Suka #61

240 7 2
                                    

Ito ay isang open letter para sa lahat ng mga chickboy sa buong mundo, galing sa isang awkward na nerd na 0.04% ang chance na magka-lovelife:

Dear Chickboy,

Unang-una, PUTANGINA MO.

Pangalawa, hindi lang ikaw ang marunong magmura.

Pangatlo, PUTANGINA MO TALAGA.

Pang-apat, makinig ka:

Hindi ka gwapo. Hindi ka habambuhay na gwapo. Hindi habambuhay na may maghahabol sa'yo. Hindi habambuhay na magpapahabol ka. Hindi habambuhay na makakatakbo ka. Hindi habambuhay na buhay ka. Sa aspetong ito, patas tayo. Kaso gwapo ka at ako'y hindi. Mataas ang confidence mo na maka-score sa mga chicks dahil mas maputi ng sampung galong pintura ang balat mo kesa sa'kin. Kaso mayabang ka. Hindi ka nakukuntento sa iisang babae. Kinokolekta mo. Dinidisplay mo na parang trophy ang mga babae na may label na "Mga Die-hard Chicks Ko: Batch 1". Parang laruan ang turing mo sa kanila. Parang barbie dolls. Putanginang ang bakla mo pala.

Sa puntong 'to, binabalaan kita na tumigil ka sa panggagago mo. Ikaw ang dahilan kung bakit mayroong mga babaeng hindi na naniniwala sa pag-ibig. Ikaw ang dahilan kung bakit mayroong mga babaeng nag-iisip na lahat ng mga lalaki ay manggagamit at manloloko. Hindi mo lang sinasaktan ang puso ng mga kababaihan, dinadamay mo ang pagkakataon naming mga nerds na magmahal nang totoo, na protektahan ang mga taong mahalaga sa'min. Winawasak mo ang chance naming makaramdam ng nararamdaman mo sa tuwing may kasama ka pagkatapos ng school. O sa isang date. O anniversaries. O Valentine's. Lahat ng 'to, hindi na namin mararanasan pa dahil sa'yo. Putangina mo.

Oo, selfish pakinggan. Pero putangina mo pa rin. Hindi mo ba na-realize kung gaano ka kaswerte? Hindi mo na kailangang ma-conscious sa pagmumukha mo kung biglang makikita mo si crush. In fact, sila pa ang lalapit sa'yo. Paghihiyawan ka na parang diyos. Dudumugin ka ng mga babaeng pasekretong pinapantasya rin namin. Oo, tangina. Pinapantasya namin sila. At 'yun ang problema: hanggang pantasya lang kami. Ikaw, nasa sa'yo na lahat ng mga kailangan para protektahan ang isang babae. Kaso pinupunyeta mo sila. Pinapaasa mo. Hihintayin mong sobrang dependent na sila sa'yo tapos biglang iiwan mo. Paiiyakin mo. Ang swerte mong tangina ka. May babaeng umiiyak dahil sa'yo. Alam mo ba kung gaano kahalaga ang mga luhang 'yun, ha? Hindi dahil gago ka. Every teardrop is a waterfall, motherfucker. Every fucking teardrop is a waterfall.

Think again. Naging gwapo ka for a reason. At hindi para manakit ng mga babae. Isipin mo kung nasa harap ka na ng altar at maaalala mo, makikita mo ang mga pagmumukha ng lahat ng mga babaeng niloko mo sa buong buhay mo--sa harap ng kaisa-isang babaeng pakakasalan mo. Pag-isipan mong gago ka. Anong mararamdaman mo? Napakaraming mukha. Napakaraming iyak. Napakaraming pasakit.

Minsan lang kami magkaroon ng chance sa isang romantic relationship, kumpara sa'yo. Be grateful for that, fucker. Lahat ng mga mararanasan mo, hanggang imagination lang sa'min. BE FUCKING GRATEFUL FOR THAT.

Nasa likuran mo na may dala-dalang icepick,

Nerdy Madman

Representante ng mga nerd sa Pilipinas

ISKRIBOL (Mga Suka ng Isang Bored na Otistik)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon