Chapter 19

4.4K 89 6
                                    

Ang ‘syota kong promdi

By Ms Sapphire

CHAPTER 19

5 YEARS LATER…..

NAIA Airport

Good Evening! All passengers of EJ504 arriving from Paris, France please proceed to Gate 7 Lane 4 for your baggage. Thank you.      

             IT has beed five years mula nang makatapak siya ng lupang pinas. Nakakapanibago ang ingay, init at amoy ng paligid para sa kaniya. Nasanay na rin kase siya sa may kalamigang klema at ang tahimik na pamumuhay sa Beziers, France. Inalis niya ang suot na Dolce and Gabbana sunglasses at ipinasok sa loob ng kaniyang Hermes purse. Isang orange mini dress ang kaniyang suot na may ternong kulay orange din na fashion hat na 15 inches diameter ang laki. May isang brooche sa gilid nito na yari sa swarovski kaya nagiging mas sophisticated siya tingnan. Limang taon niyang pinag-aralan ang maayos na pananamit, postura at pagsasalita. Sa tulong ni Pierre ay sinanay niya ang kaniyang sariling punan ang mga bagay na wala siya dati.

 “Babe, our ride is here.” Wika ni Pierre ng makalapit na ito sa kaniya.

“I’m ready to go. Gosh I’m dead tired of this trip.” Reklamo niya.

“We will rest for few days before we start working our project.”

“Fantastic!”

May nag flash na camera sa harapan nila kaya yumuko siya ng konti para matakpan ng suot niyang fashion hat ang kaniyang mukha. Hinawakan siya sa siko ni Pierre para tulungang makapasok sa sundo nilang itim na mercedes benz limo. Sa totoo lang ay kanina pa siya hindi mapakali. Alam niyang habang umuusad ang oras ay lumalapit na rin ang paghaharap nila ni Jake. Wala na kasi siyang magawa ng makapag desisyon si Pierre na sa Pilipinas magbukas ng main branch ng kaniyang sariling negosyo. Ito raw ang regalo nito sa kaniya kaya hindi na rin siya naglakas loob na tumutol.

               GUMAGAWA siya ng yearly report para sa meeting nila bukas ng may mahagip ang kaniyang tingin sa naka andar na tv sa loob ng kaniyang opisina.

“SA BALITANG SHOWBIZ NGAYONG GABI. ISANG FRENCH CANADIAN BUSINESS TYCOON ANG BUMALIK NG PILIPINAS PARA SA ISANG MALAKING PROJECT SA PAMUMUNO NG ASAWA NITONG ISANG SUMISIKAT NA DERMATOLOGIST SA PARIS, FRANCE. NATUNUGAN NG ATING REPORTER ANG PAGDATING NINA MR. AND MRS. PIERRE AND DANICA TRAMBLEY SA NAIA AIRPORT KANI-KANINA LANG…...”

     Muntik na siyang mahulog sa kaniyang kinauupuan ng masilayan niya ang mukha ni Danica na nakasuot ng malaking fashion hat at shades. Ibang Danica na ang kaniyang nakikita. Isang glamorosa at sopistikadang Danica na ito. May kalayuan ang nakuhang video pero naaaninag pa rin ang mukha ng dalawa.

Nailamukos niya ang papel na pinagsusulatan dahil sa galit.

“Shit!” sambit niya nang mapansin ang papel na pinunit niya ay ang gagamitin niya bukas para sa kanilang meeting.

Tumayo siya at hinagis ang pinakamalapit na bagay na kaniyang nahawakan. Ang buhok na naman niya ang sunod niyang hinawakan. Naiinis siya sa kaniyang sarili dahil sa paghinto niya sa paghahanap kay Danica. Wala siyang ideya na sa France pala ito lumipat kasama ang bago nitong asawa.

Tumunog ang kaniyang cellphone.

“Hello”

“Nabalitaan mo na ba?” tanong sa kaniya ni Ben sa kabilang linya.

“Oo. Kakakita ko lang sa news” napasabunot siya ng buhok “all this time pare e nasa France lang pala siya. Bakit hindi man lang natin natunugan yun?”

Ang 'syota kong promdi COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon