Suka #37

317 5 1
                                    

Ang Pag-ibig Ayon Kay Random Person #2

Sisimulan ko ito sa pamamagitan ng pagbabahagi sa inyo ng isang kwento.

May isang babae. May tatlo siyang anak. Mag-isa niyang tinataguyod ang pang-araw-araw nilang mag-ina nang mag-isa simula nung iwan sila ng kanilang ama. Napaka-ulirang ina. Ipinangako niya sa kanyang mga anak na habang siya’y nabubuhay pa ay gagawin niya ang lahat para sa kanila. Mahirap man sila ay hindi ito naging hadlang sa ina na itaguyod at palakihin nang maayos ang kanyang mga anak.

Hanggang sa dumating ang isang napakasaklap na pangyayari.

Sa hindi malamang dahilan, nawala sa katinuan ang bunso sa magkakapatid. Tumatawa ito nang walang dahilan. Biglang umiiyak. Biglang nagiging bayolente. Sumisigaw tuwing gabi. Humahalakhak. Iiyak ulit.

Nanghina ang ina sa kinahinatnan ng kanyang anak. Pinayuhan siya ng mga kapitbahay na dalhin ang bunso nito sa ospital upang doon  mas matutugunan ang mga dapat gawin at lunas sa karamdaman nito.

Labag man sa kanyang kalooban, kailangan niyang iwan ang bunsong anak doon sa ospital para sa kanyang ikabubuti. Napakalaking sakripisyo nito para sa kanya.

Pagkauwi niya sa bahay, nadatnan niyang tuliro ang kanyang panganay na anak. Hindi ito kumikibo at tulala. Napag-alaman niyang nawala na rin ito sa katinuan.

Hindi na niya alam kung anong gagawin. Hindi niya alam kung bakit ito nangyayari sa kanyang pamilya.

Dinala niya ang panganay sa ospital. Dalawang anak na niya ang naroroon. Sobrang sakit ang kanyang nararanasan sa tuwing makikita ang mga ito. Ngunit hindi iyon awa. Gusto niyang manatili sa tabi ng kanyang mga anak. Gusto niyang naroroon siya parati upang mabantayan sila.

Lumipas ang mga araw at napansin niyang kakaiba na ang kilos ng kanyang isa pang anak na naiwan sa bahay. Nagdaan ang mga araw at nawala na rin ito sa katinuan.

Gumuho ang mundo ng ina. Naging balisa siya. Nanghina. Nawalan ng pag-asa.

At ang kanyang tatlong anak ay nasa loob na ng ospital. Lumipas ang mga buwan at hindi pa rin sila gumagaling.

Alam niyang kailangan niyang iwan ang kanyang mga anak doon sa ospital at ‘yun ang nagpapabagabag sa kanya. Hindi siya mapakali. Gusto niyang naroroon siya upang bantayan sila. Kinausap niya ang doktor at nagtanong kung maaari ay doon na lang siya sa ospital upang mabantayan ang mga anak, ngunit hindi ito pinahintulutan ng doktor dahil masyado raw peligroso para sa ina at baka mapahamak lang ito.

Nagdaan ang mga araw at hindi kinaya ng ina ang kawalan sa mga anak. Naroroon ang mga anak ko, dapat nandoon ako para sa kanila, sabi niya sa sarili.

Nag-isip siya nang nag-isip kung ano’ng gagawin.

Hanggang sa umabot sa kanya ang isang ideya. Isang napakalaking sakripisyo na kaya niyang gawin para sa mga anak.

Nagpanggap siyang baliw.

Napaniwala niya ang mga kapitbahay sa ginawa niyang pagpapanggap at dinala siya sa ospital. Doon nakasama niya ang kanyang mga anak. Siya ang nagpapakain sa mga ito, na pinahintulutan naman ng mga doktor sa paniniwalang wala na rin ito sa katinuan at hindi naman panganib para sa mga anak.

Dumaan ang mga araw at ganito ang nangyari. Masaya ang ina na kahit papano ay kapiling niya ang mga anak at naroroon siya sa tabi nila.

Lumipas ang apat na taon at gumaling ang panganay sa magkakapatid. Ipapalabas na ito sa ospital upang makapamuhay nang normal. Masaya ang ina para sa kanya, ngunit kailangan pa niyang manatili para bantayan ang dalawa pang natitira sa ospital.

ISKRIBOL (Mga Suka ng Isang Bored na Otistik)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon