1. Her boss

9.9K 145 3
                                    

"Hi Yassie.".

Napaangat ng tingin si Yassie mula sa kanyang mga binabasang dokumento sa pagkakarinig ng malambing na pagbigkas ng kanyang pangalan. Then she saw Marcus, with his wide smile. He's one of their company's accountant. At sa halos isang taon ng binata sa kumpanyang iyon ay wala itong ginawa kung hindi magpacute kapag nakikita siya.

Infairness naman ay cute nga ito, but definitely not her type. Sa isang taon ba naman niya itong katrabaho kahit hindi naman sila magkafloor ay umaabot sa kanya ang pagka playboy nito.

He has this face na mala boy next door.

Laging nakangiti at laging malambing. Pero vocal ito na may gusto ito sa kanya. Na sa tuwina ay lagi niyang tinatawanan.

She gave him her usual business smile, raising an eyebrow.

"Yes, Marcus?".

"Pinapasubmit ni madam.". Itinukod pa nito ang isang kamay sa kanyang lamesa habang inaabot ng isang kamay ang folder na may malagkit na tingin sa kanya. "Pakipirmahan naman kay big boss.".

"Alright.".

Kinuha niya ang papeles at tinanguan ito.

"May lakad ka ba later?", anito na kinagat pa ang ibabang labi na halos ikatawa niya.

"Yes. May schedule si big boss ng 6 and I'm needed.".

He pouted at parang batang disappointed na tumingin sa kanya.

She smiled.

"Hindi mo ko madadaan sa pa cute mo, Marcus. Bumalik ka na sa trabaho mo, I'll call you o ibababa ko na lang to pag napirmahan na ni big boss.". taboy niya sa lalaki na lalong ikinabusangot nito. He was like what? A 27 years old acting like 5 na hindi nabigyan ng candy na gusto.

Walang nagawa ang lalaki na umalis doon.

Napapailing na tumayo siya sa pwesto at inayos ang bahagyang umangat na palda dahil sa pagkakaupo.

She gave two warning knocks bago buksan ang pinto ng pinaka office ng big boss.

He's the big boss, Jerome Gabriel Co. Almost 2 years ago ng pinaltan nito ang ama na si Manuel Co sa pagiging CEO ng Co Enterprises. May isang taon pa lang siyang nanunungkulan noon sa matandang Co. At dahil talagang magaling siya sa trabaho ay inerekomenda siya ng noo'y boss sa anak nito.

He has this look na hindi lang babalik balikan ng tingin, paglalawayan pa iyon ng kahit sino ang makakita dito. Noong una nga niyang makilala ang anak ni sir Manuel ay halos tumigil ang tibok ng kanyang puso. Why? Because his face is dangerously handsome. Idagdag mo pa ang well built nitong katawan plus pa ang height.

Ito yung tipong papangarapin ng lahat. Pero tapos na siya sa stage na iyon. Kailangan niyang itapon sa baul ang paghanga niyang iyon upang hindi siya mawalan ng trabaho. Nagkaroon kasi ng pangyayaring may natanggal doon dahil sa kabaliwan nito sa kanilang big boss. She love her work, her colleagues and her salary of course.

Isang segundong sulyap lang halos ang ibinigay nito sa kanya ng buksan niya ang pinto.

Sanay na siya sa boss. He doesn't smile often. Nangiti lang ito kapag kaharap ang mga kliyente, kaibigan o ang mga kamag-anak nito.

Sa halos dalawang taon niyang paninilbihan sa big boss ay halos alam na niya ang mood nito at kung kailan ito dapat kausapin.

"Sir. Pinapapirmahan po ni Ms. Dizon from accounting.".

Inilagay niya ito sa ilalim ng ilan pang mga folders na nakapila para pirmahan ng binata.

She excused herself when he nodded.

His Secretary (Completed)Where stories live. Discover now