Napagising si Sophie dahil sa katok ng kung sino. Sino naman kayang matinong tao ang kakatok ng ganoon kaaga? Ano naman kayang kailangan nito kung sakali? Imposible namang siya ang kailangan dahil hindi naman sa kanya bahay iyon kundi kay Hannah dahil nakitulog lang naman sila ni Payton. Simula ng bumalik ito mula States ay nakiusap si Hannah sa kanilang dalawa ni Payton na doon na muna sila tumira dahil lalo lang daw itong ma-se-stress kapag mag-isa lang ito sa bahay nito. Independent ito kaya naman sanay ito na malayo sa pamilya nito pero kapag may pinagdadaanan ito ay ayaw nitong nag-iisa dahil hindi daw maiwasan nito ang hindi mag-overthink.
Pareho sila ni Payton na sang-ayon na doon na muna sila dahil nag-aalala sila sa kaibigan.
Baka naman ang mama ni Hannah ito kasi matagal na din namang hindi nagkikita ang mga ito. Kaya lang, ang sabi sa akin ni Hannah ay kami palang ni Payton ang nakakaalam na nakauwi na siya sa Pilipinas. Sino naman kaya itong kumakatok na ito?
Pinagbuksan niya ito ng pinto at lalaki ang bumungad sa kanya. Hindi ito kagwapuhan at hindi niya kilala ito. Sa tantiya niya ay kaedad nila ito dahil na rin sa tindig nito. Kumunot ang kilay niya. Ano naman kayang kailangan nito? Hindi kaya masamang tao ito at gusto silang pagnakawan nito? Pero imposible dahil napakaformal ng suot nito at wala naman sigurong magnanakaw na ganoon manamit. At walang magnanakaw na kakatok. "Sino ka?" aniya. Hindi naman siya galit dito hindi lang niya maitago ang irita dahil maaga pa at nambulabog na ito.
"Can I talk to Hannah?"
"Hannah? Bakit? Anong kailangan mo sa kanya?" kunot ang kanyang noo dahil nagtataka siya kung bakit nito hinahanap si Hannah dahil wala naman itong naikwento na may kaibigan pala ito sa Pilipinas na hindi nila kilala.
"I need to win her back."
"Ano? And why you need to win her back-"
"Isaac?" narinig niya ang sinabing iyon Hannah na ngayon ay nasa likod niya.
Natameme siya. Inaantok pa rin ba siya o nagha-hallucinate na siya. Napakalayong ito si Isaac na nakilala nila sa simbahan. Hindi naman sa nang-iinsulto siya ay napakalayo talaga nito sa Isaac na nakilala nila. Gulong-gulo siya. Ano bang nangyayari?
Siniko siya ni Payton. "Hoy, bakit nakatulala ka diyan? Sino naman iyong kausap ni Hannah?" nasa tabi na kasi ni 'Isaac' si Hannah ngayon.
"Ang sabi ni Hannah ay siya daw si Isaac." nakatamemeng sabi niya.
Biglang nanlaki ang mga mata nila ni Payton. She suddenly realized what was happening. "Hindi siya si Isaac." Sabay na sigaw nila ng maalala nila si 'Isaac' na groom na napaka-gorgeous.
Biglang tumilim ang tingin ni Hannah sa kanila. "Alam ko, hindi siya gwapo para sa inyo pero para sa akin siya lang ang nag-iisang gwapo sa mundong ito." ikinuwento kasi nila dito ang nangyari noong araw ng kasal ni 'Isaac' at sinabi nilang napakagwapo nito ngunit hindi ito nagreact at mukhang nagalit pa ito dahil hindi iyon ang totoong Isaac.
Biglang dumilim ang paningin niya!
YOU ARE READING
I'm Not The Only One
Romance"I didn't choose you, my heart did. And the heart will dictate to where you'll be truly happy." Malaki ang naging kasalanan ni Sophie kay Ethan. At nangako siya sa sarili niya na sa muling pagkikita nila nito ay hihingin niya ang kapatawaran nito, b...
