25

3.1K 63 4
                                    

"Good morning.", napangiti si Yassie ng maramdaman ang pagyakap ni Gabriel mula sa kanyang likuran. It was their first morning in their new house together. Masarap ang kanyang tulog kaya naman maaga siyang nagising para maghanda ng kanilang  umagahan. Infairness naman kay nay Angie ay kumpleto ang mga kakailanganin nila para sa pagluluto. She instructed her on what to and not what to cook for them. Dahil sa pagkahumaling niya sa low carbs foods ay ganun na din ang madalas kainin ng asawa.

"Good morning.", she answered and turned to him for their good morning kiss.

Nagsalok ito ng sariling kape at umupo sa stool na katapat niya.

"Baby, mom's inviting us for dinner.".

She looked up to him and nodded. "Sige, namimiss ko na din sila.", she smiled. May halos isang buwan na mula ng huli niyang makita ang mga magulang ni Gabriel. They were busy visiting every country around the globe na madalas gawin ng dalawa mula ng akuin ni Jerome ang pamamahala sa kanilang kumpanya.

Isang simpleng bestida ang kanyang suot kinagabihan sa pagpunta nila sa bahay ng mga magulang ng asawa. Medyo maaga nga sila dumating dahil may kailangang idiscuss ang papa ni Gabriel sa anak bago maghapunan.

Tinulungan na lang niya ang mama ng asawa at ilang katiwala sa pagluluto. Ng nag-aayos na lang ng mga pagkain sa lamesa ay inutusan ni Mrs Cynthia Co ang isang katiwala na tawagin ang mag-ama na noon ay nasa library.

"Ako na po tatawag kina Gabriel at papa sa library, mama.", she volunteered na agad namang sinang-ayunan ng ginang. She excitedly looked for them but then she was stunned when she heard them uttered an unexpected name from her nightmares.

"Hanggang kailan mo ililihim kay Yassie ang tungkol kay Lanie?".

Lanie? natigilan siya sa narinig. iisang Lanie lang ang kilala niya.

"Soon, dad.".

"Son, malalaman at malalaman niya to. Are you afraid that she'll hate us kapag nalaman niya kung sino si Lanie sa buhay natin?".

She heard Gabriel's dad said in a high and angry tone.

Agad sumibol ang kaba sa kanyang puso sa pagkakarinig pa lang ng pangalan na binanggit ng matandang Co. Hinding hindi niya makakalimutan ang pait na dulot ng pangalan na iyon sa kanyang buhay. But what are they talking about?

"HIndi mo ba alam na mas magagalit siya oras na malaman niyang matagal mo na siyang niloloko?".

"I don't want her to hate us. I love her, dad. ", narinig niyang sabi ng kanyang asawa.

"Then tell her, it is her right to know the truth. Mahal namin ng mama mo ang asawa mo. Hindi na siya iba satin, I just can't believe that you hide this from us? Kami na mga magulang mo? At sa asawa mo?".

Naguguluhan siyang napaatras mula sa pinto. Tila hindi niya kinakaya ang mga naririnig. Anong sinasabi ni Mr. Co tungkol kay Lanie? Lanie was the mistress that she can't forget... ang babaeng dahilan kung bakit nasira ang pamilya niya at nawala ang mga magulang niya.

"I know I am stupid dad. I saw how broken she was when her parents died. I was there... I took care of her for a week before her relatives came from abroad.  She can't even remember me dahil sa impact sa kanya mentally ng nangyari, lagi siyang tulala, umiiyak, sumisigaw. She hated ate Lanie at sinisisi sa pagkamatay ng mga magulang niya. Hindi ko kayang mangyari muli sa kanya ang mga iyon. Please give me time, dad.".

Naguguluhang napaatras muli si Yassie mula sa nakabukas na pinto ng library. Tila lumobo din ang kanyang ulo sa biglang sakit niyon. Nananaginip lang ba siya? Hindi kayang tanggapin ng kanyang isip at puso ang mga naririnig, ate? he called the girl she hate the most ate? Kapatid ba nito ang babaeng kinamumuhian niya?

Ng sa muling pag atras ni Yassie ay nagulat pa siya ng maramdaman ang dalawang palad na humawak sa kanyang braso. There she saw Mrs Cynthia Co with her worried eyes. Agad niyang binawi ang braso mula sa hawak nito. Mula sa babaeng ito ang pumatay sa magulang niya? Why? Hindi na niya napigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha at patakbong umalis doon. Narinig niya ang pagtawag ng ginang sa pangalan niya ngunit hindi siya tumigil. Buti na lamang at nasa kanya ang susi ng kotse ng asawa. Kahit hilam sa luha ay pinilit niyang patakbuhin ang sasakyan at umalis sa lugar na iyon.

Umuwi siya sa kanilang bahay at may pagmamadaling kinuha ang backpack kung nasaan ang kaniyang mga importanteng kagamitan. Agad niyang isiniksik ang ilang damit doon. Ng isinasara na niya ang bag ay malakas na bumukas ang pinto ng kanilang kwarto. There she saw her husband with fear mirrored on his face.

Mabilis siya nitong nilapitan at mahigpit na niyakap na lalo niyang ikinaiyak.

"Don't leave me, please.", he begged. Nakita din niya ang pagtulo ng mga luha mula sa mga mata ng asawa. But that did not stop her. She angrily wiped her tears, turned around and looked at him in the eyes. 

"Now, tell me? Sino si Lanie sa buhay ninyo?", tila sasabog na ang kanyang puso sa sakit niyon. Bakit? Maraming bakit ang gusto niyang masagot.

"She's my sister.".

"Why?". she cried, hindi niya napigilan ang patuloy na pagtulo ng mga luha mula sa kanyang mga mata dahil sa sakit na bigla niyang naramdaman. All this time, ang lalaking pinag-alayan niya ng puso at sarili, kapatid pala ng taong pinakamumuhian niya? "Since.. Since when did you know about this? When?", halos pasigaw niyang tanong. Hindi niya pinansin ang nakikitang sakit sa mga mata ng asawa. She chose to ignore it to save her from hating herself more. Paanong naging napakatanga niya? Paanong minahal niya ang mga taong may kaugnayan sa pumatay sa mga magulang niya? Ang taong nag-alis ng kaligayahan niya?

"When Lanie went to your house, sinundan ko siya noon para pigilan, but I was too late, nakapanggulo na siya. That was when I first saw you, crying and running away from your parents house. HIndi ko alam kung natatandaan mo pa ko, but I accompanied you until sunrise.".

Napapikit si Yassie dahil sa mga ala alang tila daloy ng tubig kung bumalik  sa kanyang isip. Mga ala-alang pilit niyang kinalimutan  ng mawala ang kanyang mga magulang.

She remember him now. Ang lalaking walang mukha na tumulong sa kanya noon. Ang lalaking laman ng di iilang panaginip na yumakap sa kanya ng mga panahong lugmok siya sa lungkot.

Kaya pala napakafamiliar nito sa kanya.

"Why? why did you hide this from me?", patuloy pa rin ang pagdaloy ng mga luha mula sa kanyang mga mata.

Ng hindi ito nagsalita ay marahas niyang tinabig ang mga braso nitong nakayakap sa kanya. She took her bag and walked towards the door. Ngunit bago pa man siya makalabas doon ay muli siyang niyakap ng lalaki. This time ay nakaluhod na ito habang yakap ang mga binti niya at nagmamakaawang manatili siya.

"Please, Yassie. Don't leave me, I love you so much. The reason I hide it is because I am afraid that this time would come, this time that you would leave me. Mahal na mahal kita, I will do everything for you stay. Please.".

Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata at pinigilan ang malakas na hikbi. Kailangan niyang umalis. Gaano man niya kamahal ang asawa ay hindi niyon kayang tabunan ang sakit na kasalukuyan niyang nararamdaman.

Buong lakas niyang inalis ang mahigpit na pagkakayakap ng lalaki sa kanyang mga binti. Walang lingon likod na mabilis siyang naglakad palayo dito. She can't stay with him. Not now.






His Secretary (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang