"I don't get it why do women get jealous all the time."

Ano daw, jealous? Hindi kaya siya nagseselos. Nagkataon lang na naging ganoon ang reaksyon niya sa sinabi ng saleslady. Isa pa, hindi naman ito kinakausap pero sumasagot ito. "Try this." inabot niya rito ang damit na ipapa-fit niya. She should distract herself and distract him. Kung ano-ano na ang naiisip niya. At kung ano-ano na rin ang nasasabi nito.

Pumasok uli ito ng fitting room. Bagaman may pagtataka sa itsura nito ng tignan ang mga damit ay sinunod pa rin siya nito. Yellow rocker shirt, black jacket and a gray cargo pants ang mga iyon kaya naman biglang nagtaka ito. Nacu-curious kasi siya kung babagay ba rito ang pang rock and roll na style. Na-imagine niya ang magiging itsura nito kapag suot na nito ang damit dahil siguradong maiilang na naman ito.

"What do you think?" She stared at him. He was posing as if he is a model. Naglakad pa ito palapit sa kanya. Paglapit nito ay lumuhod ito sa harap niya. "I know what you're doing." He was staring at her as if he was seducing her.

"Tinutukso mo na naman ba ako, Sir?" lumalapit ang mukha nito sa mukha niya katulad ng ginawa nito noon sa simbahan. He was intently staring at her. She felt something that is not right. She wants to walk away but she can't. Tila nakakulong siya rito. Napasandal siya sa sofa dahil nakaramdaman siya ng panlalambot. It's the only thing she could do. "S-Sir, are you okay?" Napapikit siya ng biglang lumapit ang mukha nito. Hindi para halikan siya.

"I know what you're doing. You're trying to make fun of me." He whispered in her ear. At tila nakayakap na ito sa kanya dahil kinornehan siya nito. Nakakulong siya sa mga bisig nito.

Naramdaman niya ang kakaibang kuryenteng dumaloy sa kanyang mga kalamnan ng maramdaman ang napakainit na hininga nito sa likod ng kanyang tenga. "No, Sir. I was just really trying your appeal and not to make fun of you." Ang gwapong mukha ay hindi sapat sa isang lalaki. Importante pa rin na may dating ito at mapapatunayan niya iyon kung marunong itong magdala ng damit. At sa nakikita niya ngayon kay Ethan ay napatunayan niyang matindi talaga ang appeal nito.

"And what do you think about it?"
She was catching her breath. Ang tindi ng epekto sa kanya ng ginagawa nito. "A-ang gwapo mo, Sir."

"Okay." pagkasabi nito niyon ay tumayo na ito at lumayo sa kanya. Bagaman hindi pa rin siya maka-recover sa nangyari ay hindi nakaiwas sa kanya ang pagtawa nito ng mahina dahil sa sinabi niya. "Teka, ano bang sinabi ko?"

"Ang sabi mo, ma'am. Ang gwapo ni Sir." sagot ng saleslady na may crush kay Ethan.

"Narinig mo?"

"Hindi naman lahat, ma'am. Iyon lang huli mong sinabi na ang gwapo ni Sir kasi ang lakas ng pagkakasabi ninyo."

She examined the reaction of the people around them. Mukhang malakas nga ang pagkakasabi niya dahil sumasang-ayon ang itsura ng mga ito. Paano nangyari iyon samantalang hindi na nga niya matandaan iyon. Is she some kinda out of her mind? Kung ano-ano kasing pang-ti-trip ang ginagawa ni Ethan sa kanya.

"Okay lang naman iyon, ma'am. Totoong gwapo naman talaga si Sir. At mukhang kinilig siya sa sinabi ninyo, ma'am."

Bakit naman siya kikiligin? Samantalang may gusto siyang iba. Hope suddenly popped into her head. Walang dahilan para kiligin sila sa isa't-isa. O kahit ang naramdaman niya kanina ay walang dahilan dahil nadala lang siya rito. Magaling lang talaga itong mang-trip, iyon lang.

"What do you think about this?" lumabas naman ito mula sa fitting room. Ni hindi na niya napasin na nakapili na ito ng damit.

He is now wearing checkered polo and a dark denim pants. It fits so well in him. Mukhang nawawala siya sa tamang katinuan. Kung kanina ay gwapo at sexy na ang tingin niya rito. Ngayon ay hindi na niya mailarawan kung gaano katindi ang epekto nito sa kanya ngayon. Her heart beats so damn fast. Pero hindi dahil takot siya rito pero dahil.. dahil.. Dahil sa wala lang. Hindi pwedeng magpa-apekto siya rito. Hindi kaya naninibago lang ako dahil iba na ang pakikitungo niya sa akin ngayon? Hindi naman imposibleng iyon nga ang dahilan. Nasanay lang siya noon dito na masyadong malamig ang pakikitungo nito sa kanya. Ngayon kasi ay daig pa nila ang mag-best friend sa sobrang close. Kaya naman kahit ito ang boss niya ay hindi na siya naiilang na biro-biruin ito dahil ganoon din naman ito sa kanya. At sobrang gaan ng pakiramdam nila sa isa't-isa ngayon. Tama! Kaya ngayon, ang dapat kong gawin ay masanay sa mga pang-ti-trip niya at syempre sa gwapo niyang mukha.

Hindi niya papansinin ang kakaibang pakiramdam niya ngayon dahil wala namang ibig sabihin iyon. Tumayo siya at lumapit dito. Napansin niya ang mga tie na nasa katabi ng fitting room at kumuha ng isa sa mga iyon. Mas maliit iyon kumpara sa ordinaryong tie. Isinuot niya iyon dito. Alam niyang babagay iyon sa napili nitong outfit dahil nakita na niya ang outfit na iyon sa isang fashion magazine. "Ikaw ang pumili nito?" ang outfit nito ang tinutukoy niya.

"Yeah."

Hindi niya akalaing may alam pala ito sa fashion. Ang lakas pa mandin ng loob niyang i-test ang pagdadala nito ng damit. "I didn't know you know something about fashion."

"Not really." Anito habang mataman siyang nakatingin dito. She can't take her eyes off him. "I just choose clothes that I'm comfortable with. One more thing, Hope is a model so I have to get along with her fashion."

Tila nagising siya sa pagkakatulala dito ng marinig niya ang pangalan ni Hope. "I guess, were done with your clothes. Let's find a shoe." Tumalikod siya dito at tumawag ng saleslady. "We need some shoes." Aniya bagaman hindi siya sigurado kung may nakarinig sa sinabi niya.

I'm Not The Only OneWhere stories live. Discover now