Chapter 3

6.5K 122 1
                                    

HINDI kaagad nakaluwas ng Maynila si Danica kasama ni Marisa dahil hinintay pa niyang makalabas ang ama ng hospital. Inutang pa nila pati pamasahe niya dahil kinapos na siya ng pera. Mabuti nalang ay dinagdagan ni Lemuel ang panggastos niya pagdating doon. Hinatid siya ng mga ito kasama ang tatay niya sa sakayan ng bus.

“Itay tatawag po ako sa inyo. At sa unang suweldo ko po ay magpapadala ako ng pera sa inyo. Bibili din po ako ng sariling cell phone.” Pangako niya sa tatay niya. Hindi pa rin mapalagay ang loob nito pero dahil nagpupumilit siyang makatulong ay pikit mata siya nitong pinayagan.

“Mag-iingat ka doon anak ha. Siguraduhin mong nakatago ng maigi yang pera mo at baka ma nakawan ka pa lalo na’t hindi mo kabisado ang lugar.” Yinakap siya nito ng mahigpit.

“Opo Itay. Lemuel, paki bantayan nalang po si tatay ha.” Paalam niya sa dalawa.

Tanghali na ng dumating ang bus na sinasakiyan niya sa Manila. Pagdating sa terminal ng mga bus ay kinuha niya ang papel kung nasaan ang address at telepono ng naturang agency. Dahil gusto niyang makatipid ng pamasahe ay naisipan niya mag commute nalang kesa magbyad ng taxi. Mataas na ang sikat ng araw at napapaso na rin ang kaitiman niyang balat. Hindi siya makakuha ng pampasaherong jeep sa labas ng terminal kay naglakad siya sa tabi ng daan hanggang sa may mahanap siya. Nanglalagkit na siya sa pawis at ang kaniyang buhok ay wala na sa ayos.

‘Hmp kainis nasira na pati pulbo ko sa mukha.’ Pagmamaktol niya.

Sa dinami-daming sasakiyang dumaan ay wala man lang siyang nakitang jeep papuntang boulevard. Naisipan niyang bumili ng maiinom ng makakita siya ng tindahan. Matipid siya sa pera kaya nagbaon siya ng crackers at tinapay na hinanda pa ng papa niya.

“Manong pabili nga po ng mineral water dyan.” Sabay abot ng bente pesos.

Nagulat si Danica dahil sampung piso nalang ang sinukli ng tindero sa kaniya.

“Manong nagkamali po kau ng sukli. Bente po yung binigay ko eh magkano po ba itong tubig?”

“Sampung piso.” Matipid nitong saad.

“Ano po? Ang mahal naman nito eh ang liit-liit lang ng bote eh. Wala ba kayong mura diyan kahit tubig po sa poso ayus na po yon kesa naman sampung piso.” Bubulong-bulong pa siya kaya nairita na rin ang tindero.

“Kung ayaw mong bumili eh di huwag. Ako’y nagnenegosyo lang at masyado na ring mahal ang mga bilihin ngayon. Kaya kailangan ko rin pumantong para pampalamon sa pamilya ko.” Sigaw nito sa kaniya.

“Sige na nga po. Kung hindi lang po ako nauuhaw ay hinding-hindi po ako bibili nito.” Umalis na siya ng bintana at naghahanap ng mauupuan. Isang maleta at hand carry lang ang dala niya. Karamihan sa kaniyang mga kagamitan ay niluluma na rin ng panahon. Hindi naman siya mahilig sa mga damit. Pero kung binibilhan siya ng tatay niya ay tuwing kaarawan at pasko lang.

Pagkatapos kumain ay tumayo na siya at tinanong ang tindero kung saan makakita ng masasakiyan papunta sa destinasyon niya.

“Ay ineng nakita mo yang kanto? Eh lumiko ka sa kaliwa at dumiretso ka lang hanggang marating mo ang labasan. May mga sasakiyan jan papunta dito sa pupuntahan mo. Mag-iingat ka lang at nanggogoyo yung mga kundoktor.” Nginitian niya ito.

“Salamat po.” Binigyan niya ito ng saludo.

“Sana palarin ka!” pahabol nitong sigaw.

                 Nagwawalis si Darla ng may nakita siyang maitim sa babaeng sumilip sa glass door ng opisina nila. “Hay Kabayo!” sigaw niya sa kabiglaan dahil bigla nalang lumitaw ang babae sa harapan niya na sa likod ng salamin. Kumatok ito kaya binuksan niya ang pinto.

Ang 'syota kong promdi COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon