Chapter 9

5.3K 75 2
                                    

Ang ‘syota kong Promdi-9

             “All da single ledis, all da single ledis, all da single ledis, all da single ledis. Put your hands ap! Ap in da klab we jast brook ap. Am doing my oon little ting…..” kumikembot-kembot pa ang kaniyang bewang habang naghihiwa ng karneng baboy. Magluluto siya ng gulay na may ginisang baboy, para naman hindi na mag mukhang anemic ang amo niyang hindi kumakain ng gulay.

“Kooz if you like IT, den you should put a ring on IT.” Patuloy niya sa pagkanta. “Ip you like me den you should put a ring ryt hir.” Tinuro niya ang kaniyang palasingsingan gamit ang isang kamay kung saan may hawak siyang kutsilyo.

“Aray!” malakas niyang sigaw. Dahil sa kaniyang kakulitan ay natusok ang kaniyang daliri.

Humahangos na dumulog si Jake sa kaniya. “Anong nangyari?” takang tanong ng lalaki.

“Natusok ako ng kutsilyo eh.”

“Ayan kasi ang tatanga-tanga. Aray!” ito na naman ang napa ‘aray’ dahil pinokpok niya ito ng sandok. “Ikaw na nga ang tinutulungan, ikaw pa ang namomokpok ng sandok dyan. Huwag ka ngang malikot!” bulyaw nito sa kaniya.

Hindi niya napaghandaan ang sumunod na ginawa ng lalaki. Sinip-sip ni jake ang dugo sa kaniyang daliri. Sandaling nawalan siya ng hininga sa ginawa ng lalaki. Naramdaman niya ang init ng hininga nito sa kaniyang daliri na parang naghatid ng kiliti sa kaniyang tiyan. Bakit ba niya naramdaman ito? ‘Baka kabag lang’ sigaw ng isang boses sa kaniyang isipan. “Tse! Tumigil ka nga dyan!’ bulyaw niya sa kaniyang sarili.

“O ayan wala ng dugo.” Wika ni JM pagkakuwan. Nagtama ang kanilang paningin. Ang lapit-lapit lang pala ng mukha nila sa isa’t-isa. Parang nawawalan na siya ng hininga dahil sa nararamdamang tensyon. ‘Ano ba ‘to?’ naitanong niya sa kaniyang sarili. Ngayon lang niya napagmasdan ng malapitan ang buong mukha ni Jake. Ang maitim nitong kilay, may pagka singkit na mata, ang mapupulang labi nito at ang mabangong hininga na naghahatid ng kiliti sa kaniyang kabuuan.

“Ehem” si JM na ang unang tumapos sa hypnotismo. “Maupo ka na kaya muna. Ano ba ang gagawin at ako nalang ang maghihiwa.”

“Naku huwag na kaya ko naman eh.” Kukunin sana niya ang kutsilyo dito pero inilayo ito ni JM sa kaniya.

“Hindi ako na sabi eh. Kumuha ka na lang ng bandage sa medicine cabinet at umupo ka sa sopa. Kaya ko na ‘to.”

Wala na siyang nagawa kundi sundin ang ipinag-uutos ng kaniyang amo. Nakatitig lang siya sa likod ni JM habang nagluluto ito. Kahit na hindi siya kumbensido na marunong itong magluto, ay pinagbigyan na rin niya ang pangungulit ng lalaki. Amo naman niya ito kaya ayaw niya sumuway sa gusto ng lalake. Nakaramdam siya ng antok kaya inihilig nalang niya ang kaniyang ulo sa hawakan ng sofa.

{Jake}

‘Hmmm paano nga pala niluluto ni yaya ‘tong gulay?’ pilit niyang inaalala ang mga sinasabi ng kaniyang dating yaya.

Makalipas ang kalahating oras ay luto na ang kanin sa rice cooker at ang niluto niyang ulam. Hinanda na niya ang mesa bago niya nilapitan si Danica na nakatulog na pala sa sofa.

Ang 'syota kong promdi COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon