🗡IX. Attacked and Leave🗡

100 8 0
                                    

*Artemis' siblings above (with names)*



Days, weeks and months passed, mas lalong inigihan ng mga kapatid ko ang pagamit sa iba-ibang sandata. I get that we're living as wild animals hunters pero ang nakakapagtataka ay hindi naman siguro marunong gumamit ng sandata ang mga hayop. Isang tudla lamang ng bangkaw ay patay na ito.

Until one night. Sa kalagitnaan ng gabi ay nagising ako sa ingay sa bandang malayo. Kaagad akong sumilip sa bintana. Kay aga naman yatang nag insayo ng mga kapatid ko. But to my horror, they're not just practicing. It's a real battle.

My knees immediately trembled as I watched some of our men get burned in a large fire, not far from our house.

The screaming and shouting in fear envelope my ears. The cry for help from our older people, the terrifying laughs and low growl from the attackers. The blades smashing with each other, the sound of daggers and arrows in the air. Iyon ang nagpapatakot sa akin.

"ARTEMIS! ARTEMIS!", dinig kong sigaw ni mama sa akin.

"Mom, what's happening outside?", nalilitong tanong ko.

"Nothing, honey", umiling siya sa akin. "You need to come with Alaric into the woods alright? Pupunta kayo sa lugar ng mga magulang ko. Bibisita lang sandali", habang sinasabi niya iyon ay pinagsusuot niya ako ng itim na malaking hoodie jacket. Ganoon din si Alaric, only that his jacket has many accessories. May dala siyang ring sword at katana. May nakita din akong dalawang dagger sa kanang binti niya.

"Mama, hindi ka sasama?", tanong ko.

Hindi niya ako nasagot o baka wala siyang balak na sagutin pa ako. Alaric pulled me away from mom at sa likod na bahagi kami ng aming malaking bahay dumaan.

Pagkalabas ko doon ay nakita ko ang apat pang kapatid ko. Alaric is our oldest kaya siya ang inatasan ni mama para sa akin.

I know we're not leaving just for a vacation. I know something went wrong. Bakit kami tatakas? Bakit hindi nalang tulongan nila Alaric sila mama sa pakikipaglaban? Why do we need to leave them behind?

Gusto kong magpupumiglas sa hawak ni Alaric para mabalikan sila mama ngunit hindi niya ako hinayaan. Binaybay namin ang kabilang dako ng kakahuyan.

Hindi na dinig hanggang dito ang ingay sa pinanggalingan namin kaya medyo napanatag na rin ako. Nauna kami ni Alaric sa paglalakad at nahuhuli ang apat ko pang kapatid. Sa aming anim, tatlo ang lalaki at tatlo din ang babae. Like what I said, Alaric is the oldest, Amadeus pangalawa at lalaki pa rin, Aphasia the oldest of all girls, the third, Aeneas the last boy, the fourth. Ambrosia the fifth, at pang huli ay ako. I'm four years younger kay Ambrosia. I'm still eight.

Sa layo ng aming nilakbay ay nakaramdam ako ng pagkapagod but we didn't stop. Kinarga na lamang ako ni Alaric para makapagpahinga.

Naabutan kami ng araw sa daan. Napatingin ako sa paligid at nakitang hindi na pamilyar sa akin ang lugar. Malalagong puno ang narito sa dinadaanan namin. Hindi kagaya sa pinanggalingan na tuyo ang mga dahon sa lupa at ni isang dahon na natira sa puno. Like what you can see in horror movies or haunted houses or places.

Nakaakbay na ngayon sa akin si Ambrosia at nagbahagi ng tinapay sa akin. I smiled at accepted it dahil kumalam na rin ang sikmura ko.

"We're almost there", sabi ni Aeneas sabay turo sa malayong banda.

Dito pa lang ay kita na namin ang maraming kabahayan. Habang papalapit kami doon ay panay ang tingin ng mga nakakita sa amin. Hanggang na nakapasok kami sa malaki at matayog na gate.

"Ang mga apo ni Philetus nandito na", tila natutuwa ang mga ito sa pagdating namin.

They gather around to welcome us, they almost jump in rejoice ng makita kami. Ambrosia, carefully pulled my hood to hide my face. Napayuko ako. I know what she mean. I can't be seen in public. Iyon ang napagtanto ko kung bakit bawal akong lumabas ng bahay.

Pumasok kami sa isa pang gate at bumungad sa aming harapan ang malaking bahay na maihalimtulad sa palasyo. At ang mas nagpapamangha sa akin ay ang mga taong mag iinsayo gaya ng mga kapatid ko.

••••••••••••••••••••••••••

Author's Note: some of the chapters are short. I divided it with every scenes for the chapter titles para hindi ako malito sa next plot. Thank you, I hope you understand.

Happy Reading!

BLOOD BOUND: THE HAWTHORNE'S FALL ( Book 1)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora