Chapter 16.1

3.9K 86 1
                                    

Ang syota kong Promdi

Ms Sapphire

CHAPTER 16 PART 1

Naalimpungatan si Danica dahil sa naririnig niyang ingay sa labas. Bigla siyang napabalikwas ng bangon ng maalala niya ang huling kaganapan bago siya nawalan ng malay. Isang magara at malaking kuwarto ang kaniyang kinaroroonan. Halos lumubog ang buo niyang katawan sa lambot ng kamang kaniyang hinihigaan. Sa tantiya niya ay halos anim ka tao ang puwedeng matulog sa higaang kinahihigaan niya.

Bumukas ang pintuan at pumasok si Keery, ang isa sa mga bago niyang kaibigan.

“Keery?” nagtatakang tanong niya dito.

“Kumusta na ang pakiramdam mo?” tanong nito sa kaniya.

“Nasaan ako?” balik tanong niya dito. “ang baby ko?” nag-alalang tanong niya dito.

“Huminahon ka. Maayos naman kayo ng baby mo.” Umupo si Keery sa gilid ng kama at inabot ang kaniyang kamay “mabuti na lang at dumaan si Sir Pierre dun sa second floor at nakita niya ang ginagawa ng amo mong babae. Siya ang tumulong sa ‘yo Danica.”

Humagulhol siya ng iyak.

“Tumahan ka na riyan at baka papangit yang anak mo at mag mukhang shokay.” Pabirong sabi ni Keery.

“Muntik ng mawala ang baby ko kanina.” Sumisinghot na sabi niya “hindi ko alam ang gagawin ko ‘pag nangyari yun. Baka ikamamatay ko pagnawala siya.”

“Hoy hilom diha!” wika ni Keery sa bisaya. (Hoy tumahimik ka jan!)

“Ha?” naguguluhan tanong niya dito.

“Huwag mo ng intindihin yun at si Sir Pierre na ang nag-asikaso ng lahat. Ang suwerte mo at siya pa ang sumaklolo sa ‘yo kanina. At ang suwerte rin ang demonyitang yun at ‘di siya pinakulong ni Sir sa pinaggagawa niya sa mga katulong nila. Kahit noon pa bruhita na talaga yan kaya walang nagtatagal na katulong.”

“Nasaan siya?” tanong niya sa Keery.

“Huli kong nakita nasa balcony at kausap ang Doktor na tumingin sa ‘yo.” Sagot ni Keery.

Umalis na siya sa pagkakahiga para puntahan si Pierre. Gusto niyang personal na magpasalamat dito.

“Hoy dai imong sabaw higupa sa ni!” sigaw ni Keery sa kaniya (Hoy inday ang sabaw mo inumin mo muna).

Hindi na niya pinansin si Keery at tuluyan ng lumabas ng kuwarto. Namangha siya sa laki ng condo ni Pierre. Ang condong tinitirhan ng amo niya ay hindi man lang nangangalahati sa laki nito. Hindi niya napigilan ang kaniyang sariling hindi mamangha sa ganda ng mga kagamitan. Natitiyak siyang mahal ang mga ito dahil sa telebisyon lang niya nakikita ang mga gamit na ito gaya ng persian rug, antique vase at wall frames.

Nakasalubong niya si Sandra na lumabas sa isang pintuan kaya naglakas loob siyang magtanong dito.

“Pumasok ka sa library kakahatid ko lang ng tea niya sa balcony.” Sabi nito.

“Salamat, Sands.”

Binuksan niya ang pintuan kung saan lumabas si Sandra. Pagpasok niya ay kaagad niyang isinara ang pinto sa kaniyang likuran. Nakita niya ang imahe ni Pierre na naka-upo sa isang upuan sa labas ng library.

‘Nakakamangha talaga tong bahay na ‘to.’  Wika ng kaniyang isipan.

Halos buong dingding ng library ay puno ng book shelves.

‘Mahilig siguro magbasa ng libro si Pierre.’ Naisaloob niya.

Huminga muna siya ng malalim bago niya inihakbang ang kaniyang mga paa palapit sa kinaroroonan ni Pierre. Hinawi niya ang mahaba at manipis na kurtina. Ibinaba kaagad ni Pierre ang iniimong tea pagkakita sa kaniya at tumayo para daluhan siya.

“Bakit ka umalis sa kuwarto mo? Kailangan mong magpahinga.” Sabi nito.

“Gusto sana kitang kausapin at pasalamatan na rin sa kabutihang ginawa mo.” Saad niya dito.

“Walang ano man yun. Nagkataon lang na nagroronda ng Abogado ko sa buong building kaya nakita ko ang kahayupan ng amo mo.” Hinawakan nito ang isa niyang braso at hinawi ang iilang hibla ng buhok na tumatabing sa kaniyang mukha. “you will never see them again.” Sabi nito.

“Mamimiss ko ang mga alaga ko.” Naiiyak na sabi niya “huwag kang mag-alala at aalis kaagad ako mamaya.”

“Nonesense Danica! Saan ka naman pupunta?” nakakunot noong tanong ni Pierre sa kaniya.

“Maghahanap na lang ako ng matitirhan habang naghihintay ako ng bagong employer.” Sagot niya.

“Huwag kang umalis. Buntis ka at kailangan mo ng mahabang pahinga. Sabi ng duktor na sumuri sa ‘yo ay may anemia ka raw kaya kailangan mong uminom ng vitamins at kumain ng masustansyang pagkain.”

“Hindi puwede. Kailangan kong magtrabaho para sa magiging anak ko.” Umiiyak na sabi niya. Nagiging sensitive na siya lately, siguro dahil sa pagbubuntis niya. At ‘di rin nakakatulong ang maalala kung paano niya bubuhaying ang magiging anak niya. Marami siya iniisip nitong nakaraang araw. At ang pinakahuling option niya ay ang ibigay ang bata kay Jake. Mas mabibigyan ng magandang kinabukasan ang magiging anak nila sa ama nito kesa sa kaniya. “hindi ko rin naman makakayang bilhin lahat ng nireseta ng doktor e kaya hindi puwedeng hindi ako makahanap kaagad ng employer. Kung babalik ako ng pinas, wala ring mangyayari sa buhay naming mag-ina. Mahirap lang kami. At imbes na ako ang tutulong sa paggaling ng tatay ko, baka ako pa at ang anak ko ang palalamunin niya.” paliwanag niya dito.

“I can hire you. Magtrabaho ka sa akin.” Pangungumbinsi ni Pierre sa kaniya.

“Naku huwag na nakakahiya. Kakakilala pa lang natin pero naging pabigat na ako sa ‘yo.”

“Hindi naman ako naniningil e.” ngumiti ni Pierre sa kaniya.

‘Gulay ang guwapo pala niya!’ sigaw ng kaniyang isipan. ‘hoy Danica ang panty mo baka nalaglag na naman.’ Kastigo niya sa kaniyang sarili.

“Ahh” natameme tuloy siya.

“Pleaseeee” hiling ni Pierre. Pinagdaop pa nito ang dalawang mga kamay at nag puppy eyes.

Tumawa siya.

“Nakakatawa ba yung mukha ko?” tanong ni Pierre.

Tumango siya. “Oo mukha kang natatae.”

“What!?” gulat na tanong nito pero nakatawa. “I thought I was being cute.”

“Kyut ka na natatae”

“You’re silly”

“Hindi ako sili!” kontra niya.

“You--- are silly!”

“Hindi nga ako sili e” ‘Anong tingin nito sa akin siling labuyo? Ogag pala to e’ reklamo ng kaniyang isipan.

“Fine. You’re funny.” Sabi ni Pierre.

Ngumiti nalang siya. Bumitiw siya sa pagkakahawak nito dahil nagsimula na siyang mailang. Hinila niya ang malapit na upuan para umupo. Ang akala niya ay hindi na siya susundan ni Pierre, pero nagkamali siya dahil inalalayan pa siya ng lalaki na maka-upo bago ito bumalik sa silya nito.

“Sisiguraduhin ko lang… hindi ka na aalis dba?” tanong ulit nito.

“Hindi na.”

“Mabuti naman.”

“Pero may kundisyon ako.” Sabi niya.

“Ano yun?”

“Hayaan mo akong magtrabaho sa gusto ko. Huwag mo akong binibeybe dahil buntis ako. Pagtatrabahuan ko ang kikitain ko. Nagkaintindihan ba tayo?”

Matagal muna silang nagkatitigan bago nagsalita si Pierre.

“Deal.”

{A/N: Hahatiin ko sa tatlo ang chapter na to sa kadalihanang mahaba pa ang settings nito bago mangyayari ang susunod na kabanata ^__^ Kaya please lang wala sanang magreklamo na nabitin kayo sa chapter na to para ‘di matagalan ang update. Salamat. Xoxo. MS SAPPHIR3}

Ang 'syota kong promdi COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon