20

2.9K 67 3
                                    

"Malala nga yan couz.", may simpatyang sabi ni Maegan. It was Friday night at dahil walang pasok kinabukasan ay sumama siya sa usual hangout place nilang magpinsan at ng ilang mga kaibigan. The Stargaze bar. Wala pang gaanong tao kaya tahimik pa ang paligid. It was just 8 PM at halos kakabukas lang niyon.

Kinuwento niya sa pinsan ang mga nangyari at tila pati ito ay nabahala.

The cold war with her husband started after that day in Tagaytay. That was last Sunday. Lumipas ang buong linggo na hindi niya kinikibo ang asawa kung hindi naman kailangan. Tulad pa rin sila ng dati sa work. She never failed him as a secretary, mas mabilis pa nga niyang natatapos ang mga trabaho niya ngayon dahil ayaw niyang isipin ang relasyon nila ng asawa na ilang hakbang lang naman lagi sa kanya.

Ang masakit pa ay parang balewala iyon sa lalaki.

Kinuha niya ang kanyang kopita at inubos ang laman niyon. She smiled at the bartender and ordered a new one.

"Our first week was so sweet. We even kissed and I can feel that he wanted me.", yes wanted, dahil hindi na siya sigurado ngayon. "Pero, parang iniiwasan niya ko after that. He loved hugging me whenever we sleep , pero ngayon ni kamay ko o buhok ko ayaw niya masaling.", himutok niya. Pinipigilan na nga lang niya ang maiyak dahil sa kanyang nararamdaman.

"I don't want to say this but ... hindi kaya may babae siya?".

Mabilis ang paglingong ginawa niya sa pinsan at tila sumakit ang ulo na nagkunot ng kanyang noo. If she will carefully think about it ay hindi imposible. Minsan ay wala ito sa office, dahilan ay laging may meeting sa iba nitong hawak na kompanya, kung may pasok naman sila ay may mga oras na mawawala ito ng wala sa kanyang schedule at umuuwi na ng gabi.

She pouted and shook her head.

No, kung may babae kasi ito ay mararamdaman naman niya, hindi ba?

"I don't know.", naguguluhan din niyang sabi.

"Why don't you ask him? Try to be vocal with your thoughts. Baka kulang lang kayo sa pagsasabi ng mga nararamdaman ninyo sa isa't isa kaya hanggang ngayon nangangapa pa rin kayo? The start of your relationship with him was not the usual kaya marami kang insecurities. Alam kong nahulog na yang puso mo sa asawa mo. Hindi mo maikakaila sakin yun, couz".

She sighed. Make sense. Pero magagawa kaya ng lalaki na maging vocal sa kanya? She tried last week but she failed and got rejected. Should she act again? Kaso baka another rejection na naman ang matanggap niya.

Naramdaman niya ang marahan na paghawak ng kamay ni Maegan sa kanyang kamay na nakapatong sa lamesa.

"Pano mo malalaman kung hindi mo itatry, right?", ani Maegan na tila ba nababasa ang nasa isip niya.

She nodded. While formulating her next steps.

Lumipas ang ilang sandali ay dumating ang boyfriend ni Maegan kasama ang ilang mga kaibigan nito na kakilala na rin niya. One of them is Ruel, a hunk model na minsan ay nagpalipad hangin na sa kanya.

But she told her the real score at tanggap nito iyon kaya naman naging magkaibigan sila.

"Hey, bakit naman parang wala sa mood ang prinsesa?".

She smiled. Prinsesa ang tawag sa kanya ng lalaki na hinayaan na lang niya.

"Ang tagal nating di nagkita ah?".

He smiled. Umupo ito sa upuan sa kanyang kaliwa at bahagyang inilapit sa kanya.

"Did you miss me? I was out of the country for a photoshoot.".

"Ha. ha. ha. Funny.", she animatedly said.

"Ouch, you're always hurting my pride, lady.", he even touched his chest na tila nga nasaktan ito na inilingan lang niya. The emotion on his face changed from a playful smile to sorrow? "I heard you got married.".

"Ah yeah.", she then showed him her hand with her wedding ring.

He bitterly smiled and shook his head.

"I am too late then.".

She gulped while looking at the sadness on his face. Hindi man niya ito gusto romantically ay kaibigan niya ang binata.

Inangat ni Yassie ang kamay upang tapikin at biruin sana ang lalaki ng pareho sila ni Ruel na natigilan.

"Yassie.", they heard said by a man who gave her chills the moment she turned to look at his furious face.

"Oh, hi Jerome.", unang nakabawi sa pagkabigla si Maegan. Tila natigilan din ang kanyang pinsan dahil sa ekspresyong hindi man lang itinago ng asawa.

"Hey, boss. What are you doing here?", she smiled.

Lalong kumunot ang noo ng lalaki dahil sa tawag niya. Nginitian lang niya ito, tumayo sa kanyang upuan at hinalikan sa pisngi bago humarap sa mga kaibigan niya. Muntik pa nga siyang masubsob sa asawa dahil sa pagkahilo, buti na lamang at maagap siya nitong naalalayan na ikinahagikhik niya. His strong arm was still around her waist supporting her even after pulling him in front of her friends.

"This is my boss, boss these are my friends.", she giggled. She could almost see fire from his eyes. "Just kidding. This is Jerome Gabriel Co, my husband.".

Babalik na sana siya sa pwesto niya matapos niyang ipakilala ang asawa sa mga kaibigan nila doon, ngunit mahigpit nitong nahawakan ang kanyang mga kamay na muling nagpalingon sa kanya dito.

"You had enough, I hope your friends will not mind if we'll go home.", matigas nitong sjnabi. She looked at Maegan who only nodded to what he said.

She pouted.

The night was still young but his expression is not giving her any good sign if they'll stay. Lalo na para kay Ruel na tila gusto ng saktan ng asawa. Kaya naman pumayag na siyang magpaalalay dito palabas ng bar.

Tahimik lamang ang asawa sa sasakyan hanggang makauwi sila.

Napasandal si Yassie sa loob ng elevator ng makaramdam muli ng pagkahilo. Well, he was right, malakas na ang tama sa kanya ng alak. Medyo marami din kasi siyang nainom. Aalalayan sana siya ni Jerome, but she refused him.

She doesn't want his help now, lalo na't sobrang sama ng loob niya dito.

Ng bumukas ang elevator ay nagpauna na siyang lumabas, ngunit nakakaisang hakbang pa lang siya ay nawalan siya ng balanse at muntik ng matumba doon.

"Shit ", she hissed. Buti na lamang ay naalalayan siya ng asawa mula sa likod. Ngunit dahil sa inis dito ay lumayo siya at pinilit ang maglakad mag isa.

After taking a few steps, Yassie gasped when she found herself in her husband's arms. He was carrying her like a princess. She struggled at first ngunit naging matigas ang asawa.

"Stay still kung ayaw mong mahulog sa sahig, Yassie.".

Natigilan siya at napatingin sa mukha nitong walang kaemo-emosyon.

Walang nagawang ngumuso na lamang siya at isiniksik ang mukha sa leeg nito.

She hid her smile. Galit man ay hindi maikakaila ng puso niya ang munting saya.









🤩🤩🤩

Author's note

it's my off, kaya eto, may time mag sulat. I started writing this story when I was not working due to ecq. pero 1 week lang akong nawalan ng trabaho(that I thank God), kaya hindi na ganun kabilis ang update. But I hope that you'll like this story tulad ng kung paano akong nag eenjoy na isulat ito. I want more kilig. lol

Thank you for reading, at sana ay basahin din po ninyo ang mga nauna kong completed stories. haha. Thank you. Any comment, vote, share is much appreciated.

-jeiCEee 😘

His Secretary (Completed)Where stories live. Discover now