Naguguluhan siya sa mga kinikilos nito pero pakiramdam niya ay nakakalimutan niya ang sakit na nararamdaman niya dahil sa gigawa nito.

"Aren't you getting tired of explaining?" sita niya rito. Isa lang naman ang tanong niya pero hindi pa rin nito nasasagot iyon samantalang ang dami na nitong nasabi dahil sa pagtuturo sa kanya. Nagserve ito at imbes na tirahin iyon ay sinalo lang niya ang bola. "Isa lang naman ang tanong ko pero hanggang ngayon ay hindi mo pa sinasagot samantalang ang dami mo ng nasabi. Pinagloloko mo ba ako, Sir?"

"Don't call me sir. Ethan will do."

"Patawa, Sir." Matalim niyang tinitigan ito. Nagtaas ito ng dalawang kamay na tila sumusuko na nagpatawa sa kanya.

"Okay, okay. I surrender." He inhaled and exhaled. "Table tennis is my stress reliever and I want to share it with you. Just enjoy this moment and for sure, you're stress and hatred will blow away."

"Sigurado ka na mawawala ang stress ko dito?" tanong niya bagaman ramdam na niya ang paggaan ng dibdib niya. Infairness, natouch siya sa concern na pinapakita nito.

"Yes."

Pagsagot nito ay agad na niyang sinerve ang bola papunta rito at dahil alerto ito ay agad nitong natira iyon. At lumipas ang mahigit ang isang oras na iyon lang ang ginagawa nila. They were supposed to be tired at that moment but they both don't felt it. Masyado kasi silang nag-e-enjoy kaya naman hindi nila namalayan ang oras at ang tawanan ay hindi nawala sa pagitan nila.

"Are you tired?" tanong ni Ethan paglipas ng ilang minuto.

Saka lang niya naramdaman ang pagod. Napakapit siya sa table court. Tanda iyon ng kapaguran na ngayon lang niya naramdaman. "Nakakapagod din pala ito." Nagulat siya ng bigla siyang buhatin nito. "Anong ginagawa mo?"

"I know you're tired. Ang daming nangyari ngayon tapos pinagod pa kita. I owe you this."

"Wala kang ginagawang kahit ano. Nakatulong nga iyon, eh. Kaya pwede mo na akong ibaba."

I'm Not The Only OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon