Chapter 29

4.4K 78 4
                                    

WARNING: Readers discretion is adviced. ^___^v

Ang syota kong promdi

Ms Sapphire

CHAPTER 29

              Nang gabing iyon ay inimbitahan siya ng ama ni Jake sa bahay nito para sa konting salo-salo. Bumili siya ng cake sa isang kilalang bakeshop pagkatapos ng kaniyang trabaho. Dalawang araw nalang at magbubukas na ang clinic niya. Naayos na lahat ng kakailanganin nila at naipalabas na rin ang commercial nila sa iba’t-ibat tv stations. Umimbis na siya ng sasakiyan matapos maiparada ng driver niya ito. Nakita agad siya ni Miguel at Daphne na nakikipaglaro kay Jake sa swing na nasa kaliwang bahagi ng bahay.

Nagsisigaw sa tuwa ang mga ito nang makita siya. Yinakap niya ng mahigpit ang kambal at pinupog niya ng halik ang mga mukha ng mga ito.

“Naku ang basa-basa na ng likod ninyo” sabi niya nang maramdaman niya ang basang damit ng kambal “you guys need to take a shower quick before dinner.” Utos niya sa mga ito.

“Mommy can you give me a bath?” paglalambing ni Daphne. Pumulupot naman ang mga bisig nito sa leeg niya para magpakarga sa kaniya.

“Okay.” Sagot niya dito.

Dahil sa bigat ni Daphne at kinailangan pa niyang higpitan ang pagkahawak dito. “Baby, you’re getting heavy na, can I put you down?”

Umiling ito.

“Daphne, you’re hurting mommy’s arms.” Wika ni Jake na papalapit sa kanila. “Hi” bati niya sa kaniya sabay kuha kay Daphne.

“Mommy,” paglalambing naman ni Miguel sa kaniya. Itinaas nito ang dalawang kamay para magpabuhat rin sa kaniya.

“Miguel, you’re heavier than your sister.” Sabi niya dito.

Lumukot ang mukha nito at nagpapadyak.

Nahahati ang puso niya. Gusto niyang pagbigyan ang hiling ni Miguel, pero baka mamihasa ito sa gagawin niya. Sa kabilang banda naman, eh na miss rin niya ito ng sobra, buong araw niyang iniisip ang kambal sa pamamahala ni Jake. Kaya halos buong araw din siyang hindi nakapagtrabaho ng maayos. Mabuti nalang at magagaling ang kinuhang empleyado ni Pierre para umalalay sa kaniya sa pagbubukas ng kaniyang Clinic.

“Okay,” nagtalungko siya sa harap ni Miguel para matitigan niya ito ng maayos “I will carry you tonight but next time you have to be a big boy, okay? Don’t ask mommy to carry you anymore, or yaya or Tito Jake, understood?”

Tumango ang bata.

Tumayo siya ulit at hinawakan ang magkabilang kili-kili ni Miguel. “Ay jusko! Ang bigat ng batang ‘to!” reklamo niya.

Pumalakpak si Daphne matapos niyang mabuhat si Miguel. Sabay na silang apat pumasok sa bahay papunta sa guest room ng mga bata. Tinulungan siya ni Jake sa pag-aasikaso sa kambal. Inalis muna niya ang suot na blazer para hindi ito mabasa sa pagpapaligo sa mga bata. Mabuti nalang at mini skirt ang napili niyang suotin ng araw na iyon.

“Stop splashing, Miguel” suway niya sa kambal nang matalsikan ng bula ang mukha ni Jake.

Napatawa tuloy siya sa itsura ng lalaki dahil para itong Santa Claus dahil sa kulay puting balbas. Gagaya na sana si Daphne sa ginawa ng kuya nito nang suwayin niya ito. Makukulit ang mga anak niya, pero hindi naman ito sumusuway kapag pinapagalitan. Nagsisimula na rin ang mga itong matutong magdabog kaya kinailangan niyang ipaintindi sa mga ito na masama ang magdabog. Habang lumalaki ang kambal ay napagtanto niyang mahirap dumisiplina ng mga anak lalo na at dalawa agad ang ibinigay sa kaniya ng Diyos.

Matapos nilang bihisan ang kambal ay bumaba na sila para sa hapunan. Sinalubong siya ng ama ni Jake na si Mr. Jacob Santos. Kahit na mkikita ang edad ng lalaki ay matikas pa rin ito.

Ang 'syota kong promdi COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon