Suka #25

361 11 1
                                    

Pinagmasdan kita habang mahimbing ka sa pagkakatulog.

Pinagmasdan na puno ng pagmamahal.

Bigla kang ngumiti.

May binanggit ka na pangalan.

Hindi akin.

Ngumiti ka ulit.

Binanggit mo ang High Gardens.

Sa Central Subway tayo nagkikita. Ni isa hindi sa High Gardens.

Binanggit mo ang skydiving.

Alam mong takot ako sa matataas. Masaya tayo habang nanonood ng HBO, di ba?

Binanggit mo ulit ang pangalan na hindi akin.

Ngumiti ka.

Sa ngiting iyon, namatay ako.

Ngunit pinagmasdan pa rin kita.

Pinagmasdan na puno ng pagmamahal.

Kahit na hindi ako ang iniisip mo, hindi ko ipapakita ang sakit.

Pagmamasdan kita, mahimbing sa iyong pagkakatulog.

Sambit-sambit ang ngalan na hindi akin.

At ngingiti ka.

At ngingiti ako.

ISKRIBOL (Mga Suka ng Isang Bored na Otistik)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon