Suka #30

400 11 3
                                    

Of Trashtalks and Gossips (Isang walang kakwenta-kwentang script)

(Author's Note: Sinulat ito noong 2011 pa. Tangina, ang corny ko pa rito.)

PART I

Of Trashtalks

Naglalakad si Lian papunta sa isang cheap na mall, kung tawagin, na kung saan mabibili mo ng Buy One Take One ang Nokia 3310. Pwede mo rin itong i-barter sa varsity jacket mong napulot sa ukay-ukay. Amoy-araw na siya nang makatapak sa entrance at pilit na sinisinghot ang mumurahing buga ng air conditioner na may tatak na hindi niya mabasa. Malamang galing China. Malamang secondhand. Malamang smuggled. Hindi na niya pinansin.

Tumunog ang alarm. Nagulantang ang lahat. Sinita si Lian ng sekyu na tila galing pa sa mahimbing na pagkakatulog.

“Oh, bata. Na-detect dito sa scanner namin na may dala kang dangerous object”, litanya ng matabang sekyung may momo pa ng chiz curls sa bibig.

“Ha? Anong dangerous object ang pinagsasabi mo, chief? Eh wala nga akong dalang bag. Langya, nagmamadali ako!” mura ni Lian. Hindi pinansin ‘yon ng  sekyu at kinapkapan ang kawawang nilalang. “Hmm... wala ka naman palang dala. Eh panong tumunog ang alarm?”

“Anong paki ko sa lintik na alarm na yan, chief? Dyahe na ako dito, bulok yang scanner niyo!”

“Oh sya, pasok ka na.”

Nagmumurang pumasok si Lian at nagbuntong-hininga munang pinipilit na maibalik ang magandang mood nya kanina. “Langyang scanner, dangerous object daw? Anong 'kala sa'kin, patalim? Bomba na biglang sasabog? Lintik...”

Lingid sa kanyang kaalaman na busy kakamura sa sarili, pinagtitinginan na siya ng mga tao. Habang naglalakad patungo sa escalator, nakadikit ang mga matatalas na mga mata ng mga taong tila nagpapahiwatig na si Lian ang suspect sa nangyaring krimen sa kabilang kanto. Hindi na siya nakatiis at buong-loob na nagtanong sa isang babaeng tutok na tutok sa kanya.

“Ale, bakit ho ba sila nakatingin sa'kin?” magaspang ang boses ng binata.

“Eh kasi iho, napakagwapo mo raw”, sagot ng babae na may halong pang-aasar.

“Talaga ho? Ay, naku. Maraming salamat ho!” natuwang nasabi ni Lian. Nagbago ang ekspresyon sa mukha ng babaeng kausap.

“Biro lang”, sabi ng babae at kinuha ang kapirasong papel na nakadikit sa likod ni Lian. “Dahil dito. Basahin mo.”

Binasa ni Lian ang nakasulat sa papel na may halong pagkalito at kaba:

"PUTANGINA KO. WALA AKONG KWENTA.

NGAYON LAMANG AKO NAKALIGO

MATAPOS ANG ISANG DEKADANG PAGTATAE."

Gumuho ang mundo ni Lian. Hindi siya nakapaniwala sa nakasulat. Ngunit mas hindi siya nakapaniwala na alam niya kung sino ang sumulat nito.

[Place Rewind Sound FX here]

MARIO: Ogag, na'san sapatos ko? Nakita mo ba?

LIAN: Tanginang pakialam ko sa mabahong sapatos mo?

MARIO: Langyang... (aktong sasapakin na si Lian nang tinawag na sila ng kanilang nanay para sa almusal)

DEDANG: LIAAAAAN! MARIIIIOOOO! Nandito na'ng pagkain! Bilisan niyo diyan!

LIAN: Andyan na po, nay!

MARIO: Hindi pa tayo tapos, garapal.

Bumaba si Lian patungong ground floor ng two-storey na bahay nilang nasa gilid ng Beverly Hills. Amoy sosyal na rin kahit papano. Pero teka. Nagtataka siguro kayo kung sino itong si Mario? Bakit nga ba sumisigaw si Dedang? Gutom na ba siya?

ISKRIBOL (Mga Suka ng Isang Bored na Otistik)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon