24

2.8K 71 3
                                    

Happiness is a choice ❤️

Everyday was like a dream. Hindi inakala ni Yassie na mararamdaman niya ang sobrang kaligayahan sa piling ng asawa. May halos tatlong buwan na din mula ng magpakasal sila at hindi niya pinagsisisihan ng binuksan niya ang puso para dito.

Napapadalas ang out of town nilang mag-asawa simula ng umamin siya sa kanyang nararamdaman. Madalas na din siya nitong isama sa tuwing aalis ito at kakailanganin ng mga ilang araw sa ibang bansa para sa ilan nitong kumpanya. She was there not only as his secretary but his wife.

Ngayon nga ay halos kakauwi lang din nila mula sa dalawang linggo nilang bakasyon sa Italy. Noong una ay sinabi nitong business meeting ang ipinunta nila doon. But he lied. Wala pala silang kakatagpuin doon bagkus ay iyon ang naunsyami nilang honeymoon ng magpakasal sila. Kaya pala sobrang busy ng asawa at halos hindi na umuuwi ilang linggo bago ang bakasyon nila ay sa paghahanda sa araw na iyon.

Those two weeks were the best days of her life. Yung araw-araw na kasama pa lang niya ito sa condo ng lalaki ay sobrang ligaya na niya, what more ng makasama niya ito sa bakasyon na silang dalawa lang?

Mula sa airport ay sinundo sila ni Anton na naging pansamantalang reliever ng asawa sa mga naiwang negosyo nito. Nalaman niyang bukod sa pagiging kanang kamay ay maituturing na isang malapit na kaibigan din ito ng asawa. Tulad ng amo nito ay hindi din ito mahilig ngumiti sa ibang tao, bukod marahil sa kanya. Minsan nga ay napagkamalan itong boyfriend niya nila Monica dahil hindi sa iilang pangyayari na nakasunod ito sa kanya sa utos ng asawa.

He has a dark complex with an Indian/American features na lilingunin mo talaga. May crush nga ang ilan niyang kaibigan dito.

"Do you have a girlfriend, Anton?", hindi niya napigilang tanong na nagpatawa sa lalaki. Both her and her husband were sitting at the backseat of the car. Hindi din nakaligtas sa kanya ang pagkunot ng noo ng asawa kasabay ng pagpisil nito sa kanyang kamay na hawak nito.

"Baby, I am just curious, walang malisya. Don't frown.".

Anton chuckled and shook his head.

"Wala akong girlfriend. But I have friends.".

"Aah.", she understood the meaning of his 'friends'. Sabagay ay gwapo ito.

Muli niyang naramdaman ang pagpisil sa kanyang kamay ni Jerome kaya tumingin siya dito at kinunutan ito ng noo.

"Seloso mo naman. Si Anton yan oh.".

Narinig muli niya ang pagtawa ni Anton kaya lumingon siya dito.

"Ma'am, maawa po kayo sakin, baka bawasan ni boss ang sahod ko.", biro pa nito na lalong sinimangutan ng kanyang katabi.

"Just drive, Anton.", he grimly said that made her pout her lips.

"Yes, boss.".

"Where are we going?", ilang sandali pa ay tanong niya ng iba ang direksyon na kanilang tinatahak.

"Home.", he simply said.

"Hindi naman dito ang papunta sa condo mo?", aniya na nginitian lang nito.

They entered an exclusive subdivision's gate na halos ikalula niya ang mga nakikitang bahay doon. Napa wow na lang siya ng tumigil ang kanilang sasakyan sa isang mataas na itim na gate. They were welcomed by three uniformed housekeepers. Ipinakilala ang mga itong sina Nay Angie na sa tantiya niya ay may limampung taong gulang, si Marife na dalawamput limang taong gulang at si Mang Daniel na siyang nagbukas sa gate na siyang tumatayong hardinero at guard na rin ng bahay.

"This is our new home, wife.".

Pinaghalong gulat at saya ang kanyang naramdaman sa sinabi ng asawa. It was a two storey modern house with a swimming pool. Napakaganda ng pagkakagawa niyon, mostly ay salamin ang mga dingding kaya naman kitang kita niya ang ganda ng loob niyon.

"This is wonderful

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"This is wonderful.", mangiyak ngiyak niyang sabi. Nakakainlove talaga ang bago nilang bahay.  "So this is small, huh?".

He chuckled, natandaan kasi niya ng tinanong siya nito minsan tungkol sa dreamhouse niya. She said she want a small house para magkikita kita pa rin sila ng mga tao doon. Gusto din niya ng swimming pool at glass wall. Hindi niya akalaing magagawa ang bahay na iyon sa loob lamang ng dalawang buwan simula ng interviehin siya nito.

Hindi kasi niya maituturing na maliit ang bahay, everything is luxurious, sa design, sa mga kagamitan sa loob, nonetheles, she love it.. really love it.

"Come on, I'll show you around.", akbay nito sa kanya.

HIndi siya nagkamaling mas maiinlove siya sa loob ng bahay. The house has 4 bedrooms. The master bed, a guesroom and two rooms na sinabi ng asawang magiging kwarto ng mga anak nila. It also has music room, theater area, game room at gym. Ang favorite niya sa loob ng bahay ay ang kitchen at ang dining area. Kumpleto ang lahat ng gamit doon. Sa gilid ng bahay ay ang space ng kanilang mga katiwala. They have their own mini house na katulad ng structure ng main house, nalaman niyang mag-asawa sina nay Angie at Mang Daniel kaya naman sa iisang kwarto ang mga ito, may bukod namang kwarto si Marife, may sariling sala at kusina din ang mga ito doon.

The master bedroom is the best room inside that house.

"Do you like our new home?".

Gulat na tumingin siya dito. "Do I like it? Are you serious? I love it so much.", she encircled her arms around his nape and gave him warm kisses. "Thank you", she sincerely said. "Hindi mo lang alam kung gaano ko kasaya.", aniya.

"I am glad.", he sweetly smiled and kissed her waiting lips. Ng kumukulit ang mga kamay ng lalaki ay napahagikhik siya.

"Hindi ka pa ba pagod?".

He grinned and shook his head. "Never, love. Never.".








His Secretary (Completed)Where stories live. Discover now