Chapter 7

5.1K 108 2
                                    

                Nagwawalis siya sa silid tulugan ni Jake ng biglang bumukas ang pintuan ng bathroom nito. Titili na sana siya. Mabuti nalang at agad niyang tinakpan ang kaniyang bibig. Nakita kasi niya ang kaniyang among nakatapis lang ng tuwalya habang nagsisipilyo sa harap ng salamin. Mabilis siyang tumalikod para hindi nito isipin na naninilip siya dito. Ipinagpatuloy niya ang kaniyang pagwawalis ng magsalita si Jake sa kaniyang likuran.

“Gusto mo bang makita akong nakahubad habang nagbibihis?”

Naloka siya bigla sa sinabi nito. Pero imbis na umalis ay parang itinulos ang kaniyang mga paa sa kaniyang kinatatayuan. Ayaw gumalaw ng katawan niya. Lumipat si Jake sa kaniyang harapan. Nakita niya ang nakakalokong ngiti nito. Inilagay nito ang isang kamay sa tuwalya na nakapolupot sa bewang ng lalaki.

“isa!”

Napapikit siya bigla.

“Dalawa! Ang tapang mo talaga.”

Malakas na tawa ang pumainlang sa buong silid.

“Tatlo!” naramdaman niya ang hangin sa kaniyang mukha.

“Wala naman eh naka shorts naman ako.” Sabi nito sa kaniya. Narinig niya ang halakhak nito na pumainlang sa buong kabahayan.

Naniwala naman siya sa sinabi nito kaya binuksan niya kaagad ang kaniyang mga mata. Ganun nalang ang gimbal niya ng makitang isang boxer brief lang pala ang suot nito. Sa gulat niya ay nagsisisigaw siya palabas ng kuwarto.

“Walang hiya ka Jake makakaganti rin ako sa ‘yo tandaan mo yan.”

Tawa pa rin ng tawa ang lalaki bago niya narinig ang pagsara ng pintuan nito.

           Nang sumapit ang tanghalian ay inihanda na niya ang kaniyang nilutong adobong manok at kanin. Hindi na niya tinawag si Jake dahil ito na rin mismo ang lumapit sa mesa. Nakaugalian na niyang asikasuhin ito na parang bata. Siya na ang naglagay ng tubig sa baso nito pati kanin at ulam sa plato.

Nakita niyang sininghot-singhot nito ang kanin at ulam. “May problema ba sa pagkain?” takang tanong niya dito.

“Mukhang wala naman.”

“Bakit mo inamoy-amoy iyan?”

“Baka kasi may peanut butter na naman.” Nakangising sabi nito.

“Ulol ka talaga.” Hahambalusin na sana niya ito ng hawak na tinidor.

“Ikaw ha namimihasa ka nang batukan ako ng sandok, ngayon naman tinidor. Kumain na nga tayo. Dadating nga pala ang mga kaibigan ko mamaya. Mag-iinuman kami kaya samahan mo akong mag grocery at ng makabili tayo ng pulutan.”

“Sige. Puwedeng magpaalam bukas?”

“Ba’t ka naman magpapa-alam eh day off mo naman bukas. May date ka ano?” kantyaw nito sa kaniya.

“Lumuwas kasi si Lemuel galing probinsya. Ipapasyal ko lang siya sa Luneta Park.”

                Napalis ang kaniyang ngiti pagkarinig sa pangalan ng kaibigan nitong tumalo sa kaniya sa lahat ng laro. Kahit ngayon hindi pa rin siya napanatag na natalo siya ng lalaking ‘yon.

Tumikhim siya. “Anong oras ka naman uuwi?”

“Baka gagabihin kami. May iba pa kasi kaming pupuntahan at bibisita rin kami sa Tita niya.”

“Magpapapigil ka ba sa akin?” naka kunot noong tanong niya dito.

“Hindi”

“Wala kang sweldo sa susunod na linggo kung hindi ka uuwi agad.” Pananakot niya dito.

Ang 'syota kong promdi COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon