Chapter 5

5.7K 119 2
                                    

           Kakaidlip lang niya ng may naririnig siyang ingay. Parang may bagyo dahil sa lakas ng hampas ng ding ding. Bigla siyang napabangon at nakiramdam. Tumayo siya para kumuha ng tubig sa fridge para uminom ng may nakita siya anino sa sala kaya napasilip siya. Dim lights lang ang meron so maaninag pa rin niya ang itsura ng kung sino man ang nasa sala.

‘Babae?’ tanong niya sa kaniyang sarili.

Babae ang nakita niya na nakahubad at naglalakad papuntang kuwarto ni JM. ‘Naku may pagka manyak pala itong amo ko. Aktib na aktib ang sex. Grabe na talaga ang panahon ngayon.’ Napapalatak siya habang bumalik sa kaniyang kuwarto dala ang tubig. ‘Ala una pa lang pala. Makatulog na nga uli’t at mamaya maaga na naman akong gigising.’ Inayos niya ang unan at nahiga uli’t.

Nawindang siya sa lindol na nagaganap. Mabilis siyang napabangon kaagad dahil parang intensity 10 na ang nangyayaring lindol. ‘Anong nagyayari?’ kahit na antok na antok pa siya ay parang gumana bigla ang kaniyan adrenaline. Umalis siya ng higaan at diretsong lumabas ng kuwarto. Nakiramdam siya ng marating ang kusina. “Wala namang lindol.” Sabi niya sa sarili niya.

Bumalik siya sa sariling silid at naririnig niya ang ingay sa kabilang kuwarto na kuwarto ng amo niya. “Anak ng tipaklong!” sigaw niya dahil sa galit. “Nagmimilagro lang pala tong hambog na ‘to. Naku nasira na ang tulog ko.” Lumabas uli siya para magsimulang maglinis. Naisipan niyang magluto nalang ng almusal.

              Makalipas ang isang oras ay lumabas si JM sa kaniyang silid para maghanda sa pagpasok. Nakatulog na si Amanda sa magdamagang pagtatalik nilang dalawa. Wala na sana siyang planong sundan pa ang nangyari sa kanila pero hindi niya napigilan ang pang-aakit nito kagabi. Tinawagan siya ng babae at nagpapasundo sa tinirihan nito. Nabulwagan niya si Danica na naghuhugas ng pinggan.

“Good Morning!” masayang bati niya dito.

“Morneng.” Pasupladang sagot nito.

“Oh ano na naman ang nangyayari sa ‘yo?” nagtatakang tanong niya dito.

Tinitigan siya ng masama ng babae. “Hindi masarap ang tulog ko eh. Bakit kaya? Ay tama kasi lumilindol yung pader ng kuwarto ko buong gabi!” inirapan siya nito.

Napatawa siya bigla. “Ah yun ba. I’m so sorry for the inconvenience. Don’t worry babawi rin ako sa iyo next time. Ano ba gusto mong ipasalubong ko sa ‘yo mamaya?” naisipan niyang suhulan nalang ito. Naawa rin siya sa itsura ng babae dahil kahit na nakaligo na ito ay parang ang haggard pa rin ng itsura.

Dumulog na siya sa hapagkainan na inihanda nito. Napangiwi siya sa nakita. Isang pritong isda at kamatis? “Ano ‘to pagkain pa ba ang mga ito?” galit na tanoing niya sa babae. Lumapit ito sa kaniya at namewang.

“Galunggong at kamatis masara iyan. Sabi ng tatay ko especialty ko raw iyan.” Pagmamalaki pa nito sa kaniya.

“What? Yuck! Pagkaing pangmahirap lang ito eh. Ano ba ang pinaggagawa mo sa perang binibigay ko sa iyo para pambili ng mga pagkain?” binibigyan niya ito ng pera pang grocery at pangbayad ng tubig, ilaw atbp.

Ang 'syota kong promdi COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon