18

2.8K 74 5
                                    




"Here, let's go here", she excitedly showed him the picture of La Bella Tagaytay from her cellphone.  A beautiful place for her Instagram.

She showed him the map na tinanguan nito.

"Are you always like this?".

"Yup. Mas masaya pag walang plano. Para di tayo ma disappoint pag may hindi na sunod.", she said while browsing the pictures of their target place.

Malapit lang naman ang Tagaytay sa kanila. Mga isang oras na biyahe pag walang traffic.

"Ng makarating sa kanilang destinasyon ay walang pinalampas na sandali si Yassie. Kaliwa't kanan ang pagkuha niya ng mga litrato habang nakasunod lamang ang asawa.

It's a greek-inspired place at talagang napakaganda ng bawat sulok doon.

Naging instant model tuloy niya ang asawa, dahil halos ito ang laman ng camera niya.

Ng mapagod sa paglalakad ay pumunta sila sa cafe doon upang magpahinga at magmeryenda.

Pahapon na ng yayain niya si Jerome na umalis doon at maglakad lakad sa kilalang park ng Tagaytay. Natutuwa siya dahil napakasupportive nito, ni hindi nga niya ito narinig man lang na magreklamo sa haba ng nilalakad nila.

Akalain mong napaglakad niya ang isang elite na tulad nito? Haha.

"Are you thirsty?", tanong ni Jerome ng makitang said na ang tubig ni Yassie. Tumango ito at sumilong sa isa sa mga  kubo na nadadaanan nila. "Wait here, I'll get you a drink.".

Sasama sana siya dito ngunit mabilis na tumalikod ang lalaki. Kibit balikat siyang nagpaiwan at inabala ang pagtingin sa paligid.

Mula sa pwesto ay kitang kita niya kung paanong nakasunod ang tingin ng karamihan ay mga babae sa asawa. Hindi niya masisisi ang mga ito dahil napakagwapo ng lalaki. Maging siya nga ay madalas tila mawala sa sarili dahil dito.

Ng mawala na ito sa kanyang paningin ay saka niya pinagtuunan ng pansin ang kanyang camera. Tinignan niya ang mga kuhang larawan with her number one subject.

Isang tikhim ang nagpatunghay kay Yassie mula sa pagkakatungo sa kanyang camera. Isang nakangiting lalaki na nakatayo sa kanyang harapan ang bumungad sa kanya.

"Mag isa ka lang?"

Mukha naman itong mabait ngunit hindi siya komportable na makipag usap sa hindi niya kakilala.

Umiling siya sa tanong nito at itinuon muli ang atensyon sa hawak.

"Gusto ko lang sanang makipagkilala. I am with my friends.", tumuro ito sa bandang taas kung saan nakita niyang nakatingin sa kanila ang mga kaibigan nito. Maybe they were around 9 at halos magkakapareha. "Huwag ka sanang matakot sakin. I promise I am not a bad person.". Doon siya muling tumingin sa mukha ng lalaki na noon ay may magandang ngiti sa kanyang labi. Tila din nakangiti ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.

"Hindi ba to parusa sa pustahan niyong magtotropa?", she asked na ikinapula ng mukha ng lalaki. Nagkamot ito ng ulo at nahihiya na umiling.

"No, hindi ganun.".

Umiling siya. "You should go. I am with my husband and it's not...".

Bago pa man niya natapos ang sasabihin ay isang matipunong braso ang lumigkis sa kanyang baywang. Naramdaman din niya ang paghapit ng lalaki sa kanyang katawan palapit sa katawan nito na nagpainit ng kanyang mukha.

"Do you know him, baby?".

Napatulala siyang napatingin sa asawa. Baby?

"Nagtatanong lang po sir. aalis na po ko,", sabi pa ng lalaki na namumulang tumalikod sa kanila.

Kawawang bata. Naintimidate ata sa kasama niya. Sino ba namang hindi? sa kilos at tingin pa lang ng asawa ay  taob na ang mga kalaban.  She smiled.

Inilapag ng asawa ang bit bit na plastic sa lamesa doon at nakayakap pa rin na iniharap siya.

"Wala pa kong sampung minutong nawala, may kausap ka ng iba.".

Lalo siyang napangiti ng makita ang nakasimangot nitong mukha.

"Pinapaalis ko na nga siya bago ka pa dumating. Wag ka ng sumimangot.", aniyang kinurot pa ang pisngi ng lalaki. "At saka anong laban niya sayo eh ikaw ang pinakagwapo sa lahat ng nakilala ko.".

Nakita niyang tila namula ang lalaki na ikinatawa niya. Haha ang cute .

Hindi niya alam kung anong espiritu ang sumapi sa kanya ng hindi niya napigilan ang sariling halikan ang mapulang labi nito. Nanlaki ang kanyang mga mata ng mapagtantop ang kanyang ginawa at agad umiwas ng tingin sa tila natulala nitong mukha.

Umalis siya sa pagkakayakap nito at kinuha ang binili nitong inumin.

"Ito ba yung binili mo?". Tumalikod siya at mabilis na uminom doon. No way. Ang tanga ko.

Ng lumingon siya dito ay  nakita niya ang nanunukso nitong ngiti.

"Let's go. Mukhang uulan. Baka abutan tayo, wala pa naman tayong payong.", aniyang umiwas muli ng tingin sa lalaki.

Makalipas nga ang ilang minutong paglalakad ay biglang buhos ang malalaking patak ng ulan. hawak ang kamay ng asawa ay nagtatakbo sila palapit sa sasakyan. No choice sila kung hindi ang tumakbo dahil walang masisilungan sa paligid. Kaya naman halos basang basa na din sila ng makapasok sa kotse nito.

**

Nilingon ni Jerome ang kanyang asawa na tulad niya ay basang basa na rin dahil sa ulan.

"Are you cold?".

Nakita niya ang pagngiwi nito na tumingin sa kanya. "Yeah.".

Hininaan niya ang aircon ng kanyang sasakyan at sinimulang patakbuhin iyon.

Hindi sila pwedeng umuwi sa ganung estado dahil baka sipunin ito.

Ng umalis na sila sa park ay nagtatakang napalingon pa ang asawa sa kanya dahil  sa halip na dumiretso palabas ng Tagaytay ay lumiko sila sa isang condo building doon.

"We need to dry up.", aniya na nilingon ito.

"There?", nanlalaki ang mga matang sabi nito.

He nodded and smiled. Her reactions never fail to amuse him. Her own beautiful angel. Gagawin niya ang lahat upang manatili ito sa kanya. He will make her fall hard tulad na lang ng nararamdaman niya para dito.

His Secretary (Completed)Where stories live. Discover now