Chapter 12

4.7K 100 2
                                    

{A/N: Bago kayo magsimulang magbasa ng chapter na ito ay magbibigay ako ng history ng storyang ito kung kelan at paano ko ito nabuo. Una sa lahat salamat sa paghihintay at patawad sa mabagal na update. Ang Sapphire Series ay iniisip kong masyado ang plot ng bawat storya dahil magkarugtong ang mga characters nito. Ang ASKP ay nabuo ko last year, mga August 2011. Wala akong insperation sa storyang ito pero ang unang tittle nito ay “Maid in Manila” na iba rin ang name ng characters at may kaibahan sa plot. Kaya lang ay naisip kong gawing promdi ang babaeng chars ko dahil feeling ko marami akong maiisip na eksena. May mga kabaliwan rin kase ako sa buhay na puwede kong ilagay sa story (yan alam nyo na gaano kabaliw ang writer lols). Message ko sa mga nag-aabang nito: Salamat ng marami sa pagtangkilik kay Danica. Siya ay isang promdi na alam kong lahat tayo ay nakakarelate sa kaniyang pinagdadaanan at sa mga sumusunod pa. Love You! Xoxo Ms Sapphire ^_^}

Ang syota kong promdi-12

By Ms Sapphire

                           “SIGURADO ka na ba sa desisyon mong umalis?” tanong sa kaniya ni Nikki.

Tango lang ang kaniyang sinagot dito. Bumalik siya sa dati niang tinutuluyang kuwarto sa agency pagka-alis niya sa bahay ni Jake. Wala na siyang planong magpapakita pa sa lalaki. Sobra talaga siyang nasaktan sa kaniyang nalaman. Akala niya totoo na ang lahat ng nangyayari sa kanilang dalawa ng lalaki. Yun naman pala e puro kasinungalingan lang ang lahat.

“May isang bakanteng trabaho pero sa Canada ang destinasyon. Alam kong kaya mong magbantay ng bata at maglinis ng bahay kaya sa iyo ko nalang ibibigay ang trabahong yun. May birthcertificate ka bang dala?”

“Wala po ate Nikki, kailangan ko pa pong umuwi ng probinsya para kunin yan.” Matamlay niyang sagot niya.

Lumapit si Nikki sa kaniyang kinauupuan. “Ganyan talaga ang buhay kapag ikaw ay nagmahal. Hindi sa lahat ng panahon ay puro saya nalang. Kailangan mong magpakatatag Danica. Huwag kang susuko sa buhay.” Hinawakan nito ang isa niyang kamay. “Umuwi ka kaagad ha para maasikaso ko ang visa mo papuntang Canada.”

“Opo ate Nikki,” naluluha niyang sagot “aalis din po ako kaagad mamayang hapon.”

Pumasok si Darwin sa kaniyang silid. “Hoy Danica, nasa labas si Jake. Nagpupumilit na makita ka kahit na sinabihan kong wala ka dito.”

Nagkatinginan silang dalawa ni Nikki. “Ayaw ko po siyang makita ate.” Pagmamaka-awa niya dito.

Tumayo si Nikki “Sige ako na ang haharap sa kaniya.”

                PAGKAGISING niya kanina ay naligo siya agad dahil gusto niyang hanapin si Danica. Gusto niyang magpaliwanag dito ng maayos. Nagsisisi tuloy siya kung bakit siya pumayag sa pustahan nila ng mga kaibigan niya. Pakiramdam niya ay tinablan siya ng konsensya sa kaniyang ginawa. Dalawang lugar lang ang pinaghihinalaan niyang kinaroroonan ng dalaga, ang agency o ang bahay nito sa probinsya. Dito na siya sa agency unang pumunta dahil ito ang mas malapit. Nakiramdam siya kanina sa lalaking naka-usap niya at alam niyang may itinatago ito sa kanya.

“O Jake napadaan ka?” tanong ni Nikki sa kaniya ng dumating ito sa lobby area.

“Hinahanap ko si Danica. Gusto ko siyang maka-usap at alam kong naririto siya. Please Nikki palabasin mo muna siya kahit sandali lang.” pagmamaka-awa niya dito.

“I’m sorry Jake pero kabilin-bilinan niyang ayaw niyang makipag-usap sa ‘yo.” Hinawakan nito ang kaniyang braso para igiya siyang maupo sa mahabang sopa. “Palipasin mo muna ang sitwasyon at baka huhupa rin ang galit niya sa ‘yo.”

Napasabunot siya ng kaniyang buhok. “Kasalanan ko ito e. Nagsisisi na tuloy ako kung bakit ako nakipag pustahan sa mga kaibigan ko. Nung una ay katuwaan lang naman yun hanggang sa unti-unti ng lumalim ang relasyon naming dalawa.”

Ang 'syota kong promdi COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon