Chapter 30

4.7K 74 3
                                    

Ang syota kong promdi

Ms Sapphire

CHAPTER 30

              PAGDATING niya sa hospital ay nakita niya si Jake at ang isa sa mga katulong ni Sir Jacob na nakaupo sa waiting area. Namumugto ang mga mata ng katulog dahil sa pag-iyak. Naalala tuloy niya ang sarili niya noong muntik na ring mamatay si Jake dahil pinakin niya ito ng kare-kareng may peanut butter.

{PAST, excerpt from ASKP-6}

Humahangos na dumating ang Daddy ni Jake.

“Anong nangyari?” tanong nito sa kaniya.

“Sir Jacob, hindi ko po alam na allergik pala sa peanut batter si Sir Jake. Gumawa po kasi ako ng Kare-kare na may peanut batter eh. Patawarin ‘nyo na po ako Sir maawa po kayo kailangan ko po ng trabaho.” Naiiyak na pagmamaka-awa niya dito.

Galit itong binulyawan siya. “Tonta! Hindi ka ba marunong magbasa ng instructions doon sa binigay kong papel sa ‘yo? Nakalagay doon lahat ng hindi puwede si Jake. Kaya nga kumuha ako ng katulong para may mag-aasikaso sa anak ko eh ito lang pala ang igaganti mo sa amin?” May dumating na isa pang lalaki na umawat dito.

“Kuya that’s enough.” Pigil ni Ethan dito.

“Kuya Ethan sorry na po hindi ko po kasi maintindiha yung nakasulat sa papel eh. Hindi po ako nakapagtapos ng pag-aaral.” Pinahid muna niya ang kaniyang luha bago nagpatuloy. “Alam ko pong boba ako. Wala po akong alam. Patawarin ‘nyo na po ako Sir Jacob, Kuya Ethan.” Hinawakan ni Ethan ang kaniyang braso at pina-upo uli’t siya sa upuan.

{Present}

   Napaluha siya sa kaniyang naalala.

“Ma’am Danica” tawag sa kaniya ng katulong “I’m sorry po ma’am hindi ko po alam na allergik pala sa peanut batter ang anak ninyo.” Humihikbing wika nito.

“Halika dito yaya.”

Hinila niya ang katulong at yinakap ng mahigpit. Gaya niya noon, nakatulong ang ginawa ni Ethan sa kaniya. Ayaw niyang maranasan ng katulong ang naranasan niya noon. Aksidente lang ang nangyari kaya ayaw niyang mamintang dito.

“Miguel will be fine yaya.” Pang-aalo niya dito.

Makaraan ang kalahating oras na paghihintay ay lumabas na ang Doctor na tumingin kay Miguel. Puwede na raw itong i-uwi kaya nakahinga silang tatlo ng maluwag.

GRAND OPENING

             NAKA-ALALAY si Jake kay Danica buong araw sa pagbubukas ng Derma Clinic nito. Isang sweetheart neckline na sapphire blue dress ang suot nito na may konting pleated gatherings sa lower sternum at may nakakabit na diamond brooche. Ang mahaba at alon-alon nitong buhok ay naka updo para makita ang maganda nitong leeg at likod. He felt proud standing right beside her. Alam niyang karamihan sa guest nila ay ninais na tumayo sa kinalalagyan niya. Paano ba naman kase, Danica stood so proud and smart infront of everybody. He felt a pang in his heart because he knows everything is only a temporary.

Ang mga kambal naman ay parang mini version nilang dalawa. Si Miguel ay nakasuot ng three piece suit at kulay ocean blue na polo shirt gaya niya. Si Daphne naman ay isang mini version ng dress ng mommy nito kaya lang instead na strapless dress eh off shoulder and design ng damit nito.

“Wow Mrs Trambley you look stunning.” Pamumuri ng isang celebrity na kakilala ni Valerie at Alex.

“Thank you Shannon.” Nakipag beso-beso si Danica kay Shannon Cordova.

He had known her through Alex dahil si Alex mismo ang tumulong sa kaso ni Shannon laban sa asawa nitong si Macarion (Excerpt from Sapphire Series Book 3: One Last Chance).

Ang 'syota kong promdi COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon