Suka #14

434 13 2
                                    

TAGALOG SCRIBBLES | Mga Bagay na Hindi Dapat Pinagtatalunan Pero Lakompake Wala Kasi Akong Ibang Maisip na Topic

Unahin natin kung sinong lamang sa pagitan ng mga singles at mga taken.

Drum roll, please.

SINGLE vs. TAKEN

Ang single, milyonaryo. Ang taken araw-araw parang naholdap.

Ang single, nagmamahal pero hindi nasasaktan. Ang taken, nagmamahal at nasasaktan.

Ang single, hindi obligadong mag-text kung nasa banyo na siya, kung kumain na siya, kung natulog na siya, kung nasa’n siya, kung anong ginagawa niya, kung buhay pa ba siya, kung anong kinakain niya, kung sinong kasama niya, kung anong iniisip niya, kung anong nangyari sa araw niya, kung ilang porsyento ng oxygen ang nalalanghap niya bawat segundo. Ang taken, well, tinitext ‘yang lahat na nabanggit sa jowa niyang lunatic.

Sa mga nag-iisip na maraming advantages ang mga taken dahil makakalandi sila anytime anywhere, fuck that shit. Singles can fuck ANYONE anytime anywhere—walang commitment o habulan kung nabuntis pagkatapos. Oh, no. That’s so evil.

Gamitin natin ang analogy na ito: Single = ang taong nasa gilid ng swimming pool; Taken = ang taong nakababad sa swimming pool. Now, merong buwaya sa swimming pool. Alam ni Single na merong buwaya at masasaktan siya saka-sakali. Alam din ni Taken na merong buwaya at masasaktan siya saka-sakali. Now get this shit: Sinong masasaktan? Yes, si Taken. That crocodile will eat the shit out of him. Punta tayong relationship. Alam ni Single na masasaktan siya. Alam din ni Taken na masasaktan siya. Pero sino sa tingin niyo ang masasaktan talaga? Natural, si Taken dahil nga taken na siya. Si Single, alam niyang merong buwaya sa swimming pool pero safe siya dahil hindi pa siya nakababad sa tubig. Lol, screw that analogy.

ABS-CBN vs GMA (na may halong kaunting TV5)

Like, fuck? Bakit naisip ko pa ‘to? These media conglomerates produce crap every year. At gustong-gusto ito ng mga proletariat. Gustong-gusto ito ng hashtag generation. Kahit na napaka-crappy ng plot ng mga telenovelas (with their walang kakupalang titles like “Sa Dulo ng Walang Hanggan” “Walang Hanggan” “Sa Dulo ng Walang Hanggan O Sinta Ko” “Ikaw Lamang” “Ako’y Sa’yo Lamang” “Ako’y Sa’yo” “Ako’y Sa’yo Lamang O Sinta Ko”) they love it. Maniwala ka na sa magic ng pag-ibig! Isa kang mahirap na magsasaka na umibig sa magandang anak ng haciendang pinagtatrabahuan mo tapos gusto ka rin niya tapos hindi ka gusto ng parents niya dahil nga isa kang pobreng malandi tapos paghihiwalayin kayo tapos after many years babalik siya tapos itutuloy ang landian ninyo tapos gigipitin ka ng parents niya tapos madadamay ang pamilya mo tapos magkakaroon ng napakaraming patayan tapos magkakatuluyan kayo at the end of all that shit. In fairness sa ABS-CBN, they set the trend. GMA is plummeting. Pero kahit na napakaweird ng mga programa ng TV5, they have the edge technically-wise. Hindi lang nila namamaximize dahil nga masyado pa silang kulelat pagdating sa content.

ISKRIBOL (Mga Suka ng Isang Bored na Otistik)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon