Suka #28

373 10 0
                                    

DISKORS: Perpekto

LYRION: Ano nga ba ang pagiging perpekto?

MIKHAEL: Ang perfection ay isang ilusyon sa isang bagay na imperpekto. Paano mo masasabing perpekto ang isang bagay? Sa anong standards? Gamit ang anong rules? Perfection does not exist. Not in any spacetime.

LYRION: Di ko ma-gets.

MIKHAEL: Ganito 'yan. Gumuhit ka ng isang parisukat. Exactly the same measurement in all four sides. Sasabihin ng nakararami na ito ay isang perfect square dahil exact at accurate ang measurement nito. Gamit ang anong standards? Math. Ngunit kung tatanungin natin, isa-isa, ang pitong bilyong tao sa buong mundo, sa tingin mo lahat ba ay sasang-ayon na ito ay perpekto? Hindi. Perpekto ang isang bagay kung ang lahat ay sasang-ayon and no one demerits its claim. Tanungin mo ang mga artists kung perfect square nga ba ito. Hindi lahat sasang-ayon. Iba ang kanilang pananaw sa isang perfect square.

LYRION: Ano'ng punto mo?

MIKHAEL: Walang iisang standard ng perfection. If you think deep, what the fuck is perfection? Ano ang concept mo ng perfection?

LYRION: Kumpleto. Maganda. Walang mali.

MIKHAEL: Are you fucking kidding me? Kumpleto? Saan nakabase na rules? Maganda? Saan nakabase na standard? Walang mali? How the fuck can you say that?

LYRION: Okay. Okay na. Kalma. So, paano mo ito maire-relate sa buhay? Hypothetically? Philosophically?

MIKHAEL: Never strive for perfection. Never aim for perfection. If you do so, you are aiming at an empty space because no such thing exists. Walang sinuman ang nakakaalam ng standards ng perfection. Not us humans. Never us. Subjective tayo. Meron tayong reason pero wala tayong absolute. Perfection is a waste of time. Be the best of what you can be instead. Don't be perfect, be the best. That thing surely exists.

ISKRIBOL (Mga Suka ng Isang Bored na Otistik)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon