Suka #88

172 5 2
                                    

Sumusuporta ako sa independent film industry ng bansa. Hindi na ako nahuhumaling sa mga commercial films sa kadahilanang gusto kong makapanood ng pelikulang mapanghamon at napapakita ang hubad na mga katotohanan ng lipunan. Mayroong magandang kinabukasan ang indie films sa bansa--naniniwala ako rito. Marami na ring mga organisasyon ang tumutulong para lalong mapaunlad ang umuusbong na sining ng pelikulang Pilipino. Parami na rin nang parami ang mga film festivals sa iba't ibang sulok ng bansa. Napapanood na rin sa mga international film festivals ang mga indie films na gawa natin. Hindi man mabilis ang daloy ng kaunlaran sa sining ng pelikula, natitiyak kong nasa tamang direksyon ito. 

I am inviting you to support Filipino independent films. Nasa ibaba ang iilan sa mga astig na pelikulang napanood ko na sa mga film festivals (hindi gaanong makikita sa mga sinehan ang ganitong mga pelikula, at hindi lahat ng nasa baba ay indie; iilan dito ay mga klasikong pelikulang Pilipino na nais ko na ring idagdag):

1. Jay

2. Kinatay

3. Gulong

4. Alagwa

5. Confessional

6. Ang Babae sa Septik Tank

7. Transit

8. Ilo Ilo

9. Manoro

10. Muro-ami

11. Noy

12. Oro Plata Mata

13. Insiang

14. Kisapmata

15. Crying Ladies

16. Iskalawags (Bisaya)

17. Di Ingon Nato (Bisaya)

18. Kordero sa Diyos (Bisaya)

19. My Paranormal Romance (Bisaya)

20. Ang Damgo ni Eleuteria (Bisaya)

Ang panghuling pelikulang nabanggit ay napakaastig. Nanalo ito sa Gawad Urian. Propesor ko ang naging production designer ng pelikulang ito. Pumunta minsan sa campus ang direktor nito na si Remton Zuasola at inanyayahan sa isang creative forum. Ang Damgo ni Eleuteria ay one-shot movie na tumatakbo ng isa't kalahating oras, walang cuts, walang retakes. Sa isa't kalahating oras walang naging cut, one flow, at choreographed lahat ng mga scenes. Imagine that.

Kung meron pa kayong maidadagdag, wag mag-atubiling i-comment sa baba para ma-share natin 'yan sa iba pang mga indie film supporters at enthusiasts.

Mabuhay ang pelikulang Pilipino.

Mabuhay ang indie.

ISKRIBOL (Mga Suka ng Isang Bored na Otistik)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon