Chapter 10

5K 98 0
                                    

Ang ‘syota kong promdi-10 by Ms Sapphire

{A/N: Hindi ko alam kung ipagpatuloy ko ba ang magaganap kina Jake at Danica. Minsan kailangan magsugal ang isang manunulat. Kailangan lang ang scene na ito sa magaganap afterwards kay Danica, and also as a lesson na rin sa iba na nakakarelate sa sitwasyon niya. xoxo Ms_S}

             “Jake?” bungad sa kaniya ni Elizabeth o “Lizzy” kung kanilang tawagin. Kababata at kapitbahay ito ng kaibigan niyang si Mark.

“Pasok ka Lizzy.” Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan at umupo sa ibabaw ng kaniyang mesa. “What do you want?”

Nag-abot ito ng isang puting sobre. Napakunot ang noo niya ng makita niya ang nakalagay na ‘Resignation’ sa likod ng sobre.

“What do you mean by this?” takang tanong niya dito.

“I quit.”

“What!? P-pero bakit? May hindi ka ba nagustuhan sa company namin? Baka pwede nating pag-usapan yan. Kulang ba sahod mo?” Malulungkot siya kung mawawalan sila ng isang masipag na employee. Si Lizzy ang isa sa mga top workers nila.

“No. Wala sa mga nabanggit mo ang dahilan ko.” Medyo gumaralgal ang boses nito.

“Lizzy, you know you can tell me.” Lumapit siya dito at tinapik ito sa balikat. Yinakap naman siya ng babae habang umiiyak. Parang nahuhulaan na niya kung ano ang dahilan nito. Si Mark. Hindi na lingid sa kaalaman ng lahat na may gusto si Lizzy sa kababata nito. Kaya lang isang kapataid lang ang turing ni Mark dito.

“Ano na ang gagawin mo ngayon?” malumay na tanong niya sa babae ng magkahiwalay na sila.

“Marami pa akong mahahanap na trabaho. Maga-apply ako sa ibang kumpanya o kaya magtatrabaho ako sa Saudi. Gusto ko lang lumayo Jake--- at makalimot. Ang sakit eh lalo na ngayon at may nobya na pala siya. Akala ko nung una ay kakayanin ko, ‘yun pala hindi. Parang binibiyak ang puso ko sa sakit.”

“Gusto mo bang kausapin ko si Mark para sa ‘yo?”

“Huwag na, dahil wala ng patutunguhan ang lahat. Ayaw kong maghabol sa taong ayaw sa akin.” Tumawa ito ng pagak. “Ganoon kasi ang ginagawa ko dati eh. Para akong aso na inaamoy ang baho niya masundan lang siya. Nagpakumbaba na nga ako sa kaniya, pero wala pa rin.”

“Pikutin mo nalang kaya?” suhestyon niya dito.

Tumawa lang si Lizzy. Kahit na may ngiti ang mukha nito, ay makikita pa rin ang lungkot sa mga mata ng babae. Maganda si Lizzy. Mestisahin, mahaba ang buhok at matalino. Sadyang batang isip lang talaga ang kaibigan niyang si Mark. Lahat naman ng tao ay may iba’t-ibang level ng maturity. Kay Mark ‘ata ay below low level na.

“Keep me posted pa rin ha.”

“Oo naman. Ikaw ang isa sa mga naging malapit na kaibigan ko dito.” Tumalikod na ito pero agad din namang lumingon “Jake?”

“Yes?”

“Salamat” nginitian siya nito kahit na hindi umabot sa mga mata nito ang saya.

“You Welcome Lizzy.”

{Mark}

        Papasok na sana siya sa opisina ni Jake ng makita niyang may kayakap ito mula sa glass window ng office ng kaibigan. Kilala niya kung sino ang babaeng nakatalikod. Si Lizzy. Hindi nalang muna siya tumuloy dahil baka nakakaistorbo siya sa pag-uusap ng dalawa.

{Jake}

         Pasipol-sipol pa siyang naglalakad papunta sa copy machine nila. Lahat ay busy sa nalalapit na deadline nila sa isang shipping company. Halos kumpleto na ang lahat ng signage at flyers. Pati ang commercial na ginawa ay malapit na ring matapos I edit ng editting department nila.

Ang 'syota kong promdi COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon