Chapter 4

6.3K 117 0
                                    

                 Tinawag siya ni Darla para sabihing nais siyang kausapin ni Sir Arman sa Opisina nito. Kumatok muna siya bago pumasok. Maganda ang araw niya ngayon dahil sumuweldo sila kahapon. Ito ang unang sahod niya. Kaya mas ginanahan siyang magtrabahong maigi. Naka bili na rin siya ng cell phone kahapon kasama si Didi. Nagpaturo siya sa saleslady kung paano gamitin ito dahil atat na siyang makausap ang kaniyang tatay. Nag-alala na pala ito sa kaniyang kalagayan dahil matagal silang hindi nagkaka-usap dalawa. Ang sabi pa ni Lemuel ay magtatampo na raw sana ang kaniyang tatay kung hindi pa siya tumawag. Nakahanap na rin ang kaibigan niya ng ibang trabaho sa isang construction site sa lugar nila.

Nakita niyang may kausap sa telepono si Sir Arman. Tinuro nito ang isang bakanteng upuan sa harap ng desk nito. Hinarap siya nito matapos maibaba ang telepono.

“Kumusta kana hija?” tanong agad nito sa kaniya.

“’Eto masaya dahil nakasuweldo na rin ako kahapon. Nakabili na nga po ako ng cell phone eh.” Pagmamayabang niya dito.

“Narinig ko nga! Maganda iyan dahil may ibang trabaho ako para sa iyo. Mas malaki ang magiging sahod mo dito kaya lang dapat ay stay-in ka.” Lumapit ito sa isang file cabinet para kumuha ng forms.

Parang nagliwanag ang kaniyang daigdig sa pagkarinig niya na malaki ang sahod na makukuha niya sa bagong trabaho. “Wala hong promblema sa stay in Sir. Desperada na talaga akong magkapera para matulungan ko ang tatay ko sa pampagamot niya. Ano ho bang klaseng trabaho iyan Sir?”

“Sa bahay ka magtatrabaho. Maglilinis, mamalengke… teka marunong ka bang magluto? Kasi kailangan mo ring matutong magluto. Tuturuan ka ng may-ari kung paano gamitin ang mga kagamitan sa bahay gaya ng washing machine, stove at oven pati na rin vacuum at iba pa.” wala siyang alam sa mga teknolohiyang ganiyan pero madali lang siyang matuto.

“Wla pong ganiyan sa amin Sir.” Napakamot siya ng ulo. “Pero pag-aaralan ko po yan ng mabuti. Madali lang naman po akong matuto eh.” Pagmamalaki niya dito.

“O siya sige maghanda-handa ka na dahil lilipat na sa bagong tirahan ang magiging amo mo at kailangan ka kaagad doon. Puwede ka ng maka-alis.” Nagpaalam na siya dito.

                  NASA opisina siya ng kaniyang Daddy para ibalitang nabili na nito ang Condominuim na pinabibili niya dito. Masaya siya sa balita except sa isang kundisyon nito…

“What! Dad, I don’t need a helper. I can manage everything. Marunong naman akong magluto eh.” Sa sinabi niya ay napataas ang isang kilay ng kaniyang ama. He was just bluffing dahil alam nila pareho na hanggang pritong itlog lang ang kaya niyang lutuin.

“No son I made up my mind. Now, if you still want the place… you have to agree to my condition or else I can have it rented if you turn my offer down.” Nagtitigan silang dalawa bago siya bumawi ng tingin. Nasa dugo na nila ang matigas ang bumbunan. Kaya wala na siyang choice kung hindi pumayag sa gusto nito.

“Fine. I will accept your terms. Bakit ba naman kasi stay-in pa ang kukunin ninyo?” naiiritang tanong niya dito.

“Para may nag-aasikaso sa iyo before and after school. Hindi ka pa naman marunong maglaba. You grow up with a yaya…JM, you’re my only son, so I have to take good care of you. I’m doing my best here and I hope you will help me.” Kapag ganito na ang boses ng Ama ay wala na siyang magagawa.

“Yes Dad. I don’t have any choice.” Tumayo na siya para umalis.

“O Ano raw brad?” tanong sa kaniya ni Mark pagkalabas niya ng opisina.

“Nabili na niya ang condo.” Matamlay na sabi niya dito.

“O eh ba’t malungkot ka? Hindi ka ba masaya at nabili na ng erpat mo yung condo’ng gusto mo?” pag-uusisa nito sa kaniya.

Ang 'syota kong promdi COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon