2. She's Drunk

5.8K 109 2
                                        

"I'll drive you home.".

"Sir?", tanong niyang muli na bahagyang lumapit sa lalaki. Tama ba siya ng narinig o nag iimagine lang siya tulad ng madalas niyang gawin?

She saw him sighed and moved forward na talagang ikinagulat niya dahil inilapit pa nito ang mukha sa tapat ng kanyang tainga.

"I said, I'll drive you home. Ms. Perez.".

Bahagyang napabuka ang kanyang labi at nanlaki ang mga mata. But she immediately calmed herself and bit her lips.

"Huwag na po sir. May sasakyan naman ako. Ihatid mo na lang po ako sa office.".

Lumayo ito sa kanya na bahagyang nakakunot ang noo.

Nakita niya ang pag-iling nito at pag ngisi.

"You don't have a choice, Ms. Perez. I told Anton to get your car in the office", banggit nito sa personal assistant nito na kasunod kahit saan. "Malamang ay nasa bahay mo na ang kotse mo. I need to go somewhere at mas kakain ng oras kung ibabalik pa kita sa tower.".

Ang lakas ng tibok ng puso niya. Pilit niyang kinakalma ang sarili ngunit tila mas lumalakas iyon. Ang lakas talaga mang trip ng tadhana.

"Alright.", buntong hiningang suko ni Yassie. Ano ba ang magagawa niya. He's the boss. Nakakahiya man ay pumayag na din siya.

She saw him grinned and walked.

She was sitting silently in the passenger seat habang ito naman ang nagdadrive. Never in her wildest dreams na naisip niyang ihahatid siya ng boss.

She looked at him na noo'y focus lamang sa kalsada. Lumingon ito ng marahil ay maramdaman ang kanyang pagtingin ng nakangiti na agad nagpangiwi sa kanya. He raised an eyebrow and looked in front.

"What is that for?", lumingon itong muli at tinignan ang kanyang pagngiwi.

She looked away but still tensed.

"Kasi po sir, I never imagined you driving me home.". tumungo siya. "Nakakahiya.".

He chuckled.

"It's too late. Besides, ako naman ang may kasalanan kaya na late ka ng uwi ngayon.".

Umiling siya at ngumiti.

"It's part of my job sir. Ang isa pa, bayad naman ako.". She heard him laughed. Knowing her boss ay talagang namamangha siya ngayon sa lalaki.

A comfortable silence passed through them. Nakangiti lamang siyang nakatingin sa labas ng bintana habang nasa durasyon ng biyahe. Ng lumiko sila sa subdivision na tinitirahan niya ay namangha siya na alam nito iyon.

She never instructed him where to go, but he perfectly know it na tila ba ilang beses na ito galing doon. Kunsabagay ay matagal na niyang boss ito. Baka inalam talaga nito iyon as part of his work.

Ng tumigil na sila sa labas ng bahay niya ay nagdalawang isip pa siya kung aalukin niya itong pumasok.

But out of courtesy. "Gusto mo mag kape sa loob, sir?".

He looked at her and gently smiled.

"Next time siguro. May lakad ka pa diba?".

Next time? She wish. Pero duda siya doon. "Alright. Thank you sir. Mag iingat ka sa pagdadrive.".

Tumango ito bago siya bumaba ng sasakyan.

"Go inside.", utos pa nito ng tumayo lang siya doon para sana hintayin itong umalis.

Sumunod naman siya sa lalaki at ng isinara niya ang pinto ng makapasok ay doon lamang niya narinig ang paalis na paghugong ng sasakyan nito.

❤️❤️❤️

His Secretary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon