Part 30

1 0 0
                                        


Gabi na pero hindi pa rin makatulog si Sophie. Kaya naman napagpasyahan niyang magpahangin sa labas ng bahay nila.

"I love you, Sophie. I will fight for it, no matter what."

Hanggang ngayon ay gulong-gulo pa rin siya sa sinabi nito. Mahal siya ni Ethan? Paanong nangyari iyon? Tanga na siya kung tanga pero naniniwala siyang mahal siya nito. Pero nasaan na siya? Ang sabi niya ipaglalaban niya ako. Pero ni anino nito ay hindi pa niya nakikita. Ilang araw na ang dumaan.

Nang gabi ding iyon ay nagkapaliwanagan na sila ni Owen. Kotse kasi nito ang sinakyan nila ni Tyra noong gabing iyon. Nagprisinta kasi ito na ihatid sila pauwi. At dahil gusto daw talaga siyang kausapin nito.

Humingi ito ng patawad sa kanya na tinanggap naman niya. Maniwala man daw siya at hindi ay totoong nagkagusto ito sa kanya. Mas mahal nga lang daw nito si Hope na naintindihan naman niya. Humingi din siya ng tawad dito dahil sa ginawa niyang pagpapahiya rito na tinanggap nito.

Nakatanggap siya ng mga text messages mula kina Hannah at Payton. Sinabi niya sa mga ito ang nangyari at humihingi ang mga ito ng pasensiya dahil hindi siya masasamahan ng mga ito. Si Payton ay nag-out of town dahil sa trabaho nito. Si Hannah naman ay nasa honeymoon pa rin kasama ang asawa nito. Ewan ba niya pero hindi na nagsawa ito sa pagha-honeymoon.

Naiyak siya ng mabasa ang mga text ng dalawa. Nakakatouch kasi ang mga ito dahil kahit papaano ay napagaan ng mga ito ang loob niya. Ang sabi pa ni Payton ay humanda si Ethan sa pagbabalik nito dahil kakatayin niya ito. Sigurado siya na hindi man nito literal na katayin ni Payton ay kakastiguhin pa rin ito ni Payton dahil sinaktan siya nito. Her friends were very protective to her. Kaya naman maging siya ay ayaw niyang nakikitang nasasaktan ang mga ito dahil nasasaktan din siya. Thank you, mga friends.

Bumuntong-hininga siya. How she wish this heartache will be over now. Kung sanang ngayon din ay mawala iyon. Pero imposible dahil sigurado siya na ang sakit na iyon ay magtatagal dahil mahal na mahal niya si Ethan at hindi ito madaling kalimutan. Maybe she is not really enough for him. Bagaman sinabi nito na mahal siya nito ay maaaring hindi siya sapat dahil hindi siya ang totoong makakapagpasaya rito. Maaaring akala lang nito na mahal siya nito dahil naaawa ito sa kanyang sinapit at nakokonsensya lang ito sa mga nasabi nito. Mabuting tao si Ethan at ayaw nitong may nasasaktan itong ibang tao.

Denial Queen nga siguro siya ayon na rin kay Tyra. Hindi niya maamin sa sarili niya na mahal niya si Ethan dahil takot siya. She was afraid to love him because he might not love her in return. Takot siya dahil maaari siyang masaktan dahil alam niyang may mahal itong iba. Lalo pa siyang natakot ng malaman niyang mahal na nga niya ito ng todo-todo.

Naramdaman na naman niya ang unti-unting pagsikip ng kanyang dibdib ng maalala ang pagmamakaawa nito. Gustong-gusto na niyang sabihin dito na pinaniniwalaan na niya ito pero nagpigil siya dahil mayroon pa rin siyang mga agam-agam. Marami pa siyang tanong na gusto niyang sagutin nito. At hindi pa iyon ang tamang panahon. But she knew how much she needs Ethan in her life.

"Ayokong makialam sa buhay mo, anak. Pero alam ko kung gaano ka kamahal ni Ethan."

Napalingon siya sa kanyang ina na siyang nagsalita. Hindi niya napansin ang paglapit nito.

"Lahat ng taong nagmamahal ay nagkakamali. Bigyan mo siya ng isa pang pagkakataon. Pakinggan mo siya at sundin mo kung anuman ang gusto ng puso mo. Ang puso mo ang magdidikta sa kung saan ka totoong magiging masaya." Ngumiti ito bago siya niyakap nito. "Tama na iyan. Hindi na kita pwedeng ipagtimpla ng gatas para tumahan ka."

Tumawa siya sa sinabi nito. "Si mama talaga." Susundin niya ang payo nito dahil iyon ang tama. 

I'm Not The Only OneWhere stories live. Discover now