"Ayy oo nga pala. Denice si Angel kapatid ko. Angel si Denice kaibigan ko sa school."

"At eto naman si Javier. Kaibigan ko rin at best friend ni Kuya Nathan. Javier eto naman si Angel,  ang pinakamamahal kong kapatid."

"So, sino yung babae na dinala ni Kuya Nathan sa labas?" Nakapamewang pang nagtanong.

"Kaibigan niya. Si Scarlet." Simple kong sagot. Eh sa ayaw ko nang ikwento kung sino nga ba si Scarlet.


"Kaibigan niya, so ibig sabihin, hindi mo kaibigan?" Eto namang batang ito. Kung makatanong daig pa ang mga reporter.

"Ah, kaibigan ko rin. Hehehehe!" Naglakad siya palabas sabay sabing, "We'll talk later!" At ayun. Tuluyan na nga siyang nawala sa paningin namin. Haaay Angel. Bakit ang dami mong alam sa buhay.

I turned to face Javier and Denice. Parang feeling ko medyo nagulat pa sila sa inasta ni Angel kanina. Talagang magkaibang'magkaiba kaming dalawa.

"Pasensya na kayo sa kapatid ko ha."

"Okay lang." Sabay nilang sagot.

"Kumusta ka na?" Tanong naman ni Javier. Umupo silang dalawa sa sofa.


"Eto, nagpapagaling."


"So ano nga ba talaga ang nangyari?"


"Ayoko mo nang pag usapan kasi nandidiri ako."

"So, sino ba kasi ang nag organize ng bet na yun?" Panahon ko naman na magtanong sa kanila.


"Si Scarlet at yung mga kasamahan niya."

"Kasamahan?"

"Oo. Actually, anim sila, kabilang na sa bilang si Scarlet. Nabuo sila simula nung umuwi dito si Scarlet at nalaman na kayo na ni Nathaniel. Yung dalawa sa kanila ay nabibilang sa course natin. Yung isa ay a year younger at yung dalawa ay kasama ni Scarlet galing sa states." Pagpapaliwanag ni Denice.

"Eh bakit pinapahamak ni Scarlet si Nathan? Di ba magkaibigan sila?" Tanong ko naman ulit. Sana pala nag guest nalang kami sa The Buzz, puro ba naman hot issue dito.

"Hindi naman kasi si John ang gustong mapahamak ni Scarlet. Kundi, ikaw."

"Oo, yan rin yung narinig ko mula sa mga alagad ni Scarlet. They came up with that bet para makalat sa buong campus na easy to get ka lang. Na pa inosente ka lang pero ang totoo kagaya ka rin ng iba."

"Pero bakit nila ako iinitan? May nagawa ba akong masama sa kanila?"

"Oo Jura. In fact, ang laki ng naging kasalanan mo." Napatingin kami pareho kay Javier.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Inagaw mo ang pinaka importanteng tao sa buhay ni Scarlet. The man of her dreams. Ang lalaking mahal niya."

Nagulat nalang ako sa sinabi ni Javier. Kasi ang sabi ni Nathan sa akin, gusto ni Scarlet si Javier kaya nga hindi sila magkasundong dalawa. Pero ngayon, nagbago ata ang ihip ng hangin.

Ibig sabihin nito, they have mutual feelings for each other. Useless na itong arteng ito. Napapahamak pa ako.

Pero kasi, kapag sasabihin ko kay Nathan ang totoo, matitigil na kami. Alam ko naman na sabi niya na gusto niyang makuha si Scarlet sa pamamaraan niya after our contract ends. Pero kasi kapag nalaman niya nagyon na Scarlet likes him as well, baka naman putulin niya na yung contract kasi okay na sila. He doesn't need to win her anymore.

Kapag hindi ko naman sasabihin sa kanya, tuloy tuloy ang magiging kamalasan ko. Baka sa susunod ipa assassinate na ako, di ba?

Pero di ba, ayaw ko naman tong set up na toh? So dapat okay lang na sabihin ko kay Nathan ang totoo.


Di ba?

Maya maya lang umuwi na sina Denice at Javier samantalang si Angel ay pinakuha ko kay Yaya kasi may pasok pa siya bukas. Kami lang ni Nathan ang nasa loob ng hospital room ko.


He sat sa sofa samantalang ako naka upo sa bed ko na nakatingin sa kanya. Natutulog kasi ang mokong habang nakaupo lang. Naku, pwede naman na kasi siyang umuwi sa kanila. Hindi naman kasi ako bata na kailangang bantayan 24/7.

"Bi, tunaw na ako." Nagulat ako kasi ba naman bigla siyang nagsalita.


"Akala ko tulog ka." Naku, napahiya na naman tuloy ako.


"Hindi ako pwedeng matulog lang after what happened to you. Baka puntahan ka pa ng mga halimaw dito. I was just closing my eyes para makapagpahinga naman ito. Kahapon pa ako walang tulog kakabantay sayo."

"Ano ka ba, okay na naman ako. Kaya, kung gusto mo, pwede ka nang umuwi sa inyo."

"No. Kasalanan ko kung bakit ka nagkaganyan."


"Hindi naman eh. Tadhana lang siguro." Pabiro ko namang sabi sa kanya.

"No, it was clearly my fault."

"Oh siya sige, pero bakit mo ba kasi pinipilit na kasalanan mo? Ikaw ba bumugbog sa akin ng ganito? Hindi naman di ba?"


"Hindi ka naman nila sasaktan kung tinanggihan ko yung bet." So nakokonsensya rin pala tong mokong na toh. He has changed a lot.


"Eh baka naman kasi hindi nila ako sasaktan kung sinabi mo nalang ang totoo na nahilakan mo talaga ako." Oo nga, bakit kaya hindi niya sinabi na nahalikan niya talaga ako?


"If I would declare na nanalo ako, they would bash you. Pagsasalitaan ka nila ng masama. Jura, you became a friend to me, and I don't want them hurting you. Akala ko kasi I would save you nung hindi ko sinabi na I accomplished the bet, hindi ko naman kasi alam na may plan B pala sina Scarlet. I am so sorry Jura."

"Ano ka ba Nathan, okay lang. At least nailigtas mo ako. Ako nga dapat mag sorry sa iyo, dahil napahiya ka sa buong campus dahil lang hindi mo masabi sa kanila na nagawa mo yung bet because you were thinking about me. Thank you and I am so sorry."

Tumayo siya and at niyakap na naman ako, kaya niyakap ko rin siya. Hindi naman kasi ito magtatagal panghabangbuhay. Darating pa rin ang panahon na kailangan na naming itigil ang pagpapanggap na ito.

Kaya Jura, huwag mong hayaang masanay ka sa kasayahang alam mong pandalian lamang.




***********************

Mr Bitter meets Ms ProperWhere stories live. Discover now