Epilogue {COMPLETE}

En başından başla
                                    

“Naahh you’ll never know.” binalingan nito ang bagong apo “puwedeng makarga ang bago kong apo?”

Dahan-dahang ibinigay ni Danica sa biyenan ang natutulog na si JM. Umupo ang matanda sa malaking sopa habang nilalaro nito ang kamay ng bata. Tinabihan naman ito nina Daphne at Miguel na nakatitig lang sa bago nitong kapatid.

“May dinner nga pala sa bahay sa makalawa. Dumating kase sina Bart at Giselle galing Davao at gusto nilang bumista para makita si JM.”

“Pupunta din ba ang iba mo pang mga kaibigan?”

“Busy sa negosyo si Mark. Si Lorenzo naman may engagement na raw silang dalawa ni Natalie at si Sanjo bumalik muna ng Japan.”

“Sayang naman maipagmamalaki mo na sana ang bago mong heredero.” Biro ni Danica sa asawa.

Tumawa lang si Jake. “Thank you for giving me a healthy babies.”

“Your welcome babe. Salamat din at ako ang naging mommy nila.”

“Kelan kaya natin masusundan si JM?” nagbibirong tanong ni Jake.

Piningot na naman ni Danica ang tenga ng asawa.

“Huwag ka ngang magbiro ng ganyan lalaki ka ang sakit-sakit kayang manganak!”

“Aray Aray Aray Hindi na kita bibiruin promise. Baka matatanggal na tong tenga ko bitawan mo na please.”

Napuno ng tawanan ang buong kuwarto dahil sa kulitan nilang dalawang mag-asawa.

~~~~~~~~  

SUMAPIT ang araw ng pagbisita nina Bart at Giselle. Pinasalubungan sila nito ng Pomelo at Durian na galing pa sa Davao. Walang mahilig ng Durian sa pamilya nila pero na-curious tuloy siya sa sinasabi ng mag-asawa na masarap raw ito. Ika nga ni Bart may kasabihan raw na ang Durian ay “It smells like HELL, but it taste like HEAVEN” kaya susubukan nila ni Jake na kumain ng durian mamaya.

“Ang cute naman ni baby JM, Danica.” Puri ni Giselle sa anak nila.

Ngumiti lang siya just like a proud mom.

“Tingnan mo yang anak mong  si Jessica mukhang ayaw bumitiw kay Miguel.” Wika niya habang nakatingin sa mga batang nag-lalaro sa garden.

Tumabi si Giselle sa asawa nito at siya naman kay Jake sa isang lounge chari sa garden.

“Ilang taon na ba si Jessica, Bart?” biglang tanong ni Jake kay Bart.

“Thre years old na. Bakit?”

Nagkatinginan silang apat.

“Naisip mo ba ang naisip ko?” tanong ni Jake sa kaibigan.

Siniko ni Danica ang katabing asawa.

“Huwag ka ngang mag biro ng ganyan. Anak mo yang binubuyo mo ah.’ Pagalit na sabi niya.

“Ano naman masama dun?”

“Naniniwala ka pa rin ba sa fixed marriage Jake? Basta ayaw ko yang pinag-iisip mo.”

“Walang promblema sa akin.” Si Bart naman.

“Ano? Umayos ka nga Bartolome!” saway ni Giselle sa asawa.

Tumawa si Jake dahil sa pagtawag sa tunay na pangalan ni Giselle sa asawa.

“Ano ba naman kayong dalawa eh hindi naman magpapakasal kaagad ang dalawang yan eh.” Si Jake.

“Anong dowry ang makukuha ko dyan balae.” Si Bart.

“Limang Milyon!”

Nanlalaki ang mga mata nina Danica at Giselle.

“NABABALIW NA BA KAYONG DALAWA!?” sigaw niya sa dalawang lalaki “para namang baboy yang pinagpupustahan ninyo. Maawa naman kayo sa mga anak ninyo.”

“Kalma lang babe hindi naman yan ang gusto naming mangyari eh. Ganito kase yan, nung nasa college days pa kami nina Bart, Lorenzo, Sanjo at Mark ay napag-usapan namin ang tungkol sa fixed marriage ng mga anak namin. Nagkataon lang na Miguel and Jessica fit in the place and besides wala naman akong masasabing masama dahil anak naman yan ng kaibigan ko, dba brad?” paliwanag ni Jake.

“Sabagay mare pumayag ka na.” si Giselle.

“At nakiki mare ka na ngayon?” sita ni Danica sa kaibigan.

“Ay basta I’ll cross the bridge when I get there.” Si Danica.

{A/N: ito na po ang ENDING ng ASKP. ABANGAN ang storya nina Miguel, Daphne at John Micah sa sequel series ng Ang syota kong promdi ^__^v Ciao! ~Ms Sapphire xoxo}

Ang 'syota kong promdi COMPLETEHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin