Chapter 15

4.3K 93 0
                                    

Ang syota kong promdi

By Ms Sapphire

CHAPTER 15

     “Sir?” tawag sa kaniya ng isang katulong. Mag-isa siyang kumakain ng almusal ng araw na iyon dahil hindi na siya sinasabayan ng anak niyan si Jake.

“Ano yun?”

“Hindi po kayo Sir Jacob kundi si Sir Jake po.” Sagot nito.

Nagtaas siya ng tingin at nakita niya ang kaniyang nag-iisang anak na bagong ligo at nakasuot ng malinis na damit at may hawak na tungkod. Paika-ika itong lumapit sa mesa.

“Good Morning Dad.”

Bati nito sa kaniya. Uminom muna siya ng orange juice dahil nahihirapan siyang lumunok. Para sa kaniya ay isang milagro ang pagbaba ni Jake mula sa kuwarto nito.

“Sit down Jake. Yaya paki tulungan si Sir Jake ninyo.” Natatarantang utos niya sa mga katulong. Pati ang mga ito ay nahawaan rin sa kaniyang pagkakataranta.

Tumawa ng mahina si Jake. “Don’t treat me like a kid Dad. Malaki na ako at kaya ko na ang sarili ko. I can manage.” Nagsimula na itong maglagay ng pagkain sa sarili nitong plato “I want to finish school and manage our business. Yan ang napagisip-isip ko kagabi.”

“Good. Tutulungan kitang makahabol sa school mo.” Nasiyahan siya sa kaniyang narinig. Sa wakas bumalik na rin ang anak niya.

          ANG tunog ng alarm clock ang nagpagising sa kaniyang diwa. 'Umaga na naman' nasa isip niya. Papasok na naman ang lahat maliban kay Bella na hindi pa puwedeng mag-aral. Iminulat niya ang kaniyang mga mata para lang masilaw sa liwanag ng araw na lumalabas mula sa bintana ng kaniyang silid. Pakiramdam niya ay may sampung bloke ng ice ang nakapatong sa buo niyang katawan.

'Nakakatamad naman bumangon.' reklamo ng kaniyang isipan.

Isang malakas na ungol ang pinakawalan niya bago niya napilit ang buong katawan na umupo sa kaniyang kama. Wala sa sariling napahipo siya sa kaniyang pipis na tiyan. Simula ng malaman niyang buntis siya ay nakasanayan na niyang himasan ang kaniyang maliit na tiyan. Minsan nga ay kinak-usap niya ito na para bang naririnig siya ng bata.

Isang malalakas na katok ang nagpagulat sa kaniyang pagmuni-muni.

"Danica!" sigaw ng kaniyang among babae sa kabila ng pinto "when are you going to make breakfast! I need to leave soon so you better be quick!"

Kahit kelan talaga palagi na lang itong nakasigaw. Wala ata itong nalalamang 'inner voice' dahil parang may built-in microphone ang bunganga ng amo niyang babae. Tumayo na siya at nagsuot ng damit. Mamaya na lang siya maliligo pag naka-alis na ang lahat.

Paglabas niya ng silid ay nakita niya pinapakain na ng kaniyang among babae si Bella. Nilingon siya nito at nilapitan sabay padaskol na pagabot sa kaniya ng pinggan ng bata.

"I'm late! And once again, you took your time to get up and prepare everything." lumapit ito sa coat closet at kinuha ang purse nito na nakasabit sa may pinto "you better have the dinner ready when i get home!" pabalya nitong isinara ang pinto ng condo nila.

"Bella eat na para tumangkad ka." Sinubo niya ang mashed carrots sa bibig ng bata. Ngumiti ito at gumawa ng nakakatuwang ingay. "ayan good gerl! Mamamasyal na naman tayo sa park mamaya ha."

Tumawa na naman ito habang itinaas ang dalawang kamay.

          MATAPOS niyang maligo ay si Bella naman ang kaniyang inasikaso. Dala niya ang stroller at dipaer back ng lumabas sila ng kanilang condo. Nginitian niya ang nadadaanan niyang kapitbahay sa hallway at elevator. Mukhang maraming tao ang lumalabas sa araw na iyon dahil may nakikita rin siyang may nagdadala ng picnic basket. Pumasok sila ni Bella sa elevator kasabay ng iba pa. Tumunog ang bell at huminto ito sa second floor. Lahat ng nakasabay nila ay lumabas na kaya naiwan na lang silang dalawa ni Bella. Ngunit, bago pa man sumara ulit ang elevator door ay may isang lalaking humabol kaya hinawakan niya ang pintuan para hindi ito tuluyang sumara.

Ang 'syota kong promdi COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon