Chapter 21

4.5K 97 1
                                    

Ang ‘syota kong promdi

By Ms Sapphire

CHAPTER 21

              “Hmmmpp!” pigil niya sa isang braso ni Jake na nakapulupot pa rin sa bewang niya.

Pursigido talaga si Jake na buksan ang bibig niya kahit na madiin na niya itong itinikom. Sigurado siyang nagkalat na ang lipstick sa mukha niya dahil sa ginagawa nito sa kaniya. Hindi niya napigilang mapa-ungol dahil bumaba ang isang kamay nito sa kaniyang pang-upo at mahina itong pinisil. Napadilat siya ng mata sa ginawa ng lalaki. Ibinuka niya ang kaniyang bibig para magsalita. Ngunit, mukhang binigyan lang niya ng dahilan si Jake na tuluyang mapasok ang bibig niya. Mas inilapit pa nito ang sarili sa kaniya kaya naramdaman niya ang matigas na bagay nito sa kaniyang puson.

‘Hindi ‘to tama!’ nais niyang isigaw ang salitang iyon.

Tutuhurin na sana niya si Jake pero ito na ang huminto sa halik nito. Sinakop ng lalaki ang magkabilang pisngi niya at inilapit nito ang noo sa kaniyang noo.

“Oh Danica! You never failed to amazed me.” Humihingal na sabi ni Jake sa kaniya.

Natulala pa rin siya sa mga kaganapan. Nanlalaki ang kaniyang mga matang nakatitig lang kay Jake.

“Jake! We have to leave man.” Sigaw ni Mark na nakatayo sa di kalayuan.

“Sandali lang.” sagot nito kay Mark.

Ilang minuto ba silang naghalikan? Ibig sabihin all this time ay nanonood lang si Mark sa kanilang dalawa? Ba’t hindi man lang niya namalayan? Natutuliro tuloy siya sa kaniyang pinag-iisip. Nag-ipon muna siya nang lakas at humiwalay sa pagkakayakap kay Jake. Isang malakas na sampal ang binigay niya dito bago nag martsa paalis ng restaurant.

Inayos niya ang kaniyang buhok at pinahid ng panyo ang nagkalat niyang lipstick habang naglalakad sa kinapaparadahan ng kanilang sasakyan. Ayaw niyang bigyan ng pagdududa si Pierre.

“Are you alright, my chere?” kaagad na tanong sa kaniyang ni Pierre pagkapasok niya ng sasakyan.

“Oo, im okay. Medyo may pila dun sa labas tapos kumalat pa yung lipstick ko dahil may bumangga sa akin habang nag re-retouch ako kanina.” Pagsisinungaling niya dito.

Mukhang naniwala naman si Pierre sa sinabi niya kaya nakahinga siya ng maluwag. Pinili niyang manahimik sa buong biyahe hanggang sa marating nila ang bahay. Nagi-guilty tuloy siya kay Pierre. Pero bakit naman niya mararamdaman iyon e si Jake naman ang gumawa ng unang hakbang. Napabuntonghininga siya sa kaniyang mga naiisip.

                 UMIINOM ng beer si Jake ng gabing iyon habang pinapanood niya ang home videos nila ni Danica nung nag-iinuman sila ng mga barkada niya. Sina Mark at Lorenzo lang ang pumunta ng gabing iyon dahil may meeting si Sanjo, si Bart naman ay nasa Davao na kasama si Giselle.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

{Past}

“O smile naman khayo dyahn.” Sabi ni Mark na lasing na lasing na.

Nag-ooperate ito ng video camera niya habang si Lorenzo naman ay kumakanta gamit ang magic sing. Siya naman ay pangiti-ngiti lang sa kaniyang kinauupuan habang tumutungga ng beer. Dalawang bote na ang kaniyang nainom at medyo tinatablan na rin siya. Maya-maya’y dumating si Danica dala ang isang tray na pulutan nila. Isang luma at kupasing t-shirt at kupas na denim shorts ang suot ng babae. Ang may kahabaan nitong buhok ay nakalugay sa likod nito kaya nakikita niya ang pagtabing ng iilang hibla ng buhok nito sa mukha tuwing yuyuko ang babae.

“Mga Ser nandito pa mo ang pulutan ninyo.” Sabi ni Danica.

Isang buwan na rin itong namamasukan sa kaniya bilang katulong niya. At ang isang buwang iyon ay katumbas ng isang taong parusa dahil sa kakulitan nito. Minsan napapatawa nalang siya sa kaniyang sarili dahil nag-eenjoy siyang tuksuhin ito. Nakakabagot din kase ang mag-isa sa bahay at walang kausap. Tuwing silang dalawa lang sa bahay ay sigurado siyang may mapagbuntunan siya ng kaniyang boredom.

Ang 'syota kong promdi COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon