Chapter 6

5.5K 107 3
                                    

               MATAPOS ang libing ay dumiretso sila sa bayan ni Danica. Yun kasi ang promise niya sa babae. Maagang pamasko na rin niya para sa matiyagang alila. Nasa daungan na sila ng ferry boat ng bigla nalang itong tumakbo at nagsisigaw. Lumingon ang isang lalaking tinawag nito na nakatalikod sa kanilang direksyon.

“Lemuel!” tawag ng dalaga dito.

“Danica!” ganting sigaw naman ng lalaking nasa ibabaw ng barko. Bumaba ito at nagyakapan ang dalawa. Naiwan siyang nakamasid lang sa mga ito. Pati ang duffel bag ng babae ay siya pa ang pinagbuhat nito. Sisimangot na sana siya ng lumingon ito sa kaniyang direksyon.

“Lemuel ito yung sinasabi ko sa iyong amo ko si JM.” Pakilala nito sa kaharap na nagngangalang Lemuel.

“JM si Lemuel nga pala kababata ko.”

“Nice to mit you ‘pre” bati ni Lemule sa lalaki. Tibay rin ang ingles nito parang pinaghakutan pa sa kabaong ni Micheal Jackson.

“Same here ‘pre.” Magalang niyang sagot dito.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Danica sabay suntok sa balikat ng lalaki. Napa ‘aray’ ito sa sakit. ‘Oh boy’ wika ng isipan niya. May pagka war freak talaga itong si Danica. Astigin. Imbes na barbie doll ang nilalaro eh armalite at M16 ‘ata ang binibili ng mga magulang nito dito.

“Nag text ka kasi na dadaan kayo dito. Tamang-tama eh Piyesta dito sa atin. Naku masisiyahan ‘tong amo mo dito. Alam mo bang namimiss kana ng tatay mo? At yung mga suki natin pati na rin yung mga kakilala mong tindera sa simbahan hinahanap ka na rin. Daming nagtatanong kung kelan ka uuwi.” Masayang pagbabalita ng lalaki sa kaniya.

Sumigaw ang isang lalaki na isasara na ang pintuan kaya nagmamadali na silang pumasok at naghanap ng uupuan. Kaso puno na lahat kaya tumayo nalang silang tatlo sa may railing. Nakikinig lang siya sa pag-uusap ng dalawa kahit na hindi niya maintidihan ang topic ng mga ito. Masaya ang dalawa sa pagkukuwentuhan. Nawala na sa isipan ng mga ito na nandoon siya dahil hindi naman siya sinasali ng mga ito sa usapan. Inaaliw na lamang niya ang kaniyang sarili sa pagmamasid sa dagat. Nakita niyang maraming bangka sa laot. Tila nangingisda ang mga ito. Pinaliit niya ang kaniyang medyo singkit na mga mata para makitang maigi ang mga ginagawa ng mga ito. ‘Mangingisda nga.’ Wika ng kaniyang isipan ng makita niyang may naghagis ng malaking net sa dagat.

Kaya siguro tinawag na Barangay Malansa itong lugar ni Danica dahil dito. Lumingon siya sa kaniyang tabi dahil tumahimik na ang mga ito. Yun pala ay umalis ang dalawa. Lumingon-lingon siya para hanapin ang mga ito pero hindi niya makita. Ipinagpatuloy na lamang niya ang pagmamasid sa malawak na karagatan. Naalala niya bigla ang Mommy niya. Bago sila iniwan nito ay lagi silang pumupunta sa Beach Resort para maligo. Kahit na musmos pa lamang siya nuon ay tandang-tanda pa niya kung gaano sila kasaya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam kung bakit sila iniwan ng Mommy niya. Ang tanging sinasabi ng Tito Ethan niya ay sumama raw ito sa ibang lalaki. Hindi rin naman nagco-confide sa kaniya ang sariling Ama. Masyado itong nasaktan kaya siguro mahirap halungkatin ang nakaraan nila.

“Hoy!” biglang sigaw ni Danica sa kaniyang likod sabay hampas ng malakas sa kaniyang balikat. Pakiramdam niya ang lumabas ang kaluluwa niya dahil sa gulat.

Ang 'syota kong promdi COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon