Chapter 28

4.1K 77 0
                                    

Ang syota kong promdi

By Ms Sapphire

CHAPTER 28

          NAKITA niya ang pagsimangot ni Danica dahil sa ginawa niya. Alam naman niya na nagseselos ito, ganoon na niya ito kakilala. Hindi kasi ito tipo na kayang itago ang nararamdaman. Sa madaling salita, transparent ang ugali ng babae kaya alam niya kung may problema ito o wala. Hindi rin ito magaling magtago ng problema dahil makikita ang kalungkutan sa mga mata nito.

“Halika nga dito yayakapin nalang kit” hinila niya si Danica palapit sa dibdib niya at mahigpit niya itong yinakap.

Hindi naman ito nagpupumiglas sa kaniyang ginawa. Hinayaan lang siya nitong iparamdam niya na maayos lang ang lahat. Ito ang ina ng mga anak niya, ang babaeng una niyang inibig na tunay. Noon, nalilito pa siya sa kaniyang nararamdaman dahil lumaki siyang hindi alam ang pagkakaiba ng pagmamahal at pag-aaruga. Ang akala niya porke’t may nag-aasikaso sa kaniya ay trabahao lang iyon walang kalakip na pagmamahal. Kung hindi pa pinaliwanag ni Sanjo sa kaniya ang kaibahan ng LOVE at CARE ay hinding-hindi pa niya malalaman na noon pa niya mahal si Danica. Ilang taon din siyang nagtiis sa pangungulila dito. Kinakastigo nga niya lagi ang sarili niya dahil sa kaniyang mga kamalian. Ni hindi man lang niya maitama ang lahat ng mali niya dahil kahit na anong paghahanap ang ginagawa niya dito ay bumabalik na negatibo ang ginagawang pagiimbestiga ng mga kinukuha niya.

Ngayon, ngayon na ang tamang panahon na punan niya ang kaniyang pagkukulang noon at itama nag mga maling nagawa niya sa babae. Ayaw na niyang bumalik sa pangungulila dito. Mas gusto niyang nandito lang sa tabi niya ang babae, kayakap, kausap at kakulitan. Gusto niyang nakikita itong nakangiti at masaya dahil tuwing nasasaktan ito, ay para na rin siyang sinaksak ng isang libong kutsilyo. Ganoon pala talaga pag tunay mong mahala ng isang tao, mas nararamdaman mo ang sakit ng pagdadalamhati nila.

“Jake, sweetie I’ll be back tomorrow. Tumawag kasi si Brandon e kailangan na akong umuwi.” Narinig niya sigaw ni Brylle sa labas ng pintuan.

Inilayo niya ang kaniyang sarili kay Danica at pinakatitigan ito ng maigi. Nakita niya ang pagkasimangot nito dahil siguro sa pagtawag ni Brylle sa kaniya na ‘sweetie’.

“Are you okay now?” tanong niya dito.

Marahang tumango si Danica.

“Puwede ko na bang makita ang mga bata?” tanong niya dito.

Tumango ulit si Danica.

           HABANG daan ay tahimik lang si Danica sa tabi ni Jake. Pasipol-sipol naman ang lalaki habang nagmamaneho at halatang masaya kabaliktaran ng nararamdaman niya. Marami siyang katanungan sa kaniyang isipan.

Una: Ano ang relasyon nina Brylle at Jake?

Pangalawa: Natuloy kaya ang kasal ng mga ito?

Pangatlo: Sino si Brandon? Anak nila?

Pang-apat: Kung may anak silang dalawa, bakit sumama pa si Jake sa kaniya ngayong gabi?

         Patuloy pa rin ang pagkunot ng kaniyang noo kaya ibinaling nalang niya ang kaniyang atensyon sa labas ng bintana. Ang gulo ng buhay niya, parang isang teleserye lang sa tv. Siya ang bida at si Brylle ang kontrabida. Pero, paano kung siya na pala ang kontrabida sa relasyon nito kay Jake?

Nakakalito.

Mahal niya si Pierre, pero bakit nahihirapan siyang kalimutan si Jake? Hindi kaya…. Hindi talaga nawala ang pagmamahal niya dito? O baka naman hindi talaga niya tunay na mahal si Pierre?

Nakaka-iyak.

Hindi kaya naaawa lang siya kay Pierre kaya siya nagpakasal dito? O baka naman hinayaan lang niyang punan ni Pierre noon ang pangungulila niya kay Jake?

Ang 'syota kong promdi COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon