Chapter 11 Part 2

4.5K 95 0
                                    

Ang ‘syota kong promdi

 by Ms Sapphire

Chapter 11 PART 2

            SABAY na sila ni Jake umalis ng buffet table para bumalik ng kanilang upuan ng mapadaan sila sa kinatatayuan ng Daddy ng lalaki at ng mga kaibigan nito. Nahihiyang nginitian niya ang isang may kabataang lalaki ng mapatingin ito sa kaniyang gawi. Sa tingin niya ay nasa thirties pa lang ang edad nito.

“Jake! Halika muna dito at ipapakilala kita sa mga kliyente natin.” Iniisa-isa ni Sir Jacob ang mga pangalan ng mga kasama nitong mga lalaki. Nagkamayan ang mga ito sa harapan niya.

“At ito naman si Danica, kasamahan ko sa bahay.” Pakilala sa kaniya ni Jake.

“Hi I’m Travis.” Pakilala ng lalaking nakatingin sa kaniya kanina.

{A/N: Si Travis ay nasa Goodbye Love-4. May Tirlogy sila nina Jonah at Lander sa pamagat na STEALTH men in uniform}

‘Huh? Akala ko gelprend na niya ako?’ wika ng kaniyang isipan. Nagulat siya sa sinabi ni Jake sa mga kaharap. Ngumiti nalang siya at nakipagkamay para maitago ang pagkabigla. Matapos ang kumustahan ay nagpaalam na silang dalawa para makakain na. Tahimik lang siya sa tabi ni Jake habang ito ay masayang nakikipagbiruan sa mga kaibigan.

Pakiramdam niya ay nawalan na siya ng gana kahit kanina pa siya gutom. Iniisip kasi niya kung bakit ikinaila siya ni Jake kanina sa harap ng Daddy at mga bisita nito. Bigla tuloy siyang na insecure sa kaniyang sarili at sa kaniyang suot. O baka naman hindi pa ito handang ipa-alam sa ama nito ang relasyon nila.

“O bakit ang tahi-tahimik mo dyan? Hindi mo rin ginagalaw yang pagkain mo. Mukhang murdered na yang embutido at spaghetti mo o.” Lingon sa kaniya ni Jake.

“Ha ah e wala ‘to may iniisip lang ako.” Nginitian niya ito kahit na hindi bukal sa kaniyang kalooban.

Ipinagpatuloy ni Jake ang pakikipag-usap sa katabing si Mark kaya’t naisipan niyang tumayo at magiisip sa isang tabi. Dinala siya ng kaniyang mga paa sa bakuran ng mga Santos kung nasaan may malaking swimming pool. Inalis niya ang suot na heels at umupo sa gilid ng pool, ang mga paa ay nakalublob sa tubig. Kahit konti ay naibsan ang lungkot na kaniyang nararamdaman dahil naaaliw siya sa paglalaro ng tubig.

“Penny for your thought?” tanong ng isang lalaking may malalim at malamig na boses.

Sa kaniyang paglingon ay nakita niya ang lalaking nakilala niya kanina. ‘Ano nga ang pangalan nito?’ tanong ng kaniyang isipan. Lumapit ang lalaki na may dalang mainom sa isa nitong kamay. Nakasuot ito ng amerikana na kulay krema at bughaw na neck tie at ang sapatos naman nito ang napakakintab na parang bagong bili.

“Puwede bang maupo sa tabi mo?” tanong nito sa kaniya.

Tumango lang siya tanda ng kaniyang pagsang-ayon. Hindi nito tinanggal ang mga sapatos kaya nahinuha niyang hindi siya nito gagayahin sa kaniyang ginagawa. Umupo ang lalaki, salungat sa kaniyang position pero magkaharap sila. Ngayon lang niya napansin na guwapo nga ang lalaking kanina lang niya nakilala.

“Why not join the party?” tanong nito sa kaniya sa wikang ingles.

“Huh?” tanong niya dito habang nakanganga ang bibig.

Tumawa ang lalaki “Sabi ko bakit hindi ka nakikisali sa kaganapan dito sa party?” Inilapag ng lalaki ang kopitang hawak sa pagitan nilang dalawa. Mabuti nalang at medyo malawak ang sementadong parte ng pool kaya’t hindi matutumba ang baso nito.

“Mamaya na siguro, nahihiya kasi ako sa suot ko e. Atsaka hindi ko masyadong kilala ang mga kaibigan ni Jake.”

“Bakit ka naman mahihiya?” ngumiti ang lalaki kaya lumabas ng dimples nito sa magkabilang pisngi. “Hindi kita ikinahihiya dahil lahat ng tao ay may pagkakaiba. Actually, I admire your guts because you are not ashamed to show off your style.”

Ang 'syota kong promdi COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon