6. Plan

3.2K 80 1
                                    

Hindi akalain ni Yassie na sa pagsang-ayon niya sa kasal ay magiging bisita niya ng Biyernes ng hapon ang mga magulang ng binata.

Nabigla man ay nakiayon na siya sa daloy ng pag-uusap ng mga ito ukol sa kasal. They're definitely so excited. Ramdam niya iyon.

Ngunit ng nagplano ng isang magarbong kasalan ang mag-asawang Co ay umapela siya.

She wanted everything to be private. Hangga't maaari nga ay gusto niyang silang dalawa lang ng boss niya ang makakaalam. At magpirmahan na lang ng mga papeles para sa kasal na tila isang normal na business contract lang iyon.

Sumang-ayon naman ang mga ito sa huli. At hindi na siya pinilit.

Ngayon nga ay dalawang linggo na lamang bago sila ikasal ng binata. He'll be out of the country for two weeks at uuwi na lang ito isang araw bago ang kanilang kasal. Ang ama nga dapat nito ang pupunta ng Amerika ngunit nataon pang hindi maganda ang pakiramdam ng matandang Co.

A night before he fly abroad ay kasama niya muli ang binata sa bahay niya. Tulad ng kanyang hiling ay isang private wedding ang mangyayari. Sinabi na lamang niya sa mga magulang ng binata na hindi pa siya handang makilala ng mga tao bilang asawa ng huli. She wanted to keep her profile low and support him as his secretary na sinang-ayunan naman ng mga ito.

They're now at her living room with their coffee talking about their setup after their wedding.

"Parang nalulungkot akong iwan tong bahay ko.", malungkot niyang turan habang inililibot ang tingin sa loob ng ianyang kabahayan.

"Hindi mo naman to iiwan ng matagal.", sabi ng binata na nagdala ng munting kirot sa kanyang puso. Dahil ba saglit lang naman sila magsasama? "Mas convenient kasi satin kung sa condo tayo titira. Mas malapit sa office. But don't worry, pwede tayong umuwi dito paminsan minsan", dugtong pa ng binata na tila kumiliti sa kanya. Tayo?

Her fiance. Akalain mong sa loob ng ilang linggo ay ikakasal na siya dito. Panandalian man ay lulubusin na lamang niya ang mga oras na makakasama niya ito.

"Some women wanted an extravagant wedding. Why?".

She bit her lower lip and smiled. "Para lang yun sa mga nagmamahalan. Kung ikakasal ako tulad ng sa pangarap ko, syempre dun na sa lalaking mamahalin ko habang buhay.", she smiled. "Sana walang makaalam ng kasal natin. Mas okay na din yun para konti lang silang papaliwanagan ko kung bakit tayo maghihiwalay after a year.". she giggled. But seeing his serious face, she knew she was in trouble.

"Hindi pa nga tayo kinakasal. Hiwalay agad yang sinasabi mo.".

Napalingon siya dahil sa madiin na tono ng lalaki at doon nakita ang tila mas dumilim nitong anyo. Her heartbeats raised at tila nahahapo siyang napasinghap dahil sa tensyong biglang pumagitan sa kanilang dalawa.

Huminga ng malalim ang binata upang ikalma ang sarili.

"Can we not talk about annulment or divorce whenever we talk about our marriage?", tila dismayado nitong turan. "Walang naghihiwalay sa pamilya namin and my parents will be hurt by hearing that from you. This is not a game, Yassie. I will marry you sa ngalan ng totoong ibig sabihin niyon. We'll be husband and wife. We'll be family.".

"But.. we already talked about this right?", she asked confusedly.

He sighed. "Being married in whatever reason is definitely not a joke. When I agreed to marry you, I don't have any thoughts of breaking up. ", inubos nito ang laman ng mug at tumingin muli sa kanya. "Two weeks. You have two weeks to carefully think about this, Yassie. I don't need a contractual as a wife. I can live without my parents money, if that is your only concern. If you appear in our wedding, then you'll agree to be my wife.".

She gulped.

"But what if we're not compatible?".

Huminga muli ito ng malalim na tila nagtitimpi. "Then that would be our cue to separate.", kunot noo nitong sabi bago ito tumayo at nagpaalam.

Ni hindi man lamang ito lumingon o tignan siya.

Why? Why is he so pissed gayong malinaw naman na magpapakasal sila para hindi kung kanino lamang mapunta ang negosyong pinaghirapan ng mga magulang nito?

His action is a mystery na nagpasakit ng kanyang ulo. Bakit ito ang nangangailangan pero parang siya pa ang mas nahihirapan?

Ginagawan ba talaga niya ito ng pabor? Bakit parang mas naiipit siya ngayon sa sitwasyon?

She took her phone out from her pocket and called her cousin.

"Megan.".

["Yes, dear.".]

"Let's get a drink.".

["Woah. First time yan ah.", hagikhik ng pinsan." "Game. Same place?"].

"Yes. Same place.".

🌻🌻🌻

"Gaga. Ibig sabihin nun, gusto ka niyang maging asawa talaga at ayaw ka niyang hiwalayan pagkasal na kayo.", kinikilig na niyuyugyog pa siya ng pinsan hawak ang kanyang balikat matapos ikuwento dito ang sinabi ng kanyang boss.

"Pero, di naman niya ko mahal eh... Ouch.", angal niya ng dinutdot nito ang kanyang sentido.

"Alam mo, ang tali-talino mo, hindi mo man lang mapagtagpi-tagpi yung mga clues ng boss mo.

"What clue?".

Megan rolled her eyes and shooked her head. "Hay, dearest cousin. Basta malalaman mo din yun. I don't want to spoil the fun.".

Naging sunud sunod ang pag order nila ng tequila, medyo tumigil na sila ng medyo nahihilo na siya.

But they didn't stop there

They dance and had fun. Ngunit ng may mga pagkakataong may dumidikit sa kanya, ay agad siyang lumalayo. God, is she reserving herself? Hindi naman sila mag boyfriend ng boss, bakit naman siya makukunsyensyang may dumidikit sa kanya?

Isa pa ay hindi naman sila kasal. Iyon pa ang ikinapuputok niya. Bakit ba siya nag offer ng kasal kung hindi naman pala nito kailangan ng tulong niya.

He can live without her parents company? Money? Okay, eh di huwag.

Ng mapagod ay umupo silang muli.

Megan snatched her phone and smirked.

"Do you want more fun?".

She raised an eyebrow. Ano na naman kayang kalokohan ang nasa isip nito?

She saw Megan dialed a number. She looked at her and grinned wider.

"Hello, Sean.. Yes.. this is not Yassie. This is Megan.", she mouthed wow without any sounds. She was really curious to know who she was talking to."We're at StarGaze.", Megan looked her way, wiggled her eyebrows and looked entertained. "Oh, Yassie? She's here, not feeling well though. I'm sorry, I thought I called Sean. I mistakenly dialed Sir Jerome, instead.", she giggled. "What?.. Okay..".

"He wants to talk to you.". Abot ng pinsan sa kanya ng kanyang cellphone. Tinitigan lang niya iyon na tila natatakot na hawakan ito. But Megan forcefully gave it to her.

She sighed.

"Hello?".

["Yassie.".]

Her heart beats accelerate hearing his masculine voice from the other line.

"Sir?".

She heard him sighed. There was a few minutes of silence before he heard him again.

["Stay where you are. I'll pick you up.".].

Her boss ended the call as she frown.

Then her eyes widely opened upon realizing the words he said. He'll pick her up? No way.

His Secretary (Completed)Where stories live. Discover now