Chapter 13

4.3K 81 4
                                    

Ang ‘syota kong promdi-13

By Ms Sapphire

{A/N: Habang naiisip ko ang kasunod sa storya nina Danica at Jake ay parang pinupunit na ang puso ko. Ang buhay nga naman ng tao kung minsan parang bola lang. Kung dati tinatapakan ka lang na parang basahan, pagkalipas ng ilang oras o panahon ikaw na ang nasa itaas at naka tunghay sa kanila. I thought of Danica working in one of many condominiums in Ontario,Canada. I was there for a short trip when my friend Irini celebrated her greek birthday. High end fashion stores were everywhere! Greek food Gyros (yee-ros) is to die for. And last but not the least…. Gelato (italian ice cream in Italy Town). I hope Danica is having a ball in Canada ^_^

Love You all! Mwah xoxo Ms Sapphire”

Ontario, Canada…

            ISANG chinese family ang kaniyang pinaglilingkuran. Ang kaniyang among babae ay namamasukan sa Burburry bilang supervisor habang ang kaniyang among lalaki naman ay namamasukan sa Hyatt hotel bilang bellboy. Nung araw na dumating siya sa Canada ay nalula siya sa dami ng buildings na halos pare-pareho ang istilo. Ang sabi sa kaniya ng kaniyang among lalaki ay mga condominuims raw lahat ng iyon. Naalala tuloy niya bigla si Jake matapos niyang marinig ang salitang “condominium”. May dalawang anak ang mag-asawa at ang pinakapanganay na anak ng mga ito ay limang taong gulang na si Rupert. At ang bunso naman ay halos dalawang taong gulang na si Bella.

Kasalukuyan siyang nagpapakain kay Bella sa kusina ng pumasok ang kaniyang among lalaki. Hindi niya ito pinansin dahil naka sentro ang kaniyang atensyon sa batang sinusubuan. Naka high chair pa kasi si Bella at kailangang bantayang kumain dahil sa kakulitan nito. Kung anu-anong bagay lang ang sinusubo nito sa bibig kaya binilinan siya ng kaniyang among babae na bantayang maigi ang bata.

“Danica! Danica” nagsisigaw ang kaniyang among babae.

Natatarantang napasugod siya sa silid tulugan ng mga ito. “Yes ma’am?” tanong niya dito.

“Look what you did to my white polo! You mixed it with the colored clothes, now it looks like pink! You know how much I bought this? Four hundred dollars! I will take this off to your pay check next week.”Iilang araw pa lang siyang naninilbihan dito kaya ngayon lang niya nakita ang amo niyang nagalit ng ganito katindi.

“I’m sorry po ma’am.” Naiiyak na humingi siya ng tawad dito.

“Ggrrrr” naiinis na wika nito. “Get your face out of here!” sigaw ng kaniyang kaharap.

Naluluhang bumalik siya sa kaniyang ginagawa. Nakita niyang kumakain na ng cereal ang among lalaki habang nagbabasa ng newspaper sa dining table. Maliit lang ang condo ng mag-asawa. May dalawa’t kalahating silid tulugan sariling laundry room at maliit na kitchen. Ang living room din ng mga ito ay tama rin lang ang laki. Siya ang natutulog sa maliit na kuwarto malapit sa kusina.

“Don’t mind my wife.” Wika ng kaniyang among lalaki. Hindi nito inalis ang tingin sa binabasang newspaper.

Tumango lang siya kahit na hindi siya nito nakikita. Pinahid niya ang kaniyang luha at nagpatuloy sa pagpapakain kay Bella. Kahit ilang araw pa lang siyang naninilbihan sa kaniyang mga amo ay nakikita na niya ang masamang ugali ng kaniyang among babae. Kaya naman niya balewalain ang galit nito dahil kasama iyang sa dapat niyang ipagtitiis. Ginusto niya ang trabahong ito kaya kailangan niyang panindigan iyon.

         BANDANG tanghali ng maisipan niyang lumabas kasama si Bella papuntang park. Nasa school pa si Rupert kaya may isang oras pa siyang puwedeng gugulin sa pamamasyal sa kay Belle. Nasa likuran lang ng building nila ang park kaya hindi siya mawawala sa pamamasyal. Tulak-tulak ang stroller ng bata ng may nakasama siya papasok ng elevator papuntang ground floor. Nginitian siya ng isang guwapong lalaki na parang italyano ang itsura. Ang mukha nito ay parang si Antonio Banderas kaya lang ay kulot ang may kahabaan nitong buhok. Gumanti siya ng isang tipid na ngiti at pumuwesto sa kabilang gilid ng elevator. Bago sila huminto sa ground floor ay bumaba na ang lalaki sa second floor ng building. Pinaktitigan niyang mabuti ang sideview ng lalaki. Para kaseng nakita na niya ito dati, kaya lang ay hindi niya maalala kung kelan at saan.

Ang 'syota kong promdi COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon