Chapter 22

4.1K 97 3
                                    

Ang syota kong promdi

By Ms Sapphire

CHAPTER 22

“I want you to help Danica with her business habang wala ako.”

“ANO!?” sigaw pareho nina Danica at Jake.

Tumango siya sa dalawa.

Bumuka ang bibig ng kaniyang asawa para tumutol pero kaagad din nitong itinikom ulit.

           TINUTULUNGAN niyang magligpit ang katulong sa kanilang pinagkainan. Nasa labas pa rin si Pierre kasama si Jake at nag-uusap tungkol sa negosyo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap ang sinabi ni Pierre kanina. Ano ba ang pumasok sa utak nito at kay Jake pa siya hinabilin? For all people, bakit si Jake pa? Gusto sana niyang tumutol kanina kaya lang baka magtaka si Pierre. Ayaw niyang bigyan ito ng pangdududa kaya pinili nalang niyang manahimik kahit labag sa loob niya ang desisyon nito.

Pagtalikod niya ay muntik na niyang mabangga si Jake, na nakatayo lang sa kaniyang likuran.

"Kanina ka pa riyan?" tanong niya dito.

"Medyo," nakangiting sagot ng lalaki "nagulat ba kita?"

"Oo," matipid niyang sagot dito na may kalakip na pagka-inis.

"Ikaw naman sa itsura ko ba namang to e nagugulat ka." sabi nito.

"Sa mga mukhang tao lang ako hindi nagugulat," pilosopong sabi niya dito "umalis ka nga muna sa harap ko."

"Ouch!" wika ni Jake sabay tagilid para makadaan siya "ganon mo ba talaga ako ka hate para magmukha akong multo? O baka naman na miss mo lang talaga ako kaya nagpapakipot ka pa riyan?"

Napalabi siya sa sinabi nito. "Miss? Ano ka sinuswerte? Feeling mo talaga."

"Pano kase ikaw lang ang nagpa-Feel sa akin ng love?"

"Hindi ka lang talaga Feelinggero kundi Corny mo pa! Hay naku wala ka na talagang ipinagbago."

“Masama ba ang hindi magbago?” kapagkuwa’y tanong nito.

“Oo. Kase ilang taon na po yung nangyari dati. Mag move on ka na gaya ko.”

“Teka may binanggit ba ako sa past natin?” nagkukunwaring gulat na tanong nito. Natameme tuloy siya sa sinabi ni Jake.

Lihim niyang pinagsabihan ang kaniyang sarili. Kung bakit ba naman kase hinid mawaglit sa isipan niya ang mga nangyari five years ago, e dapat nakapag move on na siya. Pero bakit ganito, mula nang magkita ulit sila ni Jake kahapon ay mas lalo tuloy siyang hindi pinatatahimik nito. Lagi nalang laman ng kaniyang isipan ang ‘kahapon’ nilang dalawa.

“Naiisip mo ako no?” panunuya ni Jake sa kaniya.

Umismid siya. “Tse! Ang saya-saya mo naman.”

“E kase buking ka na ayaw mo pang umamin.”

“Anong buking? Paano ako mabubuking e hindi naman totoo yang mga ibinibintang mo? Maghunusdili ka nga Jake Miguel Santos!” sigaw niya dito “teka, nasaan nga ba si Pierre?”

Nagtatakang tanong niya kapagkuwan.

“Andu sa itaas may kukunin lang daw.” Sagot ni Jake sa kaniya.

“Ahhh kaya pala nilalandi mo ako dito hayop ka!”

“Asus! Ang Ale e parang hindi rin nagpapakipot.” biro nito sa kaniya “Aray!”

Sigaw ni Jake matapos niyang pukpukin ang ulo nito ng sandok na hawak niya.

“Tsk tsk tsk hindi ka pa rin nagbabago Danica, namumukpok ka pa rin ng sandok!” reklamo nito. Maya-maya lang ay napatitig ito sa kaniya na ikinailang niya.

Ang 'syota kong promdi COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon