🗡XLI. Hundred🗡

61 5 0
                                    

Artemis Callahan-Balkan POV

Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Ngayon ko ulit naalala na nandito pala ako sa pack castle. Alaric sent me here para mailayo ako sa gulo na nangyayari sa Callahan Palace pero ngayon ay babalik kami ni Cassius doon. He misses Ambrosia.

Pagkababa ko ay nakahanda na ang almusal. Naroon na ang lahat. Nakapagbihis na rin ako. Mabuti ngayon ay nakadala ako ng damit ko galing sa Callahan kaya hindi ko kailangang manghiram pa kay Luna Deane.

"Nakahanda na ang pagkain. Pagkatapos nito ay nakahanda na rin ang carriage na magdadala sa inyo pabalik sa Callahan", sabi ni Luna Deane.

Katabi ko sa hapag ay si Cassius. I'm on his left and on his right is Niklaus.

"Wait! I forgot something", tumayo si Cassius kaya naiwan kami ni Niklaus doon.

Ng bumalik si Cassius ay tumingin siya sa akin.

"Can we change seats? I'm more comfortable here", ngumiti si Cassius sa akin.

I glared at him pero umusog naman. Ngayon ay napagitnaan na ako ng dalawa.

Mabilis din natapos ang umagahan at ilang minuto ay tumulak na kami. Isang karwahe lamang ang aming dala. Dahil ako lang naman at ang dalawang magkapatid ang kasama ko.

Naiwan si Aphasia sa pack castle dahil hindi papayag si Lleon na magkahiwalay silang dalawa. Naiwan naman sa Callahan Palace si Ambrosia ay Amadeus. They tried to confessed to Alaric the murder case of Amadeus. Iwan ko kung nagkaayos na ba sila. Pero sana nga at magkaayos na sila. We have a lots of problems. At iyon dapat ang una naming aasikasuhin.

Our position inside the carriage is more awkward than our breakfast earlier. Si Niklaus ang katabi ko. Kaharap namin si Cassius ngayon. Nauna kasing pumasok ang dalawa kanina. Sa side ni Cassius ay puro box kaya isa lang ang magkasya. While on Niklaus's side has a wide space kaya doon ako naupo.

Sa gitna ng byahe ay humikab ako. Why am I suddenly felt sleepy? Nakatulog naman ako ng maayos kagabi. Siguro ay sa dami ng aking iniiisip.

"You should sleep, Artemis. Mahaba pa ang byahe", komento ni Cassius.

I glared at him. "I'm fine", sabi ko ngunit ilang sandali ay humikab muli ako. Ngayon ay dahan-dahan ng bumagsak ang talukap ng aking mga mata. Inaantok ngang talaga ako.

Nagising nalang ako ng hindi nakaramdam ng paggalaw ng karwahe. Ng minulat ko ang mga mata ko ay ang balikat ni Niklaus ang una kong napansin. I slept on his shoulder. Ng tiningala ko siya ay nakita kong nakatitig siya sa akin.

Mabilis akong umayos ng upo at inayos ang aking buhok at damit.

"I'm sorry. Inaantok lang talaga ako. I didn't know", I comb my hair using my fingers.

"It's okay. Did you sleep well?", he asked.

I glance at him. "Yeah. Uhm, thank you", I smile at him at naunang bumaba pero hinapit niya ang beywang ko para maupo ulit. Nauna siyang lumabas at inalalayan ako pababa.

Sabay kaming pumasok sa palasyo.

"Where are you going?", tanong ko kay Ambrosia ng makasalubong ko siyang nakacombat outfit.

"We're training. Come on, change your clothes. Samahan mo ako", aniya sa akin.

"Okay. I'll be there", mabilis akong tumakbo paakyat sa aming kwarto noon. I change my clothes. I wear leather jeans and fitted black tshirt. Hapit ito sa katawan ko. I braided my hair at tinali ang dulo. Mabilis akong bumaba sa hagdanan at patakbo pa. Ng namataan si Niklaus na nakasandal sa hamba ng pintuan at nakatingin sa akin ay bumagal ang aking hakbang.

BLOOD BOUND: THE HAWTHORNE'S FALL ( Book 1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu