30

6K 111 28
                                    

Yassie woke up alone in the hospital bed. Kagabi lamang ay katabi niya doon ang asawa. Panaginip lang ba ang lahat ng nangyari kagabi? Pero pano siya nakapunta ng mag-isa sa hospital?

Dalawang katok mula sa pintuan ang umagaw ng kanyang atensyon. Bumukas iyon at pumasok ang lalaking nagbigay liwanag sa kanyang mga katanungan.

"Goodmorning, Yassie.", nakangiting bati ni Anton sa kanya.

Kung gayon ay hindi siya nananaginip lamang, totoong kasama niya kagabi ang asawa at inuupahan nito ang cottage na katabi niya.

"Good morning, Anton.", ganting bati niya dito.

"Si Gabriel?".

Isang misteryosong ngiti lamang ang sinagot nito sa kanya.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo? I talked to your doctor and you can be released from that bed anytime. Your baby's healthy. ".

She sighed in relief and touched her little bump. "Buti naman.". Then she looked back at him. Doon lamang niya napansin ang mga bitbit nitong mga paperbags.

"Change to these, I'll wait for you outside.".

Hindi na siya nito binigyan ng pagkakataong sumagot dahil mabilis pa sa alaskwartong nakalabas ito sa kanyang kwarto. Ng busisiin niya ang laman ng paperbags ay isang puting bistida iyon na bahagya lamang lumampas ng kanyang tuhod at white flat sandals na naaayon sa lugar.

She changed to the outfit and just let her hair down.

Ng lumabas siya ng kwarto ay si Anton pa rin lamang ang naabutan niya doon.

Bahagya siyang nalungkot dahil inaasahan niyang madadatnan doon ang asawa. Kahit tanungin naman niya ang assistant nito ay hindi niya ito mapiga.

"Inutusan ka ba ng boss mo na yan na wag magsalita tungkol sa kanya?", maktol niya na tinawanan lang ng lalaki. Nagdadrive na ito sa kung saan sila patungo ay di niya alam.

Nagtataka siya ngunit tila may excitement din siyang nararamdaman. At hindi nga siya nagkamali dahil ng tumigil sila at bumaba ni Anton sa tabi ng isang napakagandang beach house ay halos maluha siya.

"Yassieeeeeeee.", tiling papalapit na tawag ni Maegan sa kanya. Hindi lamang si Maegan dahil halos nandoon lahat ng natitira niyang mga kamag-anak maging ang mga magulang at malapit na kaibigan ng asawa. Nandoon din si Aling Doray na may malawak na ngiti sa mga labi tulad ng lahat ng nandoon.

Napatingin siya kay Anton na noon ay nakangiti lang din. Naguguluhan man ay hindi niya maitatangging masaya siya.

"Anong ginagawa ninyo dito? Nasan tayo?", tanong na tinawanan lang ni Maegan.

"You'll see.", matapos niyon ay ipinatong nito sa kanyang ulo ang napakagandang korona na may mga puting bulaklak na bitbit nito.

"Iha, thank you.", mangiyak ngiyak na niyakap siya ng ina ni Gabriel na si Gng. Co.

"I'm sorry, mama. Hindi na po ko tatakbo.", aniya na napaluha na din sa bisig ng ginang.

She laughed. "Kahit naman tumakbo ka iha, hahabulin ka pa din ng anak naming yon.", she laughed and wiped her tears. "Ay siya, go on, naghihintay na ang asawa mo. Baka naiinip na yon.".

Ng marinig niya ang sinabi ng ginang ay biglang lumakas ang tibok ng kanyang puso. Ng akayin siya ng mga ito patungo sa kabilang bahagi ng beach house ay napanganga siya sa ganda ng paligid.

Puro puting bulaklak ang nakikita niya doon, everything are decorated elegantly. Para siyang nasa paraiso. Mula sa malayo ay nakita niya ang naghihintay niyang asawa. marami na ang tao na nakatayo ding tila nag-aabang sa kanya.

"Oh my God.".

Sobrang saya ang bigla niyang naramdaman. Mga katrabaho nila at ilang mga kaibigan din ang nandoon. Naguguluhan man ay nagpadala siya sa daloy ng mga pangyayari.

When the air was filled with a beautiful melody from the piano at iwan siya ng pinsan at mga magulang sa gitna ng magandang paraisong iyon ay napalingon pa siya sa mga ito.

"Go on.", tango ni Maegan sabay abot din sa kanya ng maliit na bouquet ng mga puting rosas.

She walked in the aisle crying. Her heart was overflowing with happiness. Ng makalapit siya sa asawa na noon ay napakagwapong nakangiti sa kanya ay doon lamang din niya napansin ang mangiyakngiyak din nitong mga mata.

"What's this?", naiiyak na tanong niya.

"We'll renew our vow, this time, with our son and with your love.".

Nakagat na lamang niya ang kanyang mga labi dahil sa pagpipigil pang umiyak. He never fail to surprise her. Kaya pala ito biglang nawala. She was so happy. Wala na siyang mahihiling pa.

"No more lies, no more hiding. Everyone will know who you are, that I belongs to you and you to me. Mrs. Co. You deserve all the happiness in the world, my love. You can ask me anything, demand anything. I am giving you all your rights na kahit kailan ay di mo ginagamit. All of what I have is yours, my love. Please marry me again. Ikaw lang noon hanggang ngayon. I fell in love with you the first sight. Believe me or not but you are the only one since then. Sana tanggapin mo ulit ako, wife.". bulong ng lalaki.

PUnung puno ng pagmamahal ang mga mata ng lalaking nakatingin sa kanya. Pano pa ba siya tatanggi kung mahal na mahal niya ang asawa?

She hugged him tight and cried. "Of course. I love you, too.".

Palakpakan ang narinig nila sa paligid. Mga nakangiting mukha ang sumalubong sa kanya ng tumunghay siya mula sa pagkakayakap sa asawa. Doon lang tila niya naalalang marami silang kasama.

Napapahiyang isinubsob niya ang mukha sa dibdib ng lalaki.

"I love you.", buong pagmamahal nitong sabi.

"I love you, too.".

Paunti unting lumalapit ang mukha ng lalaki sa kanya ng mapigilan iyon ng isang may kalakasang tikhim na nagpalingon sa kanila.

"Ahem.". Doon ay ang nanunuksong nakangiting pari ang tila nag-aabang sa kanila. "Itutuloy pa ba natin ang kasal mga anak?".

They all laughed. '

"Yes father. ".

And that's the start of her happily every after with her one and only love.

His Secretary (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن