Nang muli niyang ituon ang pansin niya sa computer ay may kung ano ang umagaw sa kanyang atensyon. Bukas na folder iyon na may nakasulat na Ethan and Hope Together. Dahil sa kuryosidad ay tinignan niya iyon at larawan ni Ethan at ng isang magandang babae ang bumulaga sa kanya. Tinitigan niya ang itsura ng babae at ang bride ang sumagi sa isip niya. Ito ang babaeng dapat na pakakasalanan ni Ethan. Kung tititigang mabuti ang mga ito ay mukha ngang in love na in love ang mga ito sa isa't-isa. She opened the image. Sa background ng larawan ng mga ito ay makikita na mukhang nasa isang party ang mga ito at napag-tripan lang ng mga ito na magselfie. They were so sweet and Ethan looks very happy. She can feel his happiness by just staring in his eyes. Simula ng magtrabaho siya sa kumpanya nito ay hindi pa niya nakita itong ngumiti kahit kaplastikan lang. Mukha ngang mahal na mahal nito ang Hope na iyon na sana ay asawa na nito ngayon kung hindi lang dahil sa panggugulo niya.
Nakakainggit naman. She paused. Why she's envious with this woman? "Siguro kasi nahanap na niya ang lalaking nakatakda para sa kanya noon pa. Kaya lang dahil sa katangahan ko ay naudlot iyon."
She scrolled down the mouse. Mukhang laging tinititigan ni Ethan ang mga picture ng mga ito. Mukhang hanggang ngayon ay mahal pa rin nito ang dapat na asawa na nito. Tuluyan na kayang naghiwalay ang mga ito ng dahil sa kanya? Siguro. Kung hindi naghiwalay ang mga ito malamang na nagpakasal uli ang mga ito at hindi ganoon katindi ang galit sa kanya ni Ethan. Pinapangako niya na kapag nakilala niya si Hope ay gagawin niya ang lahat para magkabalikan ang mga ito, by hooke or by crooke.
"Ethan's wedding vow?" aniya ng mabasa niya ang nakasulat. Ang wedding vow ni Ethan ay nakahalo sa mga larawan nito at ni Hope. May kung anong bumubulong sa kanya na basahin ito. Hindi pwede. Invasion of privacy iyon kung nagkataon. Atsaka hindi niya ugali ang makialam. Nagtatalo pa isipan niya. Hindi niya alam kung bakit gustong-gusto niyang basahin iyon. Mataman siyang nakatitig sa word na iyon na may file name na Ethan's wedding vow. Pumikit siya para pigilan ang kanyang sarili sa kanyang masamang binabalak. Pero tila may sariling buhay ang kanyang daliri dahil kusa nitong pinindot ang mouse na hawak niya. At bumulantang sa kanya ang nakasulat doon. Lord, patawad po.
Hope,
I didn't know how loving a person could be until I met you. Ive never been this happy until you came along. I don't know why but all I wanna do is to be with you. You always make me feel lucky by just having you. And from this day on I will always be here for you. I give you my heart, my promise, and my life. I promise to you perfect love and perfect trust. I am truly blessed to be part of your life, which becomes our life together.
Napalunok siya ng mabasa ito. What have I done? Ngayon ay alam na niya kung bakit ganoon katindi ang galit ni Ethan sa kanya. Talaga ngang mahal nito ang dapat na pakakasalan nito. Noong una kasi ay hindi niya ma-imagine kung mahal ba talaga nito ang babaeng iyon dahil wala pa siyang nakikilalang lalaking todo kung magmahal. Kahit kasi sa totoong buhay ay wala pa siyang nakilalang ganitong klaseng lalaki. Pakiramdam nga niya noong una ay nagagalit ito sa kanya dahil marahil sa pagkapahiya nito. O kaya naman ay dahil mahal talaga nito ang babae ngunit hindi ganito katindi. She never knew that there still a man who can truly love. Iyon bang love na hinahanap ng isang babae sa isang lalaki. Iyong love na sa isang tao mo lang makikita. Iyon bang love na kaya niyang iwan o isuko ang lahat para lang sa taong mahal niya. At mukhang kay Ethan lang niya nakita ang mga iyon. Hope was so lucky to have him. Napakaswerte nito dahil ito ang napili ni Ethan na maging asawa nito. Ayaw man niyang mainggit ay inggit na inggit siya rito. Akalain mo naman na sa bilyon-bilyong babaeng pwedeng mahalin ni Ethan ay ito pa ang napili nito.
Hindi siya pwedeng mawalan ng pag-asa dahil lahat ng tao ay mayroong karapatan na makilala ang taong totoong magmamahal sa kanila. But in the mean time, she has to sit back and relax until that guy comes along.
"Sophie.."
"Ay, kabayo—" nagulat siya ng bigla na lang nakapasok si Tyra sa opisina ng hindi man lang niya namamalayan. Kaya naman agad niyang inilagay sa presentation ni Ethan ang monitor upang ito ang makita nito. Hindi naman pwedeng makita din nito ang wedding vow ni Ethan siguradong gulo lang hatid niyon.
"Wow, mukhang ang ganda niyan, ah! Ikaw, ha, talagang pinabibilib mo na ako."
Buti na lang at nai-view niya na agad iyon dahil nasa may likod na niya ito ng hindi niya namamalayan. "Kailangan, eh. Alam mo naman."
"Oo nga. Tapos na ba iyan?"
"Hindi pa, eh. Pero konting-konti na lang at matatapos na ito."
"May ilang minuto ka na lang para tapusin iyan kasi parating na si Sir Ethan."
"Ha? Talaga?" tumingin siya sa wall clock at labing-limang minuto na lang ang natitirang minuto at mag-a-ala-una na. Masyado siyang naaliw sa mga larawan ni Ethan at ng kasintahan nito. At sa wedding vow nito na makalaglag panga. Tumagos kasi sa puso niya ang mga nakasulat doon. "Naku, kailangan ko na palang tapusin ito." nagpanic na siya ng tumawag si Ethan kay Tyra at sabihing ihanda na niya ang board room dahil malapit ng mag-umpisa ang meeting. Kaya naman ri-nush na niya ang presentation nito at tinulungan siya ni Tyra na ayusin ang lahat.
YOU ARE READING
I'm Not The Only One
Romance"I didn't choose you, my heart did. And the heart will dictate to where you'll be truly happy." Malaki ang naging kasalanan ni Sophie kay Ethan. At nangako siya sa sarili niya na sa muling pagkikita nila nito ay hihingin niya ang kapatawaran nito, b...
Part 10
Start from the beginning
