Suka #38

297 5 1
                                    

Ang Pag-ibig Ayon Kay Random Person #3

Aaminin ko sa inyo na kung pagdating sa pag-ibig, wala pa akong experience. Hindi ko pa nararanasan ang ma-inlove, o ma-brokenhearted, maiwan, o kahit na anong ka-etchosan ng pagmamahal. Inosente pa ako pagdating dito.

Ngunit, sa ngalan ng pagiging patas, susubukan kong ibahagi sa inyo ang mga opinyon ko tungkol sa pag-ibig sa pamamagitan ng mga nabasa kong mga “cheesy quotes” mula sa mga GM ng mga kaibigan ko.

Ang pag-ibig ay…

Wag na. Masyadong corny.

Ito na talaga. Hayaan niyo akong mag-English sapagkat feel ko. Condolence sa inyong mga ilong. Prepare your hankies, lads and gents.

Love? It all goes down to that one person you think of before going to sleep. 

It is a many splendored thing. 

It encircles the earth. 

It inhabits within hearts of humans.

Love is unselfish. It does not keep records of one’s mistakes. It willingly accepts someone’s imperfections.

It does not see beauty from the outside.

It conquers. It glorifies.

Love is electric.

It rejuvenates your inner soul from days of slumber.

It quenches stagnation. It is life itself.

Love is infinity.

It never dies. It evolves through experiences.

It gives the best out of you – the worst out of you.

Love is a woman.

You don’t need to understand her. You just have to be beside her and everything will all work out well.

It is the essence of living. It is our life support.

Love is a series of neverending metaphors. The artistic process of how it makes us feel human is profound.

Love is vanity in a sense. It may be selfish sometimes.

Love is a compilation of billions of “I love you” and “forever”.

Love is the sum of your life choices.

Love is neutral. Love is strength. Love is sacrifice.

Love makes us feel redemption.

Love battles time. Love battles indifference. Love battles hatred. Love battles fear. Love battles envy. Love battles pain.

Love is a dance. It is a series of moves from two persons united as one.

Love is not on how you waited for the rain to stop. It is on how you danced while it rained.

Love creates the person inside you. Love takes out the real you. Love lets you meet yourself.

Lastly, love does not need to be defined. It is to be felt.

Kaya nga ka-etchosan lang ito.

Hindi ko pa man nararanasan ang mga ganito, nakikita ko naman ang scenario sa mga taong nakakasalamuha ko araw-araw.

May selosan. May kilig. May awayan. May lambingan. May inggitan. May panunukso. May hiwalayan. May balikan. May long distance. May landian. May kabit-kabit, at epal-epal.

Ang pag-ibig, para sa akin, ay ang solusyon sa isang napakahabang Math equation. Kailangan mong gamitin ang tamang formula, ang tamang numero, ang tamang kombinasyon ng mga constants at unknowns para makuha ang tamang sagot – ang pag-ibig.

Ngunit, marami na akong nakikitang nabigo sa pag-solve sa equation ng pag-ibig. Sila itong mga tipong hindi muna pinag-aralan ang formula bago sumabak sa pag-solve nito. Sila itong mga tipong hinalo-halo ang mga constants at unknowns na nagresulta sa isang napakalaking pagkakamali. Sa huli, sila itong mga taong nabigo sa pag-ibig, naiwan at talunan.

Naniniwala akong walang tama at maling pag-ibig. Mayroon lamang tunay na pag-ibig. Wag niyo nang dagdagan. Nakakasakit ng ulo.

Ngunit flexible ang equation na ito. Wala itong eksaktong formula. Wala itong eksaktong mga numero na ilalagay mo. Ang tanging dapat mong gawin ay maging totoo sa iyong sarili. Bahala na’ng pangit ka, basta nagpapakatotoo ka. Bahala na’ng weird ka, basta ito ang gusto mong maging ikaw.

May mga parte ng pag-ibig, ng math equation na ito na sobrang hirap. ‘Yung tipong kailangan mong gumamit ng calculator para ma-solve. May mga parte ring sobrang dali na alam mo na ang sagot dahil napag-aralan mo na ito. Dito papasok ang experience. Ang experience ang iyong mga napag-aralan.

Constant sa formula ng pag-ibig ang dalawang tao. Kaya naman kung may third party, lintik na baklang baka, landian na ‘yan.

Ang dalawang taong ito ay hindi perpekto. May pakiramdam din sila. Nasasaktan. Nagagalit. Nagseselos. Naiinggit. Nagtatampo. Umiiyak. Tumatawa.

Hindi perpekto. May pangit, may maganda. May hindi kapogian, may mukha namang artista. May sumpungin, meron namang maunawain. May madaldal at tahimik. May malandi at inosente.

‘Yun ang punto. Hindi tinatanaw ng pag-ibig ang mga kulang sa’yo. Hindi nito tinatanaw ang kung ano’ng meron ka. Tinatanaw nito kung papaano at sa anong level mo pinapakita na nagpapakatotoo ka, na tanggap mo ang pagiging imperfect ng taong mahal mo.

Sa parte ko, hindi pa masyadong marami ang mga napag-aralan ko tungkol sa pag-ibig (ngunit napakataas na ng nadaldal ko dito). Di ko rin alam kung bakit ganito. Pero sigurado ako na kapag dumating na ito sa akin, kakailanganin ko talaga ng calculator para ma-solve ito.

ISKRIBOL (Mga Suka ng Isang Bored na Otistik)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon