🗡XIV. Traitor🗡

75 7 0
                                    

Dinala sa Sighisoara si Abraham kasama si Vesper.

Ng maiharap na ito kay Ambrogio V ay parang bulkan na sumabog ang kanyang galit ng makitang kasama nito ang kanyang asawa. Vesper is now crying for mercy. Niklaus and Cassius enter the hall. Halata sa pagkagulat sa mukha ni Cassius habang si Niklaus ay parang wala lamang. He's too cold. Unable to read, while Cassius is like an open newspaper. Madaling basahin.

"LAPASTANGAN!", parang kasing lakas ng kulog na sigaw ni Ambrogoi V sabay turo sa kay Abraham. Vesper is kneeling. Inalalayan naman siya ni Cassius na patayuin pero umiling lamang si Vesper, punong-puno ng luha ng mga mata.

"Kill that traitor!", sigaw muli ni Ambrogio V kaya mabilis na dinakip si Abraham ng mga death dealers at inakay sana papalabas ng bulwagan.

"AMBROGIO, NO! PLEASE, NO! I OWE HIM MY LIFE!", buong pusong sigaw ni Vesper. Tumayo siya at lumapit sa asawa niya. "Please spare his life. Bilang kabayaran na rin dahil niligtas niya ako".

Ngunit baliwala ang kanyang pagsusumamo sa asawa. Ambrogio V is beyond that. He's really angry na para bang inipon niyang galit sa walong taon na nakalipas ay ngayon niya lang nailabas.

"Ikulong ang lapastangan kong asawa!", utos niya kay Rane.

Hindi rin naman kaagad nakakilos si Rane. Gulat sa inutos ng Hari dahil sarili niyang asawa ito. Bakit niya ipapakulong.

"Royal Father, please. Huwag mo ng ikulong ang ina", pagsusumamo ni Cassius.

Ngunit hindi nagbago ang isip ni Ambrogio V pero sa isang silid nito kinulong si Vesper.

"Ambrogio, don't kill Abraham, please. I'm begging you. Please!", pagmamakaawa pa rin ni Vesper kahit na hinatak na siya ng kanyang mga chupacabra palabas sa bulwagan para igiya sa kanyang silid.

Si Abraham naman ay dinala sa underground at doon ginawa ang utos ni Ambrogio V.




Mabilis na tumakbo ang binatilyo para habulin sila Alaric ngunit nagkaligaw-ligaw ito. Napunta siya sa ibang bayan at nagtanong-tanong doon.

"Saan po ba ang palasyo ng mga Callahan?", tanong nito sa isang lalaki na nakita niya sa gubat. Nakaupo sa malaking bato. Tanaw ang kabuoang bayan sa baba ng bundok.

Isang lalaki. Maputla ang kanyang balat. His pitch black hair is slightly disheveled. Malalalim ang mga mata.

"Pasensya na. Wala kasi akong mapagtatanungan. Alam mo ba......sir?", halata ang takot sa binatilyo.

But he's lucky. He's not bad.

"Let me guide you", sabi nito at bumaba ang tingin sa bag na dala. Nasa loob nito ang sulat at iilang alahas na ipinadala ni Vashti sa binatilyo para ihatid sa kanyang mga anak.

Iginiya nga siya ng lalaki. Pansin ng binatilyo ang pabalik-balik na tingin nito sa dalang bag na para bang inaamoy o inaalam nito ang laman noon.

"Saan ka galing?", tanong ng lalaki.

"Sa bahay ni Abraham Balkan. May ipinapahabol kasi ang asawa nito sa mga anak kaso mukhang naligaw ako. Ilang araw na akong paliwaliw", sabi ng binatilyo.

"What's inside that bag?", tanong ng lalaki.

"Sulat po, sir. At iilang alahas. Hindi ko alam kung ano iyon. Magaganda po. Pa iba-iba ang kulay", pinakita ng binatilyo ang isang kwentas nito.

Bahagyang lumayo ang lalaki dito. "Where nearing the Callahan's palace. I'll guide you 'til the first gate", sabi nito.

Ng makarating na sila sa unang gate ng palasyo ay tsaka naman nilingon ng binatilyo ang lalaking kasama.

"Maraming salamat, po. Sir... Ah! Maari bang malaman ang pangalan niyo?", nahihiyang tanong ni binatilyo.

"Lleon", maikling sagot nito at nagpaalam na. Sa isang kislap mata ay kaagad nawala ang lalaki kaya matindi ang takot na naramdaman ng binatilyo. He's a vampire. Pero ang ipinagtataka niya ay hindi siya sinaktan o ginalaw nito.

Ng makapasok na sa unang gate ay abala ang mga tao sa labas. Ng makalapit na sa ikalawang gate ay sinalubong siya ng dalawang lalaki na nakapuro itim. Nanginginig na naman siya sa takot.

"What are you doing here?".

Kinakabahan siya. "Pinadala ako ni Ma'am Vashti dito para makausap ang  panganay niyang anak", sabi nito.

Tumango ang dalawang lalaki. Iginiya naman siya sa isa sa mga ito hanggang sa pintuan ng palasyo. Ng bumukas ang pinto ay akala niya ay si Alaric na ang papalabas ngunit hindi.

Melvina in her aesthetic victorian red dress with a fan in her right hand.

"What is this boy doing here?".

"May sadya po kay Sir Alaric, Madame Melvina", sagot ng nakaitim na lalaki.

"What is it?", nagpaypay ito sa sarili.

"Mga sulat po at iilang alahas", sagot ng binatilyo.

"Akin na. Ako na ang magbibigay", sabi ni Melvina ngunit tumanggi ang binatilyo.

"Akin na. Pamangkin ko si Alaric. At hindi ka naman pwedeng pumasok dito dahil hindi ka nabibilang dito", inagaw ni Melvina ang bag galing sa binatilyo. Mabuti nalang ay sakto lang ang paglabas ni Alaric at Amadeus sa palasyo para sana puntahan ang kanilang Lolo na naroon sa gropung kasama ang iilang tauhan.

"Abbot, bakit ka nandito?", tanong ni Amadeus na siyang unang nakapansin sa binatilyo.

"May pinapadala ang inyong ina, Sir Amadeus", sagot nito sabay turo sa bag na hawak ni Melvina ngunit hindi pa ito nabubuksan.

"Akin na po ang bag", magalang na sabi ni Alaric sa tiyahin ngunit nagmamatigas ito.

"Gusto kong makita ang laman ng bag. Gusto kong malaman", pagalit na sabi nito at umambang bubuksan na sana ng walang pasubaling hibablot ito ni Amadeus sa kamay ng lintik na tiyahin.

"That's my mom's things. What right do you have to touch it?", galit na sabi nito. "Alaric, let's go", hindi na tumuloy ang dalawa sa totoong pakay nila sa kanilang Lolo sa ground at bumalik sa loob ng palasyo. Naiwan si Abbot at ang dalawang lalaki kasama si Melvina na halos nag-aapoy na sa galit.

"Hindi ko ito palalampasin. Malalaman ko rin ang sekreto niyong magkapatid. Kayo ang magbabayad sa utang na ginawa ng inyong ina", sabi ni Melvina sa sarili.

Hindi rin kasi maitatago ang naramdaman niya kay Abraham. She's the first who saw Abraham. Huli na nitong nakilala si Vashti ngunit kaagad itong minahal ni Abraham. Hindi gaya niya na pinipilit pa ang binata na mapansin siya. She also fancy Abraham kaya matindi ang galit niya sa kay Vashti dahil ito ang minahal ng lalaking kanyang tinatangi.

••••••••••••••••••

Lleon Hawthorne Grahams

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lleon Hawthorne Grahams

(Grahams because Luna Deane is the heir of the MoonBlazing Fire and not Bonvich Hawthorne)

BLOOD BOUND: THE HAWTHORNE'S FALL ( Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon