🗡XXXI. Getting information🗡

76 4 0
                                    

Third Person POV

Nagulantang at nagkagulo ang bayan ng Alderidge. Ito ang unang pagkakataon na sinalakay sila ng bampira na may sinag pa ng araw. Ang akala nila ay tuwing gabi lamang ito sumasalakay ngunit nagkakamali sila.

"N-Nagulat po ako. Nakita ko ang katawan nito ngunit pugot na ang ulo", naiiyak at nanginginig na sabi ng isang saksi.

Siya ang unang nakakita ng katawan ng lalaking nakahandusay sa damuhan. Nakahiwalay ang ulo nito sa katawan. Nagkagutay-gutay ang ugat sa lalamunan nito.

The Callahan soldiers made their way to investigate. It's their job and responsibility dahil ang Alderidge ay isa sa bayan na kanilang pinoprotektahan. Pero ang tanong. Hanggang ngayon pa ba?

Ang katawan ay dinala sa Palasyo ng Callahan. Maybe to run alternative test of the body kung vampire attack nga ba o hayop na nakatira sa kagubatan.

Ng maipasok na sa malaking laboratory ng palasyo ng Callahan ay kaagad din na nagtungo si Melvina at Darius doon. Melvina as the new Callahan leader. Isa rin si Darius na nagpapatakbo ng pamalakad ng Callahan noon.

There's not much machines inside the laboratory. We're still in time where technologies never exist. Tanging alternative machines lamang ang ginagamit kaya nahihirapan ang iilang eksperto sa pagtukoy nito.

"Let's make this a less of our worries. We need to find those Callahan traitors", boses ni Melvina habang papasok sa hall. Kasunod nito si Darius at Esther.

Pinaalis ni Melvina sila Melusina at Galenus sa palasyo because their loyalty is still in their father and not with the new master.

"Wala sila sa Alderidge. Let's look for them in the other town and villages", si Darius.

Napatingin si Melvina sa kanya. "We need to find them and kill them or else.....", huminga ng malalim si Melvina.

".....or else, what?", si Esther.

"Makikipagsundo ako sa taga Sighisoara", matalim na mga mata ang iginawad ni Melvina sa kapatid.



Artemis Callahan-Balkan POV

Tatlong araw ang itinagal ng pag-aayos namin sa bahay. Thanks to the villagers help at natapos na rin namin kalaunan. We point Alaric as the house owner at siya ang nangangalaga sa bahay.

Sa kwarto ko dati ako natutulog kasama si Ambrosia. Sa ilang kwarto naman ay sina Amadeus at Aeneas. Si Alaric ay siyang nag-iisa sa kwarto. Sa kwarto sa unang palapag ay ang four men in black.

Tanghaling tapat ng biglang umulan. Mabilis na naglagay ng timba at palanggana ang taga roon para makakuha ng tubig ulan. Ang mga bata ay naglalaro sa ilalim ng malakas na ulan at sayang-saya sila.

"Come on, Ros. Sabay tayo", sabay hila ko kay Ambrosia at lumabas ng bahay.

Muntik pa kaming matumba dalawa dahil sa paghila ko sa kanya. We laugh and join the children. Nakisali na rin kami sa kanilang laro kaya imbis na maging malinis ang damit ay puno ako ng putik.

Napatingin ako sa aking damit. Ambrosia splash me with rain water kaya kaagad akong napapikit.

"Tama na", saway ko.

Nagtataguan pa nga kami kaya medyo lumayo ako para matagal akong mahanap.

"Isa! Dalawa! Tatlo!", sigaw ng batang taya sa laro at nagsimulang maghanap. Hindi ko alam kung saan nakatago si Ambrosia.

"Can I join?", napatalon ako sa gulat dahil sa boses na narinig sa aking likuran.

"You scared me again", natatawang sabi ko sabay hawak sa dibdib. "What are you doing here?".

BLOOD BOUND: THE HAWTHORNE'S FALL ( Book 1)Where stories live. Discover now