17

2.9K 68 1
                                    

It's been a month since they tied the knot.

Nagising si Yassie ng tulad ng mga nakalipas na mga araw sa nagdaang mga linggo na wala na ang asawa sa kanyang tabi.

She then heard the shower and sighed.

Walang mangyayari kung magmumukmok siya ng magmumukmok kaya naman nauna siyang lumabas ng kwarto upang maghanda ng kanilang umagahan.

Kung walang pasok ay madalas niyang inaagawan ng trabaho si Yaya Julie ang isa sa mga cook na hatid sundo ng driver ng kaniyang biyenan tuwing umaga.

Ngunit pagbaba niya ng kwarto ay nakita niyang nagsisimula na ito.

"Good morning po nay, ang aga niyo ngayon ah.".

Isang mapanuksong ngiti ang ibinigay nito sa kanya bago muling ibinalik ang atensyon sa ginagawa "Ikaw ang tinanghali iha. Ayos lang naman iyon at bagong bago pa lang kayong mag-asawa.", anito na tumingin pa sa orasan na nakapatong sa bar counter na humahati sa sala at kusina.

She blushed upon realizing what the old lady was trying to imply.

She can't confirm nor deny it kaya naman nakangiti lamang siyang lumapit dito at tumulong.

Matagal na rin niyang kilala si Manang Julie dahil matagal na rin naman siyang nagtatrabaho sa mag-asawang Co. Madalas din siyang anyayahan ni Mrs. Cynthia Co sa mansyon ng mga ito sa tuwing may okasyon o kaya naman ay tuwing gusto siya nitong makakwentuhan. They are literally treating her like their own daughter kaya naman kilala na niya ang mga kasambahay doon na madalas ay kanyang kabiruan.

Ang alam niya ay si Manang Julie ang yaya ng kanyang asawa simula maliit ito kaya naman huling huli ng ginang ang panlasa ng lalaki.

"Wala pa ba akong aalagaan iha?", tanong pa ng ginang na lalo niyang ikinapula.

"Wala pa po nay. Wala pa sa plano namin, bago lang din po kasi kami.", nahihiya niyang sagot na ikinatawa ng huli.

"Kunsabagay iha, bata pa naman kayo, tama lang na ienjoy niyo  muna na kayong dalawa lang bago gumawa ng  bata, pero iba na rin ang may maliit sa paligid, nakakawala ng stress.".

Ngumiti lamang siya sa ginang at nahihiyang yumuko. Magaan ang loob niya sa ginang, mayroon ito laging nakahandang matamis na ngiti sa tuwing makikita at makakausap niya. Binigyan din siya nito ng ilang tips sa mga paboritong ulamin ng asawa.

"Good morning.".

Sabay pa silang lumingon ni Yaya Julie ng marinig ang pagbati ni Jerome.

He's in his white shirt and a black short na madalas nitong ipambahay.  He's so fresh at bagong ligo pa .

"Good morning, iho. Sakto ang baba mo at malapit na kaming matapos ni Yassie sa pagluluto.", nakangiting turan ng ginang.

Halos nanigas pa siya ng lumapit ito sa kanya at halikan siya sa kanyang pisngi na ikinangiti ni Yaya Julie. But she knows better, nitong mga nakalipas na mga araw ay sweet lamang ito sa harap ng mga tao na nakakaalam na kasal sila. Gayun man ay hindi pa rin niya mapigilang magwala ang kanyang puso sa simpleng halik na iyon.

Umupo na ito sa pwesto nito kaya naman awtomatikong ipinagsalin niya ito ng kape sa isang tasa.

Ng matapos magluto si Yaya Julie ay tila nagmamadali itong nagpaalam na madalas nitong ginagawa.

"Do you have any plan for the day?".

Napatunghay si Yassie mula sa pagtingin sa kanyang pagkain ng marinig ang tanong ng asawa. She swallowed the food inside her mouth and shook her head.

"Wala namang importante. I usually stroll around in my off to find beautiful foods for my IG.".

Then an idea came in a flash.

"Would you like to join me?", mabilis na lumabas sa kanyang bibig, but then she bit her lower lip and almost curse herself. Pano ba niya nakalimutan na sobrang busy na tao ng kaharap bukod pa doon ay may goal ata itong iwasan siya hanggat kaya nito? "That is if you don't have anything to do today. I mean.", bawi niya.

Her heart jumped at the sight of smile on his lips. He nodded in her utmost shock.

"Sure. I'm free the whole day.".

Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata sa pagkagulat na napaltan ng ngiti, her very first genuine smile after a few weeks.

"Good then. Let's prepare once done with out breakfast.", malumanay niyang sabi kahit na nga tila nagwawala na ang kalooban niya sa biglang saya.

Ng matapos mag ayos, bitbit ang kanyang backpack at camera ay lumabas na si Yassie ng kanilang kwarto. She's wearing a comfy outfit. A white and light pink sweatshirt na tinernuhan niya ng walking short. White shoes and white cap. Ng makalabas ng kwarto ay biglang bilis ng tibok ng kanyang puso ng makita ang asawa. He's wearing a black round neck long sleeves na nakatupi hanggang siko na tinernuhan nito ng maong pants at puting sapatos.

Oh God. My heart. Bulong niya sa sarili.

He broke a smile that she answered dearly.

"Are you ready?", tanong nito na tumayo mula sa pagkakaupo sa couch na kanyang tinanguan.

"Behave, Yassie. Para kang teenager na nakakita ng crush.", bulong niya sa sarili ng maunang maglakad palabas ng kanilang unit.

Pababa na sila lulan ng elevator ng halos mapatalon pa siya ng magsalita ang asawa.

"So where are we going?".

Lumingon siya dito ng mapangiwi dahil sa kanyang inakto.

"Are you okay?", nag aalala pa nitong tanong.

"Yes, I'm fine.", she calmed herself and retrieved her sanity mula sa pagkakalunod sa presensiya ng asawa. "Hmm, let's see.".

"You don't have any plan?".

Natawa siya dahil sa nakitang pagkunot ng noo ng lalaki. Kilala niya ito na dapat ay laging planado ang lahat dahil bawat segundo sa oras nito ay mahalaga.

Umiling siya at tumingin sa pagbukas ng pinto ng elevator.

"Wala.", aniya ng nagsimulang humakbang palabas doon. "That will make this day more interesting. Not knowing what will happen. No exact place to go. Isn't that exciting?", lumingon siya dito at kinuhanan ito ng litrato gamit ang camera na nakasabit sa kanyang leeg.

Nasa harap na siya ng kotse ng asawa ng kunot noong tinignan niya ito dahil nilampasan siya ng lalaki.

He pressed the car key in his hand that unlocked the door of a Mazda MX-5 two cars from where she was.

"Wow.", Yassie raised an eyebrow and smirked at her husband who was obviously showing off dahil sa ngiti nito sa kanya. "Perks of having a rich husband.", aniya na umikot sa passenger side kung saan siya pinagbuksan nito ng pinto.

"How many cars do you have?", she curiously asked. He started the engine and looked at her.

"A lot.", he showed her a boyish grin na dahilan upang mapatawa siya.

"Hindi ka din mayabang no?"

Nakangiting umiling ito at nagsimula ng patakbuhin ang sasakyan.

"San tayo, ma'am?".

"Hmm..... Tagaytay", aniya.

His Secretary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon