Chapter 20

4.3K 98 2
                                    

Ang ‘syota kong promdi

By Ms Sapphire

{A/N: Ang Sapphire series ko ay mababasa lamang sa isang page dito sa Facebook (Tagalog Romance etc) at sa dalawang website (Soeursbelle.com at Wattpad.com). Pinull out ko ang dalawang nauna noon sa isang page dahil gusto kong sa isang bahay ko nalang ilalagay ang Series na ito. Sa mga iba ko pang stories na hindi SS ay tanging Facemood nalang ang pinagpasahan ko. Sana naman intindihin ninyo kung gaano ka importante sa akin itong Sapphire Series na ito. Ang mga main characters ay nasasalamin ang kung ano ako at ang mga bagay na gusto ko sa isang Hero at Heroine. Paki-usap ko lang na sana magisip-isip muna kayo bago kayo magtangkang nakawin tong series na to dahil pupula talaga ang buwan (toinks). Libre ko na tong ipinabasa sa inyo, sana naman respituhin ninyo ako at ang mga gawa ko. Salamat sa pag-unawa. Ms Sapphire xoxo}

              “GENTLEMEN, meet my wife Danica. Sweetheart, sila yung sinasabi ko sa iyong Advertising Agency na magpopromote ng mga products mo.” Panimula ni Pierre.

Napilitan siyang tanggapin ang pakikipagkamay kay Mark at Jake. Alam niyang lihim na siniko ni Jake si Mark para hindi na ito magsasalita.

“Danica…” sabi ni Mark na hindi pa rin mawala ang pagkamangha sa mukha nito.

Si Jake naman ay masyadong halata na hindi nawawala ng tingin sa kaniyang mukha. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng pagkailang sa ginagawa nito. Napalingon siya kay Pierre dahil baka makita nito kung gaano ka garapal magpakita ng emosyon si Jake sa harap nilang lahat.

“Nice to meet you….” Inilahad ni Jake ang isang kamay nito kay Pierre.

“Trambley.” Dugtong ni Pierre.

“…Mr Trambley” sabi ni Jake bago inilipat ang atensyon sa kaniya “Mrs Trambley” naramdaman niya init ng kamay nito na lumikha ng kaniyang pagkailang.

Bigla siyang napalunok dahil naalala niya ang pamilyar na kuryente na hatid ni Jake sa kaniya. Napatingin siya sa kamay niya na sakop ng malaking kamay ni Jake. Pa inosente siyang pinisil ni Jake na ikinagulat niya kaya siya biglang napatingin dito. Isang nakakalokong ngiti ang iginawad nito sa kaniya.

‘Hanggang ngayon e manyak pa rin tong lalaking to.’ Naiinis na bulong niya sa kaniyang isipan.

Naiinis man ay hindi niya napigilan ang kaniyang sariling hindi gunitain ang mga sandaling naging masaya siya sa piling ni Jake.

“So, can we start the briefing now.” Putol ni Pierre sa kaniyang pagmuni-muni.

Tinulungan siya ni Pierre na maka-upo ulit sa kaniyang upuan. Nagsimula nang magsalita si Mark sa proposal nito para sa negosyo niya. Dahil wala naman siyang masyadong alam sa pagnenegosyo ay nakikinig lang siya sa mga pinagsasabi nina Mark at Pierre. Paminsan-minsan ay napapatingin siya kay Jake dahil alam niyang tinititigan pa rin siya ng lalaki. Hindi na siya nakatiis at pinanlakihan niya ito ng mata na ikinangiti lang nito.

‘Bwisit talaga ang ungas na ‘to!’ sigaw ng kaniyang isipan.

Dumating ang kanilang waiter para kunin ang kanilang order nang maramdaman niya ang isang paa sa kaniyang binti. Alam niyang kay Jake iyon dahil ito lang naman ang nakatingin pa rin sa kaniya na parang huhubaran na siya ng mga sandaling iyon.

She gasp so loud na ikinalingon ni Pierre sa kaniyang tabi.

“What’s wrong?” nagtatakang tanong nito.

“Parang may hayop sa ilalim ng mesa” sagot niya dito sabay silip sa ilalim ng table clothe “tama nga ang hinala ko.” Bulong niya sa kaniyang sarili nang makita niya ang paa ni Jake na naka medyas na lang. Lihim niyang inabot ang hinubad nitong sapatos at inihagis sa ilalim ng kabilang mesa.

Ang 'syota kong promdi COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon