Chapter 14

4.3K 81 1
                                    

Ang syota kong Promdi

By Ms Sapphire

Chapter 14

              ISANG matandang babae ang naka-upo sa rocking chair sa may sala. Hawak nito ang picture frame ng yumaong asawa na si Don Francois na mahigit anim na taon ng namayapa dahil sa sakit na prostate cancer. Ginawa na nila ang lahat ng kanilang makakaya para maisalba ang buhay nito, pero sadyang walang lunas ang sakit ng kabiyak niya. Napahikbi siya sa kaniyang naalala. Biniyayaan ng masaganang buhay ang kaniyang kabiyak nung kabataan nito. At mas naipalago pa nito ang kayamanang nakuha galing sa mga magulang sa pamamagitan ng iba’t-ibang negosyo. Ngayon, hindi na kakayanin pa ng kaniyang katawan ang pagpupuyat dahil sa kaniyang katandaan. Ang anak nilang si Pierre ang tangi niyang masasandalan para umasikaso ng lahat.

“Mama” narinig niyang tawag sa kaniya ng kaniyang anak.

Naramdaman niya ang kamay nito sa kaniyang balikat at ang pagpisil nito. Hinawakan niya ang ibabaw ng kamay nito at inilapit niya ang kaniyang pisngi para maramdaman ang init ng palad ng kaniyang anak. Ito nalang ang nag-iisang ala-ala sa kaniya ng kaniyang namayapang esposo.

“Mama” wika ulit nito “you stress out yourself too much. At alam mong nakakasama yan sa kalusugan ninyo.”

“I can’t help it iho” Sabi niya “i miss your Dad so much.” Naiiyak na paliwanag niya.

Humarap si Pierre sa kaniya at umupo sa harapan ng rocking chair. Inipit nito ang iilang hibla ng kaniyang buhok na tumatabing sa kulubot at walang kulay niyang kutis. Sa edad niyang numbenta’y dos, ay puwede na siyang mamatay. Wala naman siyang puwedeng ipag-alala sa mangyayari sa kaniyang anak dahil malaki ang mamanahin nito sa kayamanan nilang mag-asawa.

“Tama na po yan ma’. Ang mabuti pa ay lumabas na muna kayo ni Sandra sa ibaba para naman mainitan yang kutis mo. Hindi ba’t iyan ang payo sa iyo ng Doctor?” malambing na wika ng kaniyang unico iho.

Nakita niyang nakatayo lang sa di kalayuan si Sandra. Ito ang katiwala nila na galing sa isa nilang tenant sa itaas ng condo. Hinawakan niya ang pisngi ni Pierre na natutubuan ng mailiit na balbas.

“Kelan mo ako bibigyan ng mga apo ha Pierre anak?” pangungulit na naman niya dito.

Inampon nila si Pierre sa kaniyang nakababatang kapatid na nalulong sa droga. Hindi siya nagdalawang isip na kunin ang sanggol noon dahil hindi sila nabibiyayaan ng anak ni Francois. Kahit anong lab test pa ang kanilang ginawa sa kaniyang asawang si Francois, ay hindi pa rin ito nakaka produce ng sperm. Siya naman sa kabilang banda ay may problema sa matres kaya wala ng solusyon ang kagustuhan nilang magka-anak. Pero hindi sila nawalan ng pag-asa na magkaroon ng anak sa pamamagaitan ng adoption hanggang dumating si Pierre sa kanilang buhay.

Ngumiti lang ito sa kaniya. “Huwag mo na akong minamadali mama baka hindi ko tuluyang mahanap ang babaeng para sa akin. Sige ka baka maudlot at wala kayong apong makikita niyan.” Biro nito sa kaniya.

Ikinumpas niya ang isang kamay “O sya sige na nga. Hindi ko lang mapigilan ang sarili kong kulitin ka, iho.”

“Halina po kayo mama. Tutulungan ko na po kayong makatayo.”

Tinulangn siyang makatayo nina Peirre at Sandra para lumipat sa wheelchair.

“Sige na Sandra paki dala kay Mama sa park para mainitan naman siya.”

                SAMANTALA, nakikipaglaro si Danica kay Bella at Rupert ng umagang iyon sa park. Walang pasok ang mga bata dahil holiday. Ang among lalaki naman niya ay nasa bahay at nagbabasa ng newspaper habang ang among babae ay may trabaho. Narinig niyang ayaw sana nitong pumasok kanina para makasama ang pamilya, kaya lang ay nag-away na lang bigla ang dalawa sa di niya malaman ang dahilan.

Ang 'syota kong promdi COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon