15

2.9K 69 3
                                    

"What is that?".

Muntik nang mabitawan ni Yassie ang kanyang cellphone dahil sa pagkagulat ng marinig ang boses ng asawa. Kasalukuyan niyang kinukuhanan ng litrato ang mga hinandang pagkain at hindi man lang niya naramdaman ang palapit na presensiya nito.

It was Sunday morning. At dahil wala naman siyang gagawin sa maghapon at maaga siyang nagising ay siya na ang nagpresinta na maghanda ng pagkain na madalas ay ginagawa ng isa sa mga cook ng asawa.

"Breakfast for us and for my IG.", she bit her lower lip and looked at him. Her heart thumped harder the moment she laid her eyes on her husband.

He's wearing a white sando and a cream khaki short. He looked younger than his actual age plus his bed hair. They had the same outfit. She's wearing a white blouse and a cream short. May suot din siyang puting headband sa nakalugay niyang buhok.

Lumapit ito at dinungaw ang mga pagkain.

"Look good.", he smiled and took his chair.

She prepared her usual low carb meals. Bukod sa healthy ay appealing din ang presentation niya.

"Thanks.", she smiled and took his picture.

"IG?".

Nabitin sa ere ang pagkuha niya ng litrato ng marinig ang tanong ng lalaki.

She smiled. "Instagram.".

Tumango ito at nagsimulang kumain. "Not a fan. But can you show me your page?".

"Sure.".

Mabilis niyang binuksan ang app sa kanyang cellphone at ibinigay dito.

Ng hawak na iyon ng lalaki ay nanlalaki ang kanyang mga mata ng maalala ang ilan sa mga posts niya.

"You're amazing.", he commented but then he stopped and sweetly smiled.

Na tense siya at napangiwi sa nakikitang reaksyon sa mukha nito.

Mula sa malambot na anyo ay tumigas ang ekspresyon nito ng mag ring ang kanyang cellphone.

"Here. Someone's calling.".

She ignored his tone and took her phone.

It was Carlos. Base sa itsura ng asawa ay hindi nito nagustuhan na may tumatawag sa kanyang lalaki, kahit na nga ba hindi nila mahal ang isa't isa ay karapatan nitong magkaroon ng peace of mind na wala siyang ibang lalake.

"Sorry, can I answer it here?".

Tumango naman ito at ipinagpatuloy ang pagkain.

She put the call on speaker para marinig din nito ang pag-uusapan nila ng tumatawag.

["Maaaaam, buti sumagot ka."] napatingin si Yassie sa asawa ng tila nabulunan ito ng narinig ang matinis na boses ng assistant ni Maegan sa kabilang linya.

Carlos is a gay, ito ang kanang kamay ng pinsan dahil sadyang magaling ito sa pakikipagtransaksyon sa kanilang mga kliyente.

She and Maegan have 50/50 share in their small business but she chose to be a silent partner dahil hindi niya forte ang magpatakbo ng negosyo.

"Yes, Carlos?".

["Madaammm!"] tila nandidiring reaksyon ng nasa kabilang linya. [ It's Carlotta, Carlotta.] madiing ulit nito na tinawanan niya.

"Yes, Carlotta. Bakit ka napatawag?".

["Yes, madam. Kailangan ko kasi ng signature. Alam mo na si madam Maegan, ang shogal bumalik, nasa Palawan pa. Tinawagan niya ko na ikaw na lang ang pumirma para sa shipment. San kita pwedeng puntahan?".]

"Badly needed na ba?".

["Yes, madam.].

"Alright. Punta ko diyan after ko mag breakfast.".

["Thank you, madam. Hulog ka ng langit."]

She looked at him when the call was ended.

"Uhm, kailangan kong pumunta sa Alabang.".

"Sure. I'll go with you.".

Dahil hindi siya nananalo sa tuwing tumatanggi siya ay ngumiti na lamang siya at tumango.

"Okay.".

❤️❤️❤️

Bahagya niyang naikwento sa lalaki ang maliit nilang negosyo ng pinsan. He was so amazed na may ganoon din pala siyang pinagkakaabalahan.

Dahil wala naman sila sa opisina ng lalaki ay ipinakilala niya ito bilang asawa sa mga staff niya.

Saglit niya itong iniwan upang basahin ang mga documents at pirmahan. Ng bumalik siya ay nakitang isang ginang ang kausap ng asawa.

Nakita niya si Carlos kasama ang kanyang cashier na si Mariel na nanonood sa mga ito.

"Madam, fafabol na ang asawa mo, magaling pang magbenta. Aba, mukhang bibilhin na ng customer lahat ng items natin.", ani Carlos na halos maglaway na sa lalaki na ikinatawa niya.

Napangiti siya at tumingin sa lalaki. Mukhang totoo nga ang sinasabi nito dahil ang dami ng bitbit ng customer nila. Ng mapalingon sa gawi niya ang asawa ay magalang itong nagexcuse sa ginang.

"Are you done?".

Tumango siya dito.

Ilang sandali pa ay nagpaalam na sila sa mga staff at umalis sa botique.

"Pwede mo ba kong samahan, I just need to buy some personal things?".

Tumango ang lalaki at nagpatangay na sa kanya.

Ng kumuha siya ng maliit na basket upang ilagay ang kanyang bibilhin ay na touch pa siya ng kinuha iyon ng lalaki.

Sinusundan siya nito saan man siya magpunta, she never heard him complaint kahit na nga ba medyo matagal siyang pumili ng mga bibilhin.

She's currently buying her body wash, scrub, soap, shampoo, hair treatment, lotion and other things na hindi niya nadala. Anything with Aloe Vera is her favorite, kaya tinitignan niya ang bawat content niyon.

"So, this is why your skin is so soft.", he commented while looking at the basket.

She smiled.

Ng babayaran na niya ito ay inunahan siya ng asawa. He paid it all at wala siyang nagawa.

Kaya naman nakasimangot siya habang kasabay niya itong naglalakad sa mall.

"Hey, are you mad?".

She looked at him then sighed. Nakita niya kasi ang pag-aalala sa mukha nito at bigla na lang natunaw ang inis niya.

"Hindi na.", she honestly said. "But please, let me pay lalo na sa mga pansarili kong gamit. Alright?".

"No.", he said but smiling.

"Gabriel!".

Tumawa ang lalaki dahil sa reaksyon niya. Umiling iling na lang siya at tumingin sa mga stalls.

Mas binilisan pa niya ang paglalakad ng matigilan siya ng hawakan ng lalaki ang kanyang kamay.

"Slowdown. Hindi naman tayo nagmamadali.".

Her heart jumped while feeling his heat flowing from his hand.

"Huwag ka ng magtampo. We are married now. I am your husband. Hindi mo maaalis sakin na bayaran ang mga pangangailangan mo kahit personal pa yon. Aanhin ko ang mga pera ko? Let's enjoy the luxury that my money can give. Isa pa, hindi natin mauubos ang meron ako kahit maging maluho ka pa.".

She looked at him, hindi naman ito mukhang nagbibiro.

Nagbuntong-hininga siyang sumusuko.

"Fine. Pero hayaan mong i treat kita minsan, alright?".

"Fine with me.".

She widely smiled.

"How about I treat you a movie?".







His Secretary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon