Chapter 2

7.6K 133 1
                                    

         Alas singko palang ng umaga ay gising na si Danica. Pinakain muna niya ang mga alagang manok bago pumasok ng bahay. Nakita niyang gising na rin si Lemuel at nagpapakulo na ng tubig para sa kape nila.

"Punta muna ako ng bakery at ng makabili ng pandesal ha." Paalam nito sa kaniya bago lumabas ng bahay.

         Naisipan niyang maligo matapos mailagay sa thermos ang mainit na tubig. Marami siyang aasikasuhin ngayong araw. Magtitinda silang dalawa ni Lemuel ng Sampaguitta sa simbahan at sa tanghali na niya bibisitahin ang Mama ni Marites. Magtitinda na naman sila ng balot sa gabi pero bibisitahin muna niya ang itay niya para magdala ng prutas at pagkain. Matapos makapagbihis ay lumabas na siya mabuti at dumating na rin si Lemuel para makakain na rin sila.

"Sasama na ako sa iyo pag-uwi mo at ng maka-usap ko rin ang mama mo." sabi niya rito habang ngumunguya ng tinapay.

"Natulugan ko na pala si Julia Roberts kagabi?" paborito nito ang naturang Hollywood Actress.

"Uu naglalaway ka pa nga eh." biro niya dito.

"Hindi ako naglaway ah baka ikaw ang lakas kaya ng hilik mo." ginaya pa nito ang paghilik niya.

"Naku si Mister Pikon hindi na mabiro. Tapos ka na ba diyan at ng maka-alis na tayo? bibisita pa ako kay Tatay mamaya sa Hospital." matapos makapagligpit ay dumaan muna sila sa bahay nito para makausap ang mama nito habang naghahanda si Lemuel.

"Danica pakibigay mo ito sa papa mo mamaya." sabay abot ng plastic bag na may container ng pagkain. "May kanin, ulam, prutas at may tinola pa, para naman mapadali ang paggaling niya."

"Naku Salamat po ng marami. Bibili ho sana ako mamaya sa hospital dahil maraming nagtitinda doon sa labas kahit na medyo mahal. Di bale Aling Belen kapag naging mayaman ako balang araw ay aambunan ko kayo ng grasya." pangarap niyang mai-ahon sa hirap ang kaniyang ama. At ang mapa-ospital ito na walang inaalalang perang pambayad.

"Baka puti na yang buhok mo inay kung maghihintay kang yumaman iyang si Danica." sabad ni Lemuel na bagong ligo. Nagsusuot na ito ng t-shirt.

"Wala namang masamang mangarap eh. Sige ka kapag marami na akong pera hindi kita bibilhan ng motorbike. Dba yun ang gusto mo?"

Napa-isip ito. “Sige na nga. Baka magdilang anghel ka pa eh kakainin ko pa yang sinabi ko. Inay alis na po kami at baka gabihin na naman po kami ngayon. Madami po kaming sideline para matulungan ko itong si Danica sa pang ospital ni Mang Tonyo.”

“O sige mag-iingat kayong dalawa ha at maraming nangyayaring kabalastugan sa labas kung minsan.”

             Tapos na ang huling klase niya. Isang taon nalang at Graduate na siya pati ang kaibigang si Bart at Mark. Siya at si Mark lang ang may parehong kursong Information Technology o IT minor in Graphic Design and Fine Arts. Nagmamay-ari sila ng Advertising Agency na maipapamana sa kaniya dahil nag-iisang anak lang siya.

Ang 'syota kong promdi COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon